Maagang nagising si Anastacia sapagkat anihan ngayon ng mais. Gayundin, maagang nagkape sina Senyor Diego sapagkat aasikasuhin niya ang mga sandata at baril na nalikom ng kanyang hukbo, at si Donya Gabriela naman ay pangangasiwaan ang pag-aani ng mga mais sa kanyang bukirin.
Kung ano-ano na ang ginawa ni Anastacia upang iwaksi ang mga sinabi sa kanya ni Maximiliano nang siya ay makausap niyo kagabi.
"Tila malinaw na sa akin ngayon ang iyong damdamin, binibini," saad nito sa kanya.
"Paumanhin, ginoo. Iyon lamang ang aking maibibigay ngayon," saad ni Anastacia.
Tumango-tango si Maximiliano. "Naiintindihan ko. Ngunit kagaya ng sinabi ko sa iyo noon, pagsisikapan kong suyuin ka at paglingkuran ka, bilang aking tinatangi."
"Ngunit hindi ko nais na umasa ka, ginoo."
"Ano ang pumipigil sa iyo upang hindi mo ako masagot nang diretsa?"
Kinagat ni Anastacia ang kanyang labi at napayuko.
Ramdam na ramdam niyang nangingilid ang luha ng binata dahil sa garalgal nitong boses. Hindi niya nais masaktan ang binata.
"Hindi ko sinasadya na masakatan ka nang dahil sa hindi ko natitiyak kung tatanggapin ba kita nang buong-buo nang gaya ng inaasahan mo. Ngunit sana, tanggapin mo muna ang pagkakaibigang inibinigay ko," saad ni Anastacia.
Hindi umimik ang binata. Humakbang lamang ito papalayo at hindi na nagawang magpaalam pa sa dalaga.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, binibini," saad ni Donya Gabriela habang nakitang wala sa sariling hinahalo ni Anastacia ang lugaw na kanyang niluluto.
"Ah, kayo po pala. Wala po ito."
"Kung ano man ang bumabagabag sa iyo, alam kong masasagot mo rin ito dahil nag-iisip ka. Higit na mas maganda ang bunga ng pinag-isipang gawa. Ngunit, sana'y hindi maging kanin ang lugaw na niluluto mo," pabirong saad ni Donya Gabriela.
Nahiya nang kaunti si Anastacia at nangako siya sa sariling magtuunan na lamang niya nang pansin ang mga gawain sa bahay. Kung noon ayaw na ayaw niya sa mga gawaing bahay, ngayo'y halos siya na ang umaasikaso nito bilang katiwala ng mag-asawang Silang.
Pagkatapos niyang maghugas ng pinagkainan ng umagahan, nagluto siya agad ng meryenda ng mga mag-aani ng mga mais. Inihatid niya ito sa mga nag-aani. Pagkatapos niyang maghatid ng meryenda, tila kay bilis ng oras at magluluto siya ulit ng pananghalian.
"Kay hirap. Para akong nagpakain ng sandoseanang anak," sambit niya sa sarili.
Ngunit sa totoo lang, mas gusto pa niyang maghawak ng espada maghapon kaysa ang gumawa ng gawaing bahay ngunit wala siyang magagawa, ito ang pinili niya sa halip na magbuhay prinsesa sa Pangasinan upang maipagtanggol ang kanyang bayan.
Nang maani na ang mga mais, agad siyang ipinatawag ni Donya Gabriela.
"Maaari bang humingi ako ng oras mo? Ikaw na sana ang maghatid ng mga mais na naani at ihatid ito sa mga nagtitinda sa merkado," utos ni Donya Gabriela sa kanya.
"Walang kaso po," walang pag-aalinlangan niyang saad. Sa wakas at makakalabas ulit siya ng bahay at makakapamasyal sa labas.
Hila-hila ng kariton, sinamahan ni Anastacia ang isang pahinante ng donya upang maghatid ng mga produkto sa merkado. Sapagkat may mga usaping pinansiya ito, siya ang pinagkatiwalaan ng donya dail sa marunong itong magbasa at magkwenta kaysa sa iba niyang tauhan.
Ibang-iba ang poblacion ng Vigan ngayon. Walang bakas ng takot sa mga mamamayan. Ngunit, maraming mga narinig na haka-haka si Anastacia habang iniikot niya ang pamilihan upang hanapin ang bumibili ng mais kay Donya Gabriela upang gawing chichirya.
BINABASA MO ANG
La Escapador
Ficción históricaNakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mga magulang...