❝ Ibinalik mo ako sa buhay na wala ka
Sa buhay na malungkot st mag-isa
Pero hindi na kita masisi ngayon
Daahil naiintindihan ko na . . .
Na ginawa mo lang 'yon dahil nagmamahal ka. ❞
Dumeretso ako sa k'warto at padabog na isinarado ang pinto. Pagkatapos, kinuha ko ang kaha ng yosi sa side table at nagsindi ng isa, saka hinithit ang usok mula dito bago ibinagsak ang katawan sa kama.
Gusto kong ikalma ang sarili ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon sa lahat . . . maging kay Ramona . . . lalo na sa sarili ko. Pero sa bawat hagod ng usok sa lalamunan ko, bumabalik sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina.
Kung paano ako pinaniwala ni Ramona na simpleng date lang 'yon . . . at kung paano ako tingnan ng nanay ko na parang ang laki ng naging kasalanan ko sa buhay niya.
Hindi na dapat tayo nagkikita, 'yon ang sinasabi ng mga mata niya.
Hindi na natin kailangang magkita pa . . .
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago hinithit nang hinithit ang usok mula sa yosi. Nakaubos na ako ng dalawang stick at napapangalahati ko na ang ikatlong stick ngayon. Ramdam na ramdam ko ang hilo at sakit ng lalamunan dahil sa paraan ng paninigarilyo ko ngayon.
Kailan pa ba noong huling nagkaganito ako?
Napatigil ako sa paghithit ng usok sa yosi nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng k'warto ko.
"Caleb, please. Mag-usap tayo," basag ang boses na sabi ni Ramona. "I'm sorry. Hindi ko alam na magkakagano'n. Open the door, please. Mag-usap tayo. 'Wag ganito . . ."
Hindi ko na siya pinansin pa at itinuloy na lang ang walang tigil na paninigarilyo. Ilang beses pa siyang kumatok at tinawag ang pangalan ko pero walang kahit na isa doon ang sinagot ko.
'Wag ngayon, Ramona. Utang na loob, 'wag ngayon.
Naramdaman ko na ang pagkalma ko pero nanunuot pa rin ang hilo at sakit ng lalamunan ko. Nawala na rin ang mga katok ni Ramona kaya inisip kong tumigil na siya at umuwi.
Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago ipinikit ang mga mata. Gusto kong matulog pero alam kong sa dami ng nangyari kanina, hindi ako makakatulog.
Para akong ibinalik sa mga panahong hindi pa kami magkakilala ni Ramona.
Napadilat ako nang magulat sa marahan na pagkatok niya sa pinto.
"C-Caleb, I-I need to go home. Manang texted me at pinauuwi na niya ako. Please, talk to me tomorrow at school? Please? I'm sorry. Patawarin mo ako."
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Roman pour Adolescents🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...