Chapter 59

793 31 0
                                    

❝ Natutunan ko na sobra ang pagkakamali ko

Na sa sobrang pag-iisip sa nakaraan

Nakakalimutan ko na ang mga nag-aalala sa akin sa kasalukuyan. ❞

   

Isang linggo pa ulit ang lumipas pero wala pa rin akong makuhang magandang balita sa paghahanap nila kay Ramona

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang linggo pa ulit ang lumipas pero wala pa rin akong makuhang magandang balita sa paghahanap nila kay Ramona. Sinubukan kong makipagtulungan sa mga pulis sa paghahanap sa kan'ya.

Pinuntahan ko ang mga lugar na pinuntahan naming dalawa, katulad na lang ng retreat house, pero wala rin kaming nakuhang magandang balita ro'n. Hindi raw nagawi ro'n ang babae mula sa picture na ipinakita namin sa kanila.

Hanggang sa isang gabi, tumawag ako ulit sa bahay nila. Sa bawat araw na tumatawag ako, nasanay akong si Manang ang sumasagot ng mga tawag ko. Kaya naman laking gulat ko nang mabosesan ang mama ni Ramona mula sa kabilang linya.

"This is Castillo's residence. Who's this?"

Napalunok ako at ginusto kong ibaba na lang ang tawag dahil sa takot . . . at hiya . . . dahil siguradong alam niya na nakikibalita ako tungkol sa paghahanap sa anak niya. Baka rin alam na niya na nasaktan ko si Ramona bago mangyari ang lahat ng 'to.

"Uhh, hello po. Si C-Caleb po ito."

Ilang segundo itong nanahimik sa kabilang linya, bago tuluyang nakapagsalita. "Ohh, are you Mona's friend? The one she's with on her birthday?"

Napalunok ako. "Opo, ako po 'yon."

Ilang segundo ulit na katahimikan ang nagdaan bago siya nagbuntonghininga. "Huwag mo nang isipin ang anak ko. 'Wag ka nang mag-alala, gagawin namin ang lahat para mahanap siya."

Sa lahat ng hindi ko inaasahan, itong mabuting pakikitungo ni Mrs. Castillo ang talagang nagpagulat sa akin. Nakaramdam ako ng ginhawa pero naging sapat 'yon para mag-init ang sulok ng mga mata ko.

"P-paano ko ho gagawin 'yon? Natural lang naman ho na mag-alala sa taong . . . importante sa 'yo."

"Hijo, mga magulang kami ni Mona. Kung mayroong pinakanag-aalala dito, kami 'yon. Alam kong importante sa 'yo ang anak ko. Alam ko rin kung ano ang namamagitan sa inyo, pero alam ko rin na ikaw 'yung tumatawag dito araw-araw para makipag-usap kay Manang Eba. Sa pakikibalita mo, may nakuha ka bang bagong balita? Wala naman, 'di ba?" 

Natahimik ako nang dahil do'n dahil tama naman siya. Araw-araw akong nakikibalita pero wala namang pagbabago, kahit na nakipagtulungan na rin ako sa mga pulis. Wala pa rin . . . halos tatlong linggo na. 

"Huwag ka nang masiyadong mag-alala sa anak ko. Mag-focus ka na lang sa work immersion mo, hijo. Sigurado naman akong babalitaan ka ni Manang kung sakaling may magandang balita na. Sa ngayon, 'wag mo muna itong problemahin. Hayaan mo kaming pamilya niya ang mamroblema dito dahil alam ko . . ." Nanlaki ang mga mata ko nang suminghot siya at nabasag ang boses niya sa huling sinabi. "Alam ko kung ano ang naging dahilan ng lahat ng 'to. Kaya . . . kaya hayaan mo na lang kami na hanapin at ayusin ang problemang ginawa ko sa anak ko."

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon