Capitulo 44 - Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib

352 27 19
                                        



Maagang nagising si Anastacia. Halos hindi siya makatulog dahil sa nangyari kagabi. Namumugto pa rin ang kanyang mata dahil sa hindi niya inaasahang pangyari na nakapagpahina sa damdaming akala niya'y kaya niyang lagpasan. Marami siyang narinig. Marami siyang pagsisisi. Marami siyang napagtanto. Marami siyang damdaming pinabayaang malunod sa sarili nitong kawalan.

Nagpainit siya ng tubig. Inihandana niya ang pangkape at mmga tasa. Alam niyang lasing ang ilan sa mga naroon at mabisa ang kape upang mahimasmasan ang kung sino mang nangangailangan nito.

Nagtungo siya sa batalan upang kunin ang mga pinatuyong mga kubyertos. Nang bumalik siya sa mesa, hindi niya inaasahan si Casimiro na tila nahihilo pa at masakit ang ulo dahil lagi't lagi ang paghipo nito sa kanyang sentido. Pagkatapos, hinihimas nito ang kanyang tiyan na tila nais niyang masuka.

"A-ayos ka lamang ba, Senyor?" tila nag-aalangang sabi ni Anastacia. Naaalala pa rin niya ang nangyari kagabi. Naiilang siya rito, ngunit kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang katiwala.

Tumango si Casimiro. Saka siya tinitigan nito.

"Ikaw, ayos ka lamang ba?"

Tumango rin si Anastacia, nagpipigil na magsalita. Sa tingin niya'y nawawala pa irn ang binata sa kanyang sarili at tila nakalimutan na ang nangyari kagabi.

Upang maibaling ni Anastacia ang usapan tungkol sa kumustahan, inalok niya ng kape ang gobernadorcillo.

"Mainam po itong pampaalis ng kalasingan," saad ni Anastacia, inilapag niya ang tasa nang padabog na halos matapon na ang laman ng tasa.

Kumunot ang noo ni Casimiro. "Galit ka ba?"

Umiling si Anastacia, kahit na palihim siyang naiinis sa binata.

"Mayroon ba riyang gamot sa sakit ng tiyan. Parang nasikmuraan ako kagabi," tanong ni Casimiro.


"Talaga pong nakakasakit ng tiyan ang alak. Nasobrahan po yata kayo ng pag-inom," sagot ni Anastacia at saka umirap kay Casimiro. 


Tumango lamang si Casimiro, na parang hindi natatandaan ang nangyari kagabi.


Tumahimik ang paligid. Nag-isip na rin si Anastacia ng kanyang gagawin upang hindi na siya muling kausapin ni Casimiro dahil naiilang na siya rito.

"S-senyor, maiwan ko po muna kayo. Mag-iigib lamang po ako ng tubig," saad ni Anastacia.

"Sandali lamang," utos ni Casimiro.

Napatingin si Anastacia sa kanya na nagtataka at natatakot sa susunod na sasabihin ng gobernadorcillo.

"Iyong kagabi," matipid na saad ni Casimiro.

"Huwag po kayong mag-alala, senyor. Kagaya ng sinabi niyo, ituturing ko na lamang pong wala akong narinig at hindi ko po sasabihin kung nasaan kayo kagabi," pagpapatuloy ni Anastacia.

Tumango ulit si Casimiro. "Mabuti."

Papaalis na sana sa kusina si Anastacia nang may guwardiya sibil na nagtatawag sa labas. Napatayo si Casimiro at kapwa sila napatingin sa bintana kung sino ang naroon.

Habang papunta sila sa tarangkahan, lalong lumalakas ang sigaw na nangngagaling sa labas. Lalo ring binilisan ni Casimiro ang lakad niya sapagkat tila may nanggugulo sa labas. Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kanya ang galit na galit na si Don Anselmo. Kasama niya ang kanyang maybahay na si Donya Hilaria at ilan niyang guwardiya personal .

La EscapadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon