Chapter 19

1.2K 58 7
                                    

❝ Binabaliw mo ako.

Sa simpleng pagbabago mo

Ginulo mo ang isip ko.

Ano bang ginawa ko?

P'wede bang sabihin mo?

Ayaw ko nang ganito tayo.

Nasanay na akong . . .

Maingay ka kasama ako. ❞

   

Thirty minutes na ang nakalipas simula nang matapos ang klase para sa hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thirty minutes na ang nakalipas simula nang matapos ang klase para sa hapon. Hindi pa rin bumabalik ang malay ni Mona, sabi ng school nurse noong dumalaw ako kanina, pero sabi nila, okay naman na raw siya. Kailangan lang ng pahinga.

Hindi ko rin alam kung nakakailan na ba akong stick ng yosi ngayon. Ganito pala ka-boring magyosi nang mag-isa dito sa smoking area. Hindi na ako sanay nang walang nakasandal sa tabi ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kapag nagkita ulit kami ni Mona. Ano bang dapat kong sabihin sa kan'ya? Dapat bang iparamdam ko sa kan'ya na . . . hindi niya dapat gawin 'yon sa sarili niya? Dapat bang sabihin ko sa kan'ya na . . . willing akong tulungan siya sa mga problema niya?

Pero sabi ni prof kanina, maging normal lang ako sa harap ni Mona. 'Wag ko raw iparamdam sa kan'ya ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba nararamdaman ko 'to? Kung ibang tao ba ang nakakita ng mga nakita ko kanina, mararamdaman din nila yung sikip ng dibdib na naramdaman ko kanina?

Kung ibang tao ba ang nakakita ng lahat ng 'yon, mabo-bother din ba sila sa kung anong gagawin nila kapag nagkita ulit sila ni Mona?

Kung ibang tao ang nakakita n'on . . . magiging desidido ba silang tulungan si Mona . . . katulad ko ngayon?

Pero hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit naghihintay pa ako kay Ramona dito sa smoking area kahit na hindi naman ako sigurado kung dadaan ba siya dito kapag uuwi na siya.

Alam kong may pakialam naman talaga ako sa kan'ya pero . . . normal ba na masaktan nang ganito? Normal lang bang masaktan nang sobra-sobra matapos mong malaman na sinasaktan ng isang tao ang sarili niya?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na tindig ng katawan ang lumabas mula sa gate ng campus. Lumingon siya sa gawi ko. Doon ko nakita ang pamumulta pa rin ng labi at ng mukha niya. Ngumiti siya sa akin bago naglakad papalapit.

Anong . . . anong gagawin ko?

Dapat bang ngumiti rin ako o dapat na maging neutral lang ako?

Kung magiging neutral lang ako sa kan'ya ngayon, paano kung maisip niya na . . . wala siyang karamay sa mundo?

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon