Nakadamit ang mag-anak na Rivero ng itim na saya at may telang itim na nakatali sa kanilang ulo na natatakpan ng itim na belo. Ayon kasi sa nakaugalian nila, manunuot ang sakit ng ulo kung hindi tatalian ito ng telang itim o puti. Natatakpan din ng itim na tela ang mga salamin at muebles na maaaring magbigay ng repleksyon. Inilagak ang bangkay ni Don Sigmundo sa isang parihabang kahoy na may disenyong pang Greco-romano na inukit ni Maximiliano nang libre bilang pasasalamat sa pamilya ni Anastacia, at bilang isa ring kaibigang naging malapit sa pamiya simula nang siya ay umakyat ng ligaw. Pagpasok pa lamang sa sala ng mansiyon, naaamoy na ng halimuyak ng sampaguita at ilang-ilang na nakasabit sa kabaong ni Don Sigmundo. Habang nakaupo sa harap ng kabaong ang mag-iina ni Don Sigmundo, naroon naman ang mga matatanda at ibang kaanak ng mga Rivero na pinangunguhan ang pagdarasal para sa yumao. Panay man ang pagkukurap-kurap ng kandila sa tabi ng kabaong, hindi ito naging dahilan upang ipukol ni Anastacia ang tingin sa iba, kundi sa mismong bangkay lamang ng kanyang ama.
Sa kanyang pakiwari, tila mahimbing lang ang tulog nito. Lumalim nga lamang ang pisngi at mga mata nito, dala siguro ng kanyang pagkakasakit. Nakagayak ng barong jusi ang Don at maayos na napomadahan ang buhok nito.
Hindi pa sana aalisin ni Anastacia ang titig sa ama nang makarinig siya ng pagsinghot mula sa katabi niyang ina, na habang tumatagal ay nagiging mahinang hikbi. Nang yakapin nito ang kanyang ina, lalong nagpuyos ang luha nito at lumakas ang panaghoy nito.
"Sigmundo! Gumising ka diyan! Sigmundo! Wag mo kaming iwan!" paulit-ulit na saad ni Donya Vivencia sa bawat panaghoy nito.
"Ina.." mahinang alo na lamang ang nagawa nina Anastacia. Hindi na rin niya pamipigilang mapatulo ang luha sa kahabag-habag na kalagayan ng ina dahil sa lungkot ng pangkawalay nto sa kanyang ama.
"Anastacia, kumuha ka ng tubig," utos ni Asuncion sa kanya.
Sinunod naman niya ito agad sapagkat ayaw niyang makitang nagsusumigaw at naghihiyaw ang kanyang ina sa ganoong kalagayan.
Nang magbalik siya sa sala upang iabot ang isang baso ng tubig, lahat na ng tao roo'y nakaalay sa wala nang malay na donya. Dali-dali nilang pinainom ng tubig ang donya at saka paminsan- minsa'y pinapaypayan.
"Mabuti pa'y ipasok na muna natin ang inyong ina sa kwarto. Marahil ay dahil sa pagod at puyat kaya siya nanghihina," utos ni Tiyo Feliciano na karga-karga ang walang malay na Donya.
Dalawang araw na nagsasalitan ang magkakapatid na Rivero sa pagbabantay at pag-aasikaso ng mga nakikiramay sa kanilang pamilya. Kung noong nagkakasakit ang kanilang ama'y marami ang dumalaw upang maghatid ng tulong, ngayon nama'y mas doble ang dami ng mga dumadalaw sa kanilang pamilya. Marami rin ang naghatid ng tulong, mula sa mga karatig bayan na naging kaibigan ni Don Sigmundo. Pati na rin ang mga taong tumitira kay Don nang patalikod ay naroon din upang maghatid ng pakikiisa at pakikiramay.
Nagpresenta na rin ang magkakaibigang sina Maximiliano, Fernando at Vicente na mamalagi rin sa lamay kahit na minsan lamang nila masilayan ang mga dalagang nagluluksa.
"Nararamdaman niyo ba ang dalamhating hatid ng pagpanaw ni Don Sigmundo?' tanong ni Maximiliano sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
La Escapador
Ficção HistóricaNakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mga magulang...