Kasabay ng pagpapalit ng taon ang pagtunog ng batingaw sa simbahan. Gising ang karamihan, ngunit tulog ang iba. Ang iba'y umaasa sa bagong pagkakatong hatid ng panahon, ngunit ang iba'y hindi na nag-abalang salubungin ang Bagong Taon. Para sa kanila, ang Bagon Taon ay pagbabago lamang ng kalendaryo, ngunit hindi ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Kagaya ng tipikal na pamilyang principalia, tila may isang malaking piging ang hapag ng mga Rivero. Ang Media Noche nila ay sagana. Sabay-sabay silang nagdasal, at saka kumain upang maabutan ang Misa para sa Bagong Taon.
Nagbatian ang nagkakasalubong, ngunit ang kanilang mga salita'y huwad. Nagmisa ang kura paroko ng ukol sa pagbabago, ngunit tila ang pagbabago'y hindi nakikita. Umuwi pa ring maligalig ang lahat at tila hindi pa rin makita ng pagbabagong binabanggit ng kura.
Kinabukasan, kahit tila nagpalit ng taon, bumalik sa dating gawain ang mga mamamayan sa Vigan. Naghuhukay pa rin ng lupang matatamnan ang mga magsasaka, ngunit hindi para sa kanilang pamilya. Nagpatuloy sa pagbubuhat ng mabibigat na troso at mga bato ang mga polista ngunit hindi upang buuin ang kanilang sariling bahay. Nananalangin ang mga hermano't hermana ngunit hindi sa Panginoon, kundi sa diyos-diyosang magtatakda ng kanilang kapalaran sa mundong ibabaw. Panahon na rin ng pagbabayad ng buwis ngunit hindi para sa kanilang bayan, kundi para sa bulsa ng mga hangal at buwaya sa kayamanan. Kasabay rin ng pagpapalit ng taon ang pagpapalit ng termino ng gobernador-heneral. Sapagkat ang noo'y gobernador-heneral ay ang Arsobispo din ng Maynila, napagdesisyunan ng Royal Audencia (taga-Hukom) sa pamamagitan ng basbas ng Hari ng Espanya, na magkakaroon ng hihiranging bagong Gobernador-heneral mula sa mga kasapi ng Royal Audencia.
Kaya naman, halos lahat ng patakaran ay nagbago. May mga nanatili, ngunit mas marami ang nirebisa. Katulad na lamang ng tuluyang pagtataas ng buwis sa mga ciudad sa Nueva Caceres (Naga ngayon), Nueva Segovia (Ilocos) at Ciudad de Sto. Nino (Cebu) na malawakang ipinatupad ng Gobernador-Heneral. Mas hinigpitan ang seguridad sa mga kabisera, mas pinalawig ang pagsasanay sa mga guardia civil, at mas mahigpit ang pagpapatupad sa mga batas na tanging mga espanyol at matataas na uri lamang ang nakikinabang. Inayos ang mga patakarang pang-agraryo at binawi ang mga lupaing walang titulo at papel. Hinati rin ang mga hacienda ng mga prayle, ngunit tinaasan rin ang presyo ng bandala (pagbebenta ng iyong produkto sa pamahalaan ngunit ipagbibili ito sa iba sa mataas na halaga).
Ang mga sunod-sunod na pag-aalsa sa probinsya ng Pangasinan sa pangunguna ni Andres Malong ang nakapagkumbinsi sa mga ilocano ang na lumaban rin. Kasama na riyan ang grupo ni Senyor Diego Silang, ang kabiyak ni Donya Gabriela.Datapwat may binubuong pag-aalsa si Senyor Diego, nanatili siyang mensahero ng mga prayle at naghintay ng tiempo kung kailan lulusob.
Samantala, ang mahihirap ay nananatiling mahihirap dahil sa mga batas pang-ekonomiyang ipinanatupad ng bagong gobernador-heneral. Gayundin, ang karamihan sa mga miyembro ng principalia ay nawalan ng karapatan dahil sila-sila rin ang nagkakamkaman ng mga lupa at ari-arian. Ang mga nagpapalapad ng papel sa mga espanyol ang nagkaroon ng pagkakataong umunlad at sumali sa kalakalan ngunit ang mga hindi ay nawawalan ng kayamanan. Ang iba'y ipinauusig at pinagbibintangang nagbibigay ng pondo sa mga nagbabalak mag-alsa.
Tanghaling tapat kung kaya't tila pati ang mga ulo ng mg tao ay mainit, dulot ng mga pagbabagong nagaganap sa termino ng bagong gobernado-heneral. Isa na rin dito si Don Sigmundo nang bigla niyang ipinag-utos na paluhurin sa bilao ng asin si Asuncion.
"Hindi mo binigyang dangal ang ating pamilya! Paano mo naatim na sumama sa mga kalalakihang wala pang napapatunayan?" nangangalaiting saad ni Don Sigmundo.
BINABASA MO ANG
La Escapador
Historyczne[COMPLETED] Nakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mg...
