Hindi kagaya ng dati, minabuti ni Anastacia na huwag na munang lumabas sa kanyang kwarto. Pinapakiramdaman niya ang kanyang mga kasama sa bahay. Hindi niya nais na magkaroom ng makakausap. Nais niyang makapag-isip nang mag-isa. Ang nangyari kagabi'y tila humihigop sa kanyang enerhiya. Kaya sa halip na alalahanin niya ito, minarapat niyang kalimutan ang lahat, ngunit hindi ang malagim na pangyayaring may kaugnayan kay Casimiro at kay Manang Blesilda at maaaring kay Tiya Juliana.
"Ngayon ko napagtantong kayang gawin ni Casimiro na itulak ang isang tao patungo sa kamatayan nito," sambit niya sa sarili habang nagbabasa ng libro.
At kahit na anong gawin niya, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang itsura ng kawawang babaeng nakahandusay at duguan sa baba ng bangin.
Pinilit niyang iwaglit ito sa kanyang isipan ngunit nadidismaya siya kay Casimiro. Kung kailan handa na sana siyang makipagkaibigan sa kanya, saka pa nagkaroon ng pagkakataong ganito. Ngunit mabuting hindi na niya kailanman magiging kabigan ang kagaya ni Casimiro. Itiniklop niya ang librong kanyang binabasa.
"Hindi maaari ito. Ayokong ikulong ang sarili ko sa silid na ito dahil lamang sa isang nakaraang biglaang bumalik," sambit niya sa kanyang sarili.
"Hindi na ako ang Anastacia na iyakin at mahina ang loob. Nakaya kong kalimutan ang kaganapang iyon, kaya ko ring mapagtagumpayan ito ngayon," saad pa nito.
Sumilip siya sa uwang ng kanyang pinto upang tignan kong nasa sala ang kanyang ina. Tiyak niyang kung makikita siya nito, magtatanong na naman ito sa kanya kung kumusta na siya. Para sa kanya, ang pangungumusta ay isa sa mga mahirap sagutin lalo na kung ikinukubli niya sa iba ang kanyang tunay na nararamdaman.
Napansin niyang naroon sa sala ang kanyang ama at ina. Nakayuko si Don Sigmundo habang hinahaplos naman ni Donya Vivencia ang likod nito. Tila bakas sa mukha ng don na may dinaramdam ito. Hindi na mapakali si Anastacia sa nakikita ng mata niya. Hindi siya sanay na nakikitang tila may problema ang kanyang ama. Kaya siya ay lumapit upang alamin ang dahilan ng pagkabalisa ng don.
"Magandang umaga, ama, ina," may impit sa kanyang boses.
Kapwa napatingin ang mag-asawa sa kanya. Ngunit sa halip na siya ay batiin, napayuko ulit ang kanyang ama saka hinaplos-haplos ang kanyang sentido.
"Anastacia, hija, nais lamang ng iyong ama ng kaunting pahinga. Maaari ka bang magtimpla ng tsaa upang gumanda ang pakiramdam niya?" utos ni Donya Vivencia.
Agad na sinunod ni Anastacia ang utos ng ina. Sa pagkakataong ito, inalis niya ang pansariling damdamin upang aluhin ang ama. Kahit na siya ay may hindi estabilisadong emosyon, mas pinili niyang maging bumalik sa normal. Hindi niya nais na hindi makadagdag sa komosyon ng emosyon ng kanyang ama.
Dinalhan niya ng tsaa ang kanyang ama. Nais pa sana niyang magtanong kung ano ang dahilan ng pagkabalisa ng ama, ngunit inutusan siya ng kanyang ina na samahan sina Angelita, Asuncion at Antonina sa labas. Sila'y naghahanda upang dalawin ang kanilang Tiyo Feliciano, na kapatid ni Donya Vivencia.
"Nagising ka na pala, ading" tanong sa kanya ni Asuncion.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"bungad sa kanya ni Antonina.
Batid ni Anastacia na hindi pa ganoon kaayos ang kanyang nararamdaman. Ngunit upang maiwasan na niya ang iba pang mga tanong, minabuti niyang magkunwari upang ikubli ang kanyang pagkadismaya.
"Ako'y maayos na. Siguro'y may hindi lang kami pagkakaintindihan ni Casmiro kaya sana nais ko munang pakalmahin ang sarili ko," malungkot niyang sabi. Naiisip niya ulit si Casimiro, ngunit nais na niya itong kalimutan.
BINABASA MO ANG
La Escapador
Fiksi Sejarah[COMPLETED] Nakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mg...
