Chapter 65

1.4K 52 2
                                    

❝ Mahaba ang anim na taon

Lalo na't wala ka sa tabi ko.

Pero sa loob ng napakahabang panahon

Nanatili akong naghihintay, nagtitiwala

At nagmamahal sa 'yo

Dahil alam kong babalik ka rin sa piling ko. ❞

     

"Goodbye, class!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Goodbye, class!"

"Goodbye, Sir!"

Tumango ako bilang tugon sa mga estudyante kong nagpaalam na sa akin bago lumabas ng classroom dahil tapos na ang klase para sa maghapong ito. Nang maubos na ang mga estudyante sa loob, naupo ulit ako at nag-inat, saka naghikab dahil sa pagod sa maghapon.

Hayop! Akalain ko bang magiging instructor akol kung saan din mismo ako g-um-raduate noon ng senior high school?

Anim na taon na ang lumipas simula noong mabasa ko ang tanong sa PerDev project namin na, "where do you see yourself in five to ten years?" pero sino bang mag-aakala na magiging Calculus instructor ako ngayon?

Ano na nga ba ang isinagot ko sa tanong na 'yon?

In five to ten years, I can see myself being happily married to my girlfriend, Ramona Castillo with our kids.

Natawa ako sa sarili nang maalala 'yon. Kinuha ko sa bulsa ang wallet saka kinuha sa loob nito ang polaroid namin noong nasa Paghilom Retreat Center kami. Sobrang bata pa namin noon tingnan. Sobrang cute na sobrang ganda ni Ramona habang ako, parang normal na tao lang sa tabi niya--g'wapo, matangkad pero dahil hindi pa uso sa akin ang workout noon, mukha akong lampa.

'Tang ina, nagtataka tuloy ako kung bakit nagustuhan ako ni Ramona.

Kinuha ko ang cellphone sa gilid at ini-scan ang QR code. Pagkatapos n'on, p-in-lay ko ang audio na lumabas sa screen ng cellphone ko at narinig muli ang cute na boses ni Ramona sa hindi ko na mabilang na beses.

"Hello! Uhh . . . This is Ramona Castillo—girlfriend of Caleb Eusebio. This photo was taken on October 08, 20** and we're here at the Paghilom Retreat Center. We're here to refresh ourselves spiritually and spend our time together."

Muli akong napangiti bago napabuntonghininga.

Sobrang miss na kita, Ramona. Sumuko na yata ang lahat sa 'yo--sa paghahanap sa 'yo--pero nandito pa rin ako at umaasa, pinagdarasal, na sana . . . sana isang araw, magkita ulit tayo. Wala na akong pakialam kung iba na ang mahal mo kung sakali.

Ang gusto ko lang . . . makita ka ulit.

Sinubukan kong hanapin ang pamilya mo sa social media pero walang lumalabas na resulta. May mga katulad ng pangalan ng mga magulang mo, katulad ng pangalan mo, pero hindi ikaw 'yon. Hindi kayo 'yon.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon