Capitulo 21 - Madawag Man Ang Daan

414 25 0
                                        


"Buenas Diaz, senyoritas," bungad na bati sa kanila ni Senyor Alfredo, habang tahol na tahol sa kanya si Gatas.

Halos mapaatras si Asuncion sa di inaasahang bisita. Agad namang kinarga ni Angelita si Gatas upang magtigil ito sa kakatahol.

Inutusan naman ni Donya Vivencia si Anastacia na magpunta sa kusina upang ipaghanda ng meryenda ang bisita. Nang maihanda niya ang meryenda at iabot sa bisita, pumuwesto siya malapit sa pintuan upang marinig ang kanilang usapan. Ngunit, mahina siyang pinalo sa pwet ng kanyang ina mula sa kanyang likuran, na dahilan kung bakit napasigaw siya sa gulat.

Napatingin sina Asuncion at Alfredo sa kinaroroonan ni Anastacia. Nagpaumanhin naman ang donya sa inasta ng dalaga. Kaya, napagdesisyunan nina Alfredo at Asuncion na lumayo nang kaunti sa paligid ng bakuran upang makapag-usap.

"Por Dios, Anastacia. Hindi nararapat na makinig ka sa usapan ng iba. Ano ka, tsismosa?" sermon sa kanya ng kanyang ina.

"Kasi po.. hindi maganda ang kutob ko sa lalaking iyon. Baka mapahamak si ate. Hindi po ba't kinamkam ni Gobernadorcillo dela Joya ang ating ari-arian? Bakit po ninyo pinapayagang makihalubilo pa tayo sa pamilyang iyon? " pagtatanggol ni Anastacia sa kanyang sarili.

"Naiintindihan ko ang iyong hinanakit. Ngunit, alam kong matalinong tao ang iyong ate. At isa pa, mukha rin namang mabait na bata si Senyor Alfredo. Natitiyak kong wala siyang gagawing masama sa ate mo," saad ng donya.

Hindi pa rin mapakali si Anastacia. Sinusundan pa rin niya ng tingin kung nasaan sina Asuncion at Alfredo kahit na hindi niya naririnig ang kanyang usapan. Minsan, napapatingin siya sa bintana upang tignan kung ano na ang nangyayari sa dalawa.

"Namboboso ka ba?" saad ng boses mula sa kanyang likuran.

Napaatras siya nang makitang nakikisilip din sa bintana si Maximiliano. Tila may lumundag na daga sa kanyang dibdib, ngunit nabawi naman niya kaagad ang sarili at nagkunwaring hindi nagulat.

"Nariyan ka pala, Maximiliano. Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

"Mabuti na ang pakiramdam ko. Salamat sa maalaga mong kamay."

Napangiti siya nang kaunti. "Mabuti at maayos ka na. Salamat sa Diyos!"

"Nasaan pala si Tiyo Feliciano?" tanong ni Maximiliano.

"Nagpunta sa inyo at ipinaalam ang iyong kalagayan."

"Ah ganoon ba. Hindi na sana niya kailangang gawin iyon. Maaari na siguro akong makauwi dahil mas mabuti na ang aking lagay."

"Ngunit -- " napalingon si Anastacia sa kinaroroonan nina Asuncion at Anastacia. Gayundin, napalingon si Maximiliano sa direksyong tinitignan ng dalaga.

"Kung gayon, hihintayin ko munang makaalis si Senyor Alfredo," saad niya.

Niyakag siya ni Anastacia sa kusina upang magmeryenda ng kanyang nilutong kakainin.

"Tungkol pala sa nangyari kagabi..." pagputol ni Anastacia sa katahimikan sa kanilang pagitan.

"Ano iyon, binibini?"

"G-gusto kong sumama sa rebolusyon," mahina niyang sabi.

"Ngunit mapanganib," sagot ni Maximiliano.

"Mapanganib nga ba talaga, o nag-aalangan ka sa kakayahan ko bilang babae?"

"Binibini, hindi naman sa ganoon. Ang kaligtasan mo ang aking iniisip."

"Pinapayagan ni Senyor Diego si Donya Gabriela na sumapi sa kanyang ipinaglalaban. Kung ganoon ba'y hindi niya inaalala ang kaligtasan ng Donya?" pagtatanggol ni Anastacia.

La EscapadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon