Chapter 25

1.1K 53 0
                                    

❝ Naging palaisipan sa akin

Kung anong rason ang iyong sinasabi

Para piliing mabuhay muli.

Gusto kong malaman kung tao ba ito

O pangyayari sa buhay mo.

P'wede bang maging ako

Para magkaroon din ako ng dahilan

Para hindi ko bitiwan ang sarili ko? ❞


"Gusto mong kumain?" tanong niya matapos akong kumalma

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gusto mong kumain?" tanong niya matapos akong kumalma.

Nakabalik na siya sa pwesto niya kanina sa swing. Mahina niyang inuugoy ito gamit ang paa niyang nakasayad sa sahig.

Umiling ako bilang tugon bago kinuha ang kamay niyang nasa kandungan niya. Tinitigan ko lahat ng sugat at peklat na naroon at marahang hinagkan. Ramdam ko ang akma niyang pagbawi pero hindi na lang din itinuloy, saka siya nagbuntonghininga.

"Bakit ginagawa mo 'to?"

"Huh?" Saktong paglingon ko sa kan'ya ay nag-iwas siya ng tingin. "Gumagaan ang pakiramdam ko."

Napakunot-noo ako sa isinagot niya. "Gumagaan ang pakiramdam mo kapag . . . sinasaktan mo ang sarili mo?"

Nagbuntonghininga siya bago tumango, kasabay ng paghila ng braso niya na hawak ko. "Oo. Whenever I cut my own skin, parang nakakahinga ako nang maluwag."

"Why? Kailan mo sinimulang gawin 'yan?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko na alam yung exact date. Pero usually, kapag mag-isa ako at naiisip kong magiging abogado ako at hindi doktor, sumisikip ang dibdib ko." Lumunok siya kasabay ng paghawak sa magkabilang kadena ng duyan. "That's when I will look for anything sharp so I can punish myself."

"Punish yourself?" kunot-noong tanong ko. "For what?"

"For not being brave enough to fight for my dream." Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "You see, I have already given up since my parents won't give up their dream of having a daughter with the same profession as them. Giving up on your dream is the same as giving up your life. So . . ." She shrugged. "Yeah."

Sunud-sunod na paglunok ang ginawa ko kasabay ng pag-iwas ng tingin sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero . . . pero ang sakit sa loob marinig sa kan'ya lahat ng sinabi niya ngayon.

"Then . . ." Ibinalik ko ang atensyon sa kan'ya. "What about the letter you kept on asking from me?"

Umawang ang bibig niya, kasabay ng pagbaba ng tingin. "Wala."

"Kailangan mo ng sulat para magkaroon ka ng dahilan para magpatuloy--'yon ang sinabi mo sa akin noon."

"Kalimutan mo na 'yon."

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon