Capitulo 52 - Pag-uulayaw sa Madaling-araw

239 22 13
                                    

Kagaya ng dati, hindi makatulog si Anastacia dahil sa maraming bumabagabag sa kanya. Tila hindi nauubusan ng tanong ang kanyang isip. Hindi niya gaanong maintindihan ang mga bagay-bagay. Dati-rati'y tahimik naman ang kanyang pamumuhay sa Pueblo Camaya. Nang dumating si Casimiro sa bayang iyon, muling nagulantang ang kanyang tahimik na mundo. Akala niya'y mabubuhay na siya nang mapayapa sa lugar na walang nakakaaalam kung sino siya. Mananatili siyang isang taong walang papanigan, walang kakampihan, maliban sa mga inaapi.

Ngunit, ang pagdating ni Casimiro ay nagbibigay rin sa kanya ng kakaibang kasiyahan sa kabila ng idinudulot nitong kalituhan sa kanyang damdamin.

Kaya naman, alas tres pa lang ng madaling-araw, muli siyang bumangon. Nagtungo siya sa kusina at maingat na naglinis ng mga kagamitan upang hindi niya magising ang kanyang mga kasambahay.

Ilang saglit pa, nakarinig siya ng yabag papunta sa kusina. Mayroon na sigurong gising sa mga oras na iyon. Hindi na siya mag-iisa sa kusina upang labanan ang katahimikang nagpapaigting ng kaguluhan sa kanyang isipian.

"Magandang umaga!" masaya niyang bati sa kakarating habang hinaharap pa nito ang mga huhugasin sa batalan.

Hindi sumagot ang dumating, bagkus, agad itong yumakap mula sa likuran ni Anastacia.

Magpupumiglas sana siya, ngunit nakilala niya kung sino ang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Pakiusap, hayaan mo akong yakapiin ka," malambing at malumanay na pakiusap ni Casimiro na tila mahirap tanggihan. Pumikit ito at itinukod ang knayang baba sa balikat ng dalaga.

Tila natuod si Anastacia sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang kumilos ngunit tila namanhid ang kanyang katawan. Nais niyang magsalita ngunit pinipi siya ng kanyang nag-uumapaw na nararamdaman.

Ilang segundo siyang niyakap ni Casimiro. Nais niyang itigil na ni Casimiro ang pagyakap sa kanya, ngunit tila nagugustuhan na niya ito. Sa madaling araw kung saan malamig ang ihip ng hangin, ang katawan ni Casimiro ang nagsilbi niyang kumot na nagbigay sa kanya ng init at kalinga.

Ang lahat ng kanyang iniiisip ay biglang naglaho. Nablanko siya.

Ipinaharap ni Casimiro si Anastacia sa kanya nang itigil nito ang paglingkis sa dalaga. Saka nito hinawakan ang mga kamay ni Anastacia.

Nagugulumihanan naman si Anastacia sa itinuring ng binata. Ano ang ibig sabihin ng mga kilos na iyon?

"Salamat. Salamat at nakaya mong mabuhay hanggang sa sandalling ito. Akala ko hindi na kita mayayakap pa simula nang nabalitaan kong wala ka na sa Vigan," naluluha nitong saad, na tila nagising mula sa isang masamang panaginip.

Hindi agad makasagot si Anastacia. Hindi niya alam kung papaano sagutin ang sinabi ng binata.

"C-casimiro, ano ang ibig sabihin nito?" saad niya na nagugulumihanan at sinapo ang noo ng binata kung ito ay nasa tamang huwisyo pa ba. Nag-aalala pa ito, na baka may makakita sa kanilang dalawa at may maghinala sa kung anong relasyon ang mayroon sa kanila. "S-saka, ang iyong mga galos at pilay, baka mapasama -- "

"Hindi na mahalaga iyon," saad nito, saka muli niyang niyakap ang dalaga.

"Casimiro - "

Ngunit bago pa man siya bumigkas isang kataga, unti-unting inilapit ni Casimiro ang kanyang mukha sa dalaga.

Alam ni Anastacia ang kahahantungan niyon, ngunit napapikit na lamang siya kasabay ng pagdampi ng labi ng binata sa kanyang labi. Kahit alam niyang hindi tama, nagpatianod na lamang siya sa daloy ng kanyang damdamin. Tila nagliwanag ang kanilang paligid sa pagtama ng sinag ng papaalis na buwan. Kung panaginip man ito, nais niyang hindi gumising. At kung isa na naman itong guni-guni, hahayaan na lamang niya ang kanyang isip na mangarap.

La EscapadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon