YNA'S POV
Excited akong tumakbo pababa ng hagdan habang dala ko ang aking bag. Nakangiti pa ako patungo sa kusina at saktong nakita ko si Mawiee na nag luluto ng almusal.
"Hi Maw!" Nakangiting bati ko sakanya at agad na lumapit para yakapin ito habang nag luluto siya.
Narinig ko ang mahina niyang pag tawa at hinarap ako. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
"Good morning, baby piwiee!" bati nito sakin kaya mas lalo akong napangiti.
"Oh, nakahanda na pala ang baby namin" Narinig kong sabi ni Pawiee sa likuran namin kaya kumalas ako ng yakap kay Mawiee at hinarap ito.
"Hi, Pawiee!" Masayang bati ko kaya natawa ito, palagi siyang natutuwa sa pagiging masiyahin ko at hyper.
"Good morning, baby piwiee. Tara na mag almusal na tayo dahil ihahatid pa kita sa school mo" nakangiting sabi niya kaya tumango ako.
Inihanda naman ni Mawiee ang pag kain at ito'y aming pinagsaluhan.
Kung nag tataka kayo kung bakit ganito ang tawagan namin, malay ko rin kina Mawiee at Pawiee. Imbes Mama, Papa. Daddy, Mommy. Nanay, Tatay. Eh ito ang pinasanay nilang itawang ko sakanila. Pero ayos na rin iyon para maiba na rin at cute naman pakinggan, corny nga lang para sa iba pero gustong-gusto ko naman iyon.
Nang matapos na kaming kumain, kinuha kuna ang baon ko kay Maw at lumabas ng bahay kasama si Paw. Palabas na kami ng gate ni Pawiee dala ang motor nito ng biglang may tumawag sakanya.
"Ano iyon pare?" Pag sagot niya sa tawag. "Ano? Ngayon na daw? Hindi pa naman alas siyete, ah? Oh sige susubukan ko makarating sa oras" Narinig kong pag uusap nila ng nasa cellphone.
Bumaling siya sakin at ngumiti, umangkas na siya sa motor at akmang iaabot saakin ang helmet ng umiling ako at nginitian siya.
"Huwag na, Pawiee. Mukhang mala-late kana ata sa trabaho mo, kaya ko na pong pumunta doon ng mag isa 'wag ka mag alala!" Nakangiting sabi ko rito at nag simulang mag lakad paalis habang kinakawayan pa siya.
"Ano? Itong batang 'to. Yna! Bumalik ka dito ihahatid kita!" Sigaw ni Pawiee pero naagaw ang atensyon niya kay Mawiee na palabas ng gate.
"Ano ba nangyayari sayo diyan, Pawiee?" Tanong niya dito at saka ko na hindi narinig ang sunod nilang pag uusap dahil malayo na ako dito.
Bigla kong naalala na kulang nga pala ang pamasahe ko at gusto ko rin mag enjoy sa lugar na ito na bagong nilipatan namin. Nag tago ako sa isang pasilyo na hindi ako makikita ni Pawiee.
Ilang segundo pa ang lumipas at hindi ako nag kamali, dumaan na si Pawiee. Nang makalayo-layo na siya ay natatawang lumabas ako sa pinag tataguan ko at tumakbo pauwi sa bahay.
Nasa loob ng bahay si Mawiee kaya ayos lang na pumasok sa gate. Agad kong kinuha ang bike ko sa may gilid at umangkas doon.
"Yes!" Nakangiting sabi ko at nag drive patungo sa eskwelahan.
Mga ilang minutes lang naman iyon bago ako makarating sa paaralan. Nakangiti pa ako sa tapat ng gate ng International High University School, taray naman ng pangalan.
Pumasok na ako sa gate at sumabay sa mga estudyante dahil nag mumukha na akong timang kakatingala sa gate dito sa labas.
Mabuti nalang at pag pasok ko ay may nakita akong mga naka bike rin tulad ko kaya sumunod ako kung saan sila mag pa-parking. Nang maipwesto ko na ang bike ko ay agad akong sumabay sa ibang estudyante sa pag lalakad.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...