Maagang nagising ang mga katiwala sapagkat ito na ang araw ng pag-alis ni Don Camilo. Datapwat nailigpit na ang ilan sa mga gamit ni Don Camilo sa casa, marami-rami pa rin ang kailangang hakutin papunta sa daungan ng barko. Sunod-sunod ang mga tauhang labas-masok sa casa upang buhatin ang mga gamit ng papaalis na don. Ang mga katiwala nama'y lubos na nalulumbay sa pag-alis niya. Kahit na mabigat ang bawat hakbang ng mga taong itinuring na pamilya ng don, hinikayat pa rin niyang ngumiti ang mga ito. Samantala, lihim na ring napangiti si Anastacia, sapagkat alam niyang matitigil ang ilan sa mga lihim na korapsyon ng don.
Sa daungan, nagtipon-tipon ang lahat ng malalapit kay Don Camilo. Lahat ay humihiling ng maaayos at matiwasay niyang paglalakbay. Tatlo ang mga batil (maliliit na barko) na naglalaman ng mga gamit ni Don Camilo. Dito makikita ang kanyang mga ari-ariang naipon sa loob ng kanyang panunungkulan bilang gobernadorcillo ng pueblo. Ang mga batil na ito ay magtutungo sa look ng Maynila sapagkat naroon ang barkong bibiyahe papunta sa Espanya.
Pinagmasdan ni Anastacia ang paligid. Marami-rami rin ang mga nagpunta sa daungan upang magpaalam sa dating gobernadorcillo. Isa na rito ang mga cabeza na hindi man nagtagumpay na makakuha ng mas mataas na posisyon, ay mayroon namang nakuhang 'regalo' mula sa gobernaodrcillo noong ito pa ay nanunungkulan. Lalo na si Don Dionisio na nakinabangan sa mga buwis na dumdaan sa daungan na ipinagkatiwala sa kanya ng don Ngunit, may sumagi sa isip ni Anastacia na sa pag-alis ni Don Camilo, ay mababawasan ang tiyansa niyang makaalis sa pueblo sa pamamagitan sana ng pagpuslit sa mga barko kung ito ay may ruta papuntang norte. Tila nagsisi siya sa pag-alis ni Don Camilo.
"Mag-ingat po kayo, Don Camilo, " saad ni Anastacia habang iniaabot niya ang baton ng don. Kahit tila nag-aalangan, nilakasan niya ang kanyang loob. "Don Camilo. Ngayong aalis na po kayo, sino na po ang mamamahala sa mga barkong pangkalakal? Magkakaroon pa po ba ito ng biyahe? Pupunta pa rin po ba ito sa norte upang makipagkalakal doon?"
Tumaas ang dalawang kilay ng don sa tanong ni Anastacia na hindi niya inaasahang manggagaling sa kanya.
"Oh hija, bakit mo naman naitanong iyan?" saaad niya.
Hindi makasagot si Anastacia.
"Bueno, nasabi mo rin lamang iyan, ngunit ang pamamahala ay ayon sa desisyon ni Senyor Casimiro," sagot niya.
Ayaw ni Anastacia na may makahalata sa kanyang tanong, kaya tumago na lamnag siya na tila nakuntento sa sagot ng don kahit hindi.
"Bakit interesado ka sa pagbibiyahe ng barko papunta sa norte?" saad ng tining na nagmula sa likod ni Anastacia. Napatingin siya rito ay nakitang si Casimiro ang nagsalita.
"Wala po, senyor," yumuko si Anastacia umatras nang kaunti upang mabigyan ng espasyo si Casimiro sa tabi ni Don Camilo.
"Senyor Casimiro! Akala ko'y hindi ka darating upang magpaalam sa akin dahil sabi ng mga katiwala na masama pa raw ang gising mo," saad ni Don Camilo saka nagpatuloy, "Yari nga lamang na natanong ng dalagang ito ang tungkol sa daungan at kalakalan, ikaw na ang bahala sa mga barkong pangkalakal na iiwan ko rito sa pueblo. Kung nais mong ipagpatuloy ito, ay mabuti," bilin niya kay Casimiro.
Tumingin si Casimiro kay Anastacia. Binabasa niya ang paagkilos nito saka bumaling kay Don Camilo. "Didirestsahin na kita, Don Camilo. Wala akong balak na ipagpatuloy ang iyong pagnenegosyon rito sa Pueblo."
Nasamid naman ni Don Camilo sa sinabi ni Casimiro. Tumikhim siya saka inayos ang kanyang balbas. "Bueno, desisyon mo iyan, Senyor Casimiro." Saka ito bumulong. "At salamat dahil ginawa mong kalugod-lugod ang aking paglisan nang hindi ako napapahiya sa mga tao rito."
![](https://img.wattpad.com/cover/124031851-288-k136793.jpg)
BINABASA MO ANG
La Escapador
Historical FictionNakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mga magulang...