Chapter 63

921 31 0
                                    

❝ Napagtagpi ko na lahat ng sinasabi mo noon.

Ang daming nasayang na panahon

Sa paghabol sa mga taong akala ko kailangan ko.

Noong nahabol ko na sa wakas ito

Napagtanto kong tapos na akong 

Kailanganin sila sa buhay ko.

Sa huli ay ikaw at ikaw pa rin . . . 

Ang totoong kailangan ko. ❞

    

"Bakit ka nandito?" tanong ko nang huminto siya sa harap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bakit ka nandito?" tanong ko nang huminto siya sa harap ko.

Bahagya siyang ngumiti at yumuko na para bang alam na niya kung bakit gano'n ang unang tanong ko sa kan'ya . . . at naiintindihan niya.

"Ilang beses ko nang sinusubukang lapitan ka para kausapin nitong mga nagdaang buwan. Gusto ko sanang . . . makausap ka."

Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng paglunok. "Ano ho bang pag-uusapan?"

"I-Importante lang."

Ibinalik ko sa kan'ya ang tingin. "Kung importante 'yan, bakit pinatagal mo pa nang ganito?"

Sunud-sunod na paglunok ang nakita ko sa kan'ya bago ibinaba ang sukbit na mamahaling handbag, at may kinuha ro'n, saka inilahad sa akin ang isang envelop na may pamilyar na logo sa gawing itaas na kanan nito. Nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng pagkabog ng dibdib ko, nang mapagtanto kung ano ang laman n'on.

"Few months ago, may tumawag sa akin at nakipagkita para iabot ito nang personal. Noong una, nahihiya akong magpakita sa kan'ya dahil sa iniasal ko sa harap n'yong dalawa, pero napagtanto ko na wala nang magandang maidudulot pa ang pagtago ko at pag-iwas sa nakaraan, kaya pumayag akong makipagkita sa kan'ya. Ramdam ko rin na desperada na siyang makipagkita sa akin n'on kaya pumayag ako."

Nanginginig ang mga kamay kong may hawak sa paper bag na naglalaman ng toga habang nakatitig sa envelop na may logo ng Paghilom Retreat Center, kung saan kami nagpunta ni Ramona noon at gumawa ng sulat para sa mga taong gusto naming sulatan.

Alam kong iniwan ko 'to kay Sister Tricia dahil ayaw ko na sanang makita pa . . . tutal, wala naman akong lakas ng loob na iabot 'yon sa kan'ya. Pero . . . hindi ko alam na kinuha pala 'yon ni Ramona at ibinigay sa kan'ya.

"P-P'wede na ba tayong mag-usap, anak?"

Napalunok ako kasabay ng pag-iwas ng tingin sa envelop na hawak niya. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago siya pinasunod sa akin papuntang cafeteria.

Nang makarating kami ro'n, nakita ko ang mga kaibigan ni Ramona--kasama si Mark--sa isang table na maingay na nagtatawanan habang kumakain. Lumingon pa sa akin si Calista at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang kasama ko. Ilang sandali pa, umawang ang bibig niya kasabay ng pagkuha sa cellphone niya.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon