Chapter 05

1.9K 73 36
                                    

❝ Hindi ko alam kung kailan ka nagsimula

Na kilalanin ako na parang isang tula.

Hindi ko akalain na sa maikling oras na kasama kita,

Mararamdaman ko sa 'yo ang pag-alala. ❞


Thirty minutes bago ang usual na oras ng pag-alis ko sa bahay, nasa sakayan na kaagad ako ng jeep

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thirty minutes bago ang usual na oras ng pag-alis ko sa bahay, nasa sakayan na kaagad ako ng jeep. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ang aga ko dito ngayon. Nakakadalawang sigarilyo na ako ngayong umaga at nakaalis na rin ang jeep na naabutan ko dito, pero nandito pa rin ako ngayon.

Ano bang ginagawa ko dito?

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago napagdesisyunang magsindi ulit ng panibagong stick ng yosi pero nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ramona na naglalakad papunta dito habang nakayuko. Nagmadali akong sumakay ng jeep at pumwesto sa dulo.

Hindi ko alam kung bakit kabang-kaba ako ngayong alam kong any time, sasakay na siya at babatiin niya ako ng good morning. Parang noon naman, hindi ko siya napapansin.

Hindi ko nga alam noon na malapit lang pala ang bahay niya sa amin, eh.

Sumandal ako sa gilid at ipinikit ang mga mata, nagpapanggap na natutulog. Sa bawat paglipas ng segundo, lalong bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso ko . . . at hindi ko maintindihan kung bakit at para saan 'to.

Hanggang sa narinig ko na ang pamilyar na pagtapak ng sapatos niya sa jeep.

"Caleb! Good morning!"

Gusto kong ngumiti dahil sa tatlong araw na nakasama ko siya nang ganito, parang unti-unti ko na siyang nakikilala. Tama ako na sasabihin niya 'yon oras na makita niya akong nakasakay ng jeep. Gusto kong ngumiti . . . pero natatakot akong malaman niyang may kakaiba sa akin ngayon.

Hindi ko pa nga maipaliwanag sa sarili ko kung ano yung kakaibang 'to, eh.

Idinilat ko ang mga mata ko at tumango sa kan'ya. Ngumiti siya sa akin bago naupo sa tabi ko.

"Tabi tayo, ah?" cute na sabi niya. Tumango na lang ako bilang tugon.

Bigla ko na namang naalala kung paano ko siya tinrato kahapon. Parang wala akong ginawang masama sa kan'ya kung itrato niya ako ngayon, ah? Hindi niya ba sasabihin na dapat akong mag-sorry sa kan'ya?

Gano'n naman ang mga tao, 'di ba? Hilig humingi ng apology na para bang may mababago ang mga 'yon.

"Bakit ba lagi kang tulog?" tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin. "Sa classroom, sa jeep, kapag walang ginagawa sa school, lagi kang tulog. Hindi ka ba natutulog sa inyo?"

"Pakialam mo?" sabi ko bago ipinikit ulit ang mga mata.

Tumawa siya. "Curious lang!"

Nagbuntonghininga ako. "Anong gagawin ko kung masarap matulog?"

Muli siyang tumawa. "Sabagay. Hindi ko alam kung bakit naisip ko na hindi ka natutulog kapag nasa inyo ka. Medyo worried nga ako sa part na 'yon. Pero feeling ko naman mali ako kasi totoo namang masarap matulog."

Hindi ko alam kung bakit nadagdagan na naman ng ibang pakiramdam ang sarili ko ngayon dahil lang sa sinabi ni Ramona. P'wede ko namang kumpirmahin o itama siya pero bakit . . . bakit parang bigla kong hinanap yung kalinga na kailangan ko?

Bakit parang bigla . . . gusto kong puntahan ang nanay ko?

Limang minuto matapos naming sumakay ng jeep, napuno na rin kaagad ito at nagsimula nang mag-drive ang driver paalis ng terminal.

Hanggang sa makarating kami sa school, tahimik at mabagal lang kaming naglalakad ni Ramona nang sabay. Hindi siya nagsasalita na parang alam niyang ito ang kailangan ko.

Katahimikan . . .

Tahimik naman palagi sa bahay pero pakiramdam ko, sobrang ingay. Pero bakit ngayong kasama ko siya, nag-iba ang tingin ko sa katahimikan?

Bahagya akong lumingon sa kan'ya habang tinatahak namin ang daan papunta sa building ng Senior High School. Tulad ng nakagawian niya, naka-uniform siya at nakasuot ng jacket. Ang dalawang kamay ay nakahawak sa dalawang strap ng backpack habang diretso ang tingin niya sa daan.

Ilang sandali pa, nagulat ako nang lumingon siya sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero masiyado yata akong magiging halata kapag ginawa ko 'yon . . .

Teka . . . halatang ano?

"Bakit?" nakangising tanong niya. "Nagagandahan ka ba sa akin?"

Gusto kong tumango at sabihing oo, sobrang ganda mo. Pero ang tanging nagawa ko lang ay umirap at ismiran siya bilang pagdepensa sa tanong niya.

"Mukha kang elementary."

Matapos kong sabihin 'yon, binilisan ko na ang paglalakad. Ilang sandali pa, narinig ko ang boses niya habang hinahabol ako.

"Hoy! Ang yabang nito! Porke matangkad ka! Matangkad ka pero hindi ako maliit!" malakas na sigaw niya habang mabilis na naglalakad para mahabol ako.

Hindi ko na napigilan ang mahinang pagtawa dahil kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon, sigurado akong sobrang cute niya sa mga oras na ito.

Hanggang sa makarating kami sa classroom namin at nakaupo na ako sa upuan ko, hindi pa rin ako tinitigilan ni Ramona sa pagpapaliwanag na hindi siya maliit.

"Hoy, Caleb! Para sabihin ko sa 'yo, matangkad na ang babae once umabot na sila sa 5 feet tall! 5'1" ako! Mas matangkad ako sa required height!"

Napapailing na lang ako sa loob ko dahil tatlong beses na niya itong sinasabi simula pa kanina. Gusto ko siyang patahimikin pero hindi ko alam kung bakit yung maingay niyang boses ang tanging ingay na gustong-gusto ko.

"Huwag mong sabihing 5'10 ka! Lumamang ka lang ng zero!"

Gusto ko ulit humalakhak pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng hiya kapag iniisip kong ngumingiti o tumatawa ako. Dahil ba matagal ko nang hindi ginagawa 'yon?

Dahil ba matagal na akong nawalan ng pake . . . kaya ngayong nagkakaroon ako ng pakialam, hindi na ako sanay?

"Ang ingay mo, Ramona."

Umawang ang bibig niya matapos kong sabihin 'yon. Hindi ko alam kung bakit siya mukhang nagulat at nailang dahil do'n. Kita ko pa ang pag-iwas ng tingin at paglunok niya ng ilang beses bago muling tumingin sa akin.

"B-Bakit mo ako tinatawag na Ramona?!" bulyaw niya.

Napabuntonghininga na lang ako. "Pangalan mo 'yon, 'di ba?"

Lumunok siya. "M-Mona! Mona na lang!"

Bilang pagsuko, tumango na lang ako. "Okay, Mona."

Natahimik siya matapos no'n. Pinagmasdan ko kung paano siya mag-iwas ng tingin at lumunok ulit ng ilang beses bago muling nagsalita.

"A-Ano . . . o-okay lang pala kapag ikaw."

Napakunot-noo ako dahil do'n. "Huh?"

Tumingin siya sa akin habang namumula nang bahagya ang mukha. "K-Kapag ikaw, okay lang na . . . tawagin mo akong . . . R-Ramona. Sige, punta na ako sa upuan ko."

Mabagal akong napatango habang pinanonood siyang naglalakad papunta sa upuan niya. Oras na maupo siya, para siyang robot na hindi kumikilos at deretso lang ang tingin sa harap. Parang iniiwasan na magtama ang paningin naming dalawa.

Hindi ko na ulit napigilan pa ang mahinang pagtawa nang dahil do'n.

Crush mo ba ako, Ramona?

Nakangiting napapailing na lang ako bago isinubsob ang mukha sa lamesa. Ilang sandali pa, tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase para sa umaga.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon