❝ Ang hinihiling ko ngayon ay isang bagay lang.
Sana pinili mong ipaglaban at subukan
Ang pangarap na gusto mong makuha
Gaano ka man hindi kasigurado
Sa resulta na ibibigay sa 'yo ng mundo. ❞
Pinanood naming maglaro sa damuhan si Chase habang magkatabi kaming nakaupo ni Ramona sa mat na inilatag niya. Pinaglaruan niya ang bolang laruan ni Chase habang pinanonood ito sa pagtakbo-takbo sa lugar.
"Kailan mo pa siya kasama?" tanong ko.
Lumingon siya sa akin sandali bago ibinalik ang tingin kay Chase. "Noong 13th birthday ko, regalo siya sa akin ni Papa. Isang maliit na miniature poodle lang siya dati pero ngayon, para na siyang isang malaking fried chicken." She laughed.
Pati tuloy ako natawa dahil 'yon din ang nasa isip ko kanina no'ng makita ko sila. Humupa rin ang tawa niya, maging ang mga ngiti niya, nang muli siyang magkwento.
"Kaya lang, problema talaga sa poodles, very sensitive sila. Ang dali nila mairita, lalo kapag maingay or anything. Kapag nag-aaway sina Mama at Papa tungkol sa work at tumataas ang boses, nai-stress siya--nagkakasakit. Minsan, kapag gano'n, ayaw niya talagang kumain. Kaya no'ng mas nakilala at natutunan ko kung paano siya alagaan, lagi ko na siyang sinasama sa k'warto ko." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "May sarili nga siyang bed sa k'warto ko. Ang cute."
Napangiti ako. Gusto ko sanang makita kaso hindi naman yata tama na hilingin ko 'yon. Kwarto niya 'yon. Private property niya 'yon at babae siya. Kahit siguro i-invite niya ako sa kanila, hindi ko pa rin makikita ang mga ikinukwento niya ngayon.
"Pero sobrang talino niya. Feeling ko nga, naiintindihan niya ang mga sinasabi ko." She chuckled. "I remembered one time, nakita kong nginangatngat niya ang plastic na cutter ko. 'Yung mga may cute designs na nabibili online. Siguro, naiintindihan niya kung para saan 'yon para sa 'kin, at ayaw niya nang gawin ko 'yon."
Sobrang peaceful panoorin ni Ramona habang nagkukwento ng tungkol kay Chase. Parang nasa alaga niya ang kapayapaang hinahanap niya. Hanggang sa naalala ko ang sinabi niya sa akin noong nanonood kami sa bahay.
Kinuha ko ang braso at itinaas ang sleeve ng cardigan na suot. Nakita ko ro'n na unti-unti nang naghihilom ang mga sugat na nakita ko noong gabi habang nasa bahay namin kami.
"Caleb . . ."
Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti. "Hindi mo ba p'wedeng gawing dahilan si Chase?"
Napakunot-noo siya sa sinabi ko. "Huh?"
Pinaglaruan ko ang kamay niya bago sumagot. "Sabi mo sa akin noong nakaraan, noong nasa bahay ko tayo, wala ka nang makitang dahilan para mabuhay, 'di ba? Hindi ba p'wedeng gamitin mo si Chase para magpatuloy pa?"
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...