Capitulo 54: Ang Ibong Nakalaya

263 26 6
                                    




Nagpatuloy si Casimiro sa paghahanap sa paligid habang dumadaan sa landas kung saan maaring tumakbo ang kabayo ni Anastacia. Malapit na siya sa punong kanyang itinuro. Nakahinga siya nang maluwag nang naabutan niya roong kumakain na ng damo ang kabayo ni Anastacia. Ngunit wala siyang maaninag ni anino ni Anastacia.

"Anastacia, lumabas ka riyan. Hindi ako nakikipagtaguan," saad niya nang nasa ilalim na siya ng puno at patuloy pa ring hinahanap si Anastacia.

Aalis na sana siya roon at magtutungo sa kabilang dako ng parang kung saan naroon ang nagtataasang damo na maaaring pagtaguan ni Anastacia ngunit nakarinig siya ng mahinang hagikgik.

Napalingon siya sa taas ng puno, at halos mapaatras siya sa nakita.

"Bumaba ka riyan!" sigaw niya kay Anastacia.

"Casimiro, samahan mo ako rito. Kay sarap ng hangin, natatanaw ko ang mula rito ang dalampasigan ng Pueblo Camaya!" saad niya habang inuugoy nito ang mga sanga ng puno na tila nagpapatianod sa pag-ihip ng malakas na hangin.

"Anastacia, mag-ingat ka!" hindi mapakaling saad ni Casimiro.

"Halika ka na rito! Huwag kang matakot! Duwag ka pa rin hanggang ngayon? Hahaha!" panunukso ni Anastacia kay Casimiro.

"Hindi ako takot mahulog,ngunit takot akong mahulog kang mag-isa nang walang sumasalo sa iyo. Kaya dito lang ako!" pagmamatigas naman ni Casimiro.

"Casimiro, huwag ka nang magsambit pa ng palusot.  Alam mo namang hindi ako mahuhulog. Kung nais mo, magpahulog tayong dalawa!"

Hindi nakinig si Casimiro, bagkus, umupo lamang siya sa sangang nakausli at tinanggal ang kanyang bolero.

"Dito na lamang ako," pagmamatigas niya.

"Kung hindi mo gusto rito, sige, hindi na kita pipilitin," saka siya limipat ng sanga upang lumayo sa kinaroroonan ni Casimiro. "Teka..." Napakapit si Anastacia sa isa pang sanga sapagkat may narinig siyang paglutong ng sangang kanyang inapakan.

Napabalikwas naman si Casimiro sapagkat narinig niya ang paglutong ng sangang iyon. Tumayo siya agad at tinantiya ang lugar kung saan maaring bumagsak si Anastacia.

"Huwag kang gagalaw," babala ni Casimiro. Napatingin pa ito sa kabilang direksyon, kung saan maaari niyang idirekta si Anastacia sa isang sangang matibay na maaari niyang kapitan. Ngunit, namataan niya ang bahay ng pukyutan sa direksyong iyon. Sa isang wagwag lamang, mabubulabog ang mga bubuyog at maaaring si Anastacia ang makakagat nila kapag nangyari iyan.

"T-Teka, Casimiro, huwag mo akong takutin sa iyong tono..."

"Huwag kang matakot. Sundin mo na lamang ang sasabihin ko," saad ni Casimiro, sinisigurong magiging maayos ang lahat at hindi masasaktan si Anastacia, habang tinititigan kung nabubulabog na ba ang mga bubuyog sa kanilang pukyutan.

Napatingin si Anastacia sa direksyon ng mga mata ni Casimiro. Lalo itong napalunok sa kaba. Iniisip nito kung papaano pa muling kikilos nang hindi nagagalaw ang sangang kinakapitan nito, dahil sa oras na mabulabog ang mga ito, uuwi siyang namamaga ang iba't ibang parte ng katawan nito.

"Anastacia, pagbilang ko ng tatlo, tumalong ka mula riyan," utosni Casimiro.

"Nahihibang ka ba?Natatakot akong tumalon!" saad ni Anastacia. Namumuo na ang mga pawis nito sa kayang noo.

"Tatalon ka, o sasama ka sa sangang mahulog? Sige na, tumalon ka na sa aking direksyon," muling saad ni Casimiro sa kanya.

Inilahad ni Casimiro ang kanyang mga bisig sa eksaktong direksyon kung saan tatalon si Anastacia. Wala nang nagawa si Anastacia kundi ang sundin ang sinasabi ni Casimiro dahil kung hindi, mas malala ang aabutin niyang sugat mula sa kagat ng insekto.

La EscapadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon