Habang nasa laot, halos oras-oras binabalikan ni Ramon ang kubyertang kinalalagyan ni Anastacia. Binibigyan niya ito ng pagkain na mula sa parte niya sa mga kapwa niya pahinante. Tintantiya niyang huling araw na ngayon ng kanilang paglalagbay sa laot sa sapagkat nakikita na niya ang pampang ng lupain ng mga Zambal, nasiyang malapit sa kanilang bayan.
"Maghanda ka na, malapit na tayo sa aming bayan," bilin niya kay Anastacia.
Huminga nang maluwag si Anastacia. "Maraming salamat Ramon, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sito kung hindi kita nakilala."
Ngumiti ang binata at tumango kay Anastacia.
Nakikita ni Anastacia na dalisay ang ugali ng binata. Mas matanda nang dalawang taon si Anastacia sa kanya kaya nakikitaan niya ito ng paggalang sa kanya. Dahil batak sa trabaho, batak rin ang katawan nito. Kitang-kita ang matitigas na kalamnan nito sa braso na tila iot'y puputok sa loob ng kanyang manipis na kamisa. Kulot ang kanyang buhok at sunog ang balat nito – halatang sanay sa mga gawaing mabibigat at sanay sa pagbabanat ng buto kahit tirik ang araw.
"Sa aking pakiwari'y galing ka sa pamilyang principales," saad ni Ramon nang minsang makakwentuhan niya si Anastacia.
"Dati. Ngunit dahil sa mga ganid, nawalan kami ng ari-arian," kwento ni Anastacia.
Tumango-tango si Ramon na tila batid niya ang pinagdadaanan ni Anastacia. "Naku binibini, pagpasensiyahan mo sana ang madadatnan mo sa aming tahanan. Hindi ganoon kalaki ang aming kubo. Sapat lamang upang tirahan ng tatlong tao."
"Kung gayon ba'y nag-iisa ka lamang na anak?" usisa ni Anastacia.
Umiling ang binata. Ipinagpatuloy niya ang pag-aalis ng mga dumi sa sahig ng kubyerta.Siya ngayon ay naatasang alisin ang mga dumi ng mga kargamento bago ito idaong sa pantalan.
"Tatlo lamang kami. Ang aking ate, ako at aming bunso. Ngunit sa aming kubo, kasama namin ang aming ina. Ang ate ko nama'y naninirahan sa Casa Residencia de Gobernadorcillo at minsa'y tagalinis sa mga opisina sa Casa Real de Pueblo Camaya," sagot ni Ramon.
"Nasaan ang iyong ama?" usisa pa ni Anastacia.
Tumingin lamang sa malayo si Ramon , "Wala na siya."
"Paumanhin, ikinalulungot ko na wala ka ring ang ama, na kagaya ko," wika ni Anastacia.
"Wala iyon. Hindi na ikinakasakit ng aking damdamin tuwing maaalala ko ang sinapit ng aking ama sa kamay ng mga malulupit na kastila. Napatawad ko na sila."
"Nararamdaman kita. Ang ama ko ma'y hindi pinatay ng mga kastila, ngunit may kontribusyon sila sa maagang pagkasawi ni Ama. Sadyang masakit mawalan ng padre de pamilya," saad ni Anastacia.
Hindi na umimik si Ramon. Batid ni Anastacia na hindi niya nais na pag-usapan pa ang kanilang mga ama.
Inayos na ni Ramon ang pagsalansan ng mga kalakal na naroon sa kubyerta. Tinulungan siya ni Anastacia na buhatin at ayusin ang mga natitirang mga sako upang hindi mahalata na may nagtatatago rito.
"Kay lakas mo, binibini," manghang saad ni Ramon.
"Hindi ako ordinaryong babae," biro naman ni Anastacia.
Tumango-tango si Ramon at tinitigan ang kabuuan ni Anastacia.
"Mayroon na akong naisip, binibini. Ilang araw ko nang pinag-iisipan ang sasabihin ko sa aking ina kapag isasama kita sa aming bayan," saad ni Ramon.
"Ano? "
"Sasabihin ko sa aking ina na ika'y aking kabiyak na nakilala ko sa puerto ng Agoo," tugon nito.
BINABASA MO ANG
La Escapador
Narrativa Storica[COMPLETED] Nakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mg...
