Capitulo 13 - Panutsa

1K 62 11
                                    



Tiyo, dadalaw po kami ulit dito kapag naubos na namin ang inyong pabaong mangga," saad ni Anastacia habang papaakyat si Anastacia sa kalesa.

"Naku, kayo'y maaaring magbalik kahit kailan ninyo gusto," tugon niya

Nilisan ng magkakapatid ang tahanan ng kanilang Tiyo nang dapithapon na. Hindi magkamayaw sa pagkukuwento si Angelita kung papaanong hindi niya naramdaman ang paggapang ng hantik sa ilalim ng kanyang saya. Si Ate Antonina naman ang tagatawa at tagasupporta ni Angelita sa pagkukwento, samantalang tahimik lamang na nakamasid si Asuncion sa kanilang dinaraanan. Si Anastacia nama'y tahimik rin, ngunit hindi matahimik ang kanyang isip, lalo na sa natuklasang pagpapanggap nina Maximiliano at ng kanyang ate Asuncion. Hindi niya maiwasang mag-alala. Ikinabagabag din ng loob niya na nakalimutan niyang mag-imbestiga ang tungkol sa kanyang Tiya Juliana sapagkat hapong-hapo na ang kanyang tiyo sa kanilang ginawa sa maghapon. Ngunit sinisiguro niyang babalik siya rito.


Nang sila'y makarating sa bungad ng kanilang tahanan, naabutan nilang mayroon silang di inaasahang bisita. Nadatnan nilang nakaupo at nagkakape sa sala si Casimiro.


Minabuti ng magkakapatid na dumiretso sa kani-kanilang kwarto pagkatapos nilang batiin ang ginoo. Gayundin, pinilit ni Donya Vivencia na kausapin ni Anastacia ang binata. At isa pa, pumayag na si Don Sigmundo na makausap ni Casimiro si Anastacia. Ayaw niyang magalit ang ama dahil ayon sa donya, sumasakit pa rin ang ulo ni Don Sigmundo.



Halos ayaw ni Anastacia na lumapit sa kinauupuan ni Casimiro ngunit upang matapos na ang lahat ng ito, minabuti niyang harapin ang isa sa mga taong kung maaari ay hindi niya nararapat kausapin.


"Kumusta?" seryosong saad ni Casimiro. Halata rin sa pagbuka ng kanyang bibig ang pagiging kabado niya lalo pa't alam niyang mahirap pakiusapan ang dalaga.


"Mabuti," pilit na saad ni Anastacia.


"Luluwas ulit kami ni Tiyo Alberto sa Maynila bukas. Doon na rin kami magdiriwang sa Intramuros ng Bagong Taon," saad nito.


Tumango lamang si Anastacia.


"Anastacia, matagal na kitang kaibigan. Kahit tila kinalimutan mo ako nang dahil sa nangyari sa burol, ay hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng ating pinagsamahan. Ngayong malapit na ulit kitang maging kaibigan, doon mo ulit inilayo ang sarili mo sa akin dahil sa nakaraan. Alam kong napakaraming tanong sa iyong isip. Ang iba'y hawak ko ang kasagutan. Ngunit sadyang hindi kayang pakinggan ng tainga mong sinarhan ng panghuhusga ang mga paliwanag na dapat mong marinig," tuloy-tuloy na sabi ni Casimiro.


"Sino ang bumaril sa braso ni Manang Blesilda? At bakit biglang nawala si Tiya Juliana pagkaraan nating magpunta sa burol?" tuloy-tuloy ring tanong ni Anastacia.


Yumuko lamang si Casimiro na tila pinupulot pa ang mga salitang kanyang sasabihin.


"H-hindi ko alam," tugon nito.


"Sinungaling. Ni hindi mo tinanong sa iyong Tiyo Alberto sa ilang taon ninyong pagsasama sa Maynila? Nais mo bang ipaimbestigahan ito sa gobernadorcillo?"

La EscapadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon