A/N: Sorry naaa HAHAHA busy lang🥺 eto na oh may update na si me.. kalmahan niyo lang Maebabies HAHAHA
HARVEY'S POV
Tinapon ko ang box na may mga laman na cupcakes na ibinigay sakin ni Trisha. Nakita kong napasinghap siya at akmang iiyak ito ng tinignan ko siya ng masama.
"Leave!" Singhal ko kaya dahan- dahan itong umalis.
I don't fvcking need admirers. I'm so desperately want Yna's attention, and also her yes. Panira lang si Zion kanina. Gusto ko na rin tanungin si Yna kung pwede bang manligaw ang kaso kinakabahan ako, baka isipin niyang nag bibiro ako at inaasar ko lang siya about doon kay Zion.
"Hey Harv.. what's up? What's with the face? Pfftt.." lumapit sakin si Kyla mula di kalayuan sa pwesto ko dito sa ilalim ng puno.
Nasa likod ako ng school kung saan tinatambayan ko noon kung gusto kong mapag isa.
"Don't mess up with me, Kyla." Sabi ko rito at hindi siya pinansin.
Umupo ito sa tabi ko habang nakangisi at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko kaya inalis ko iyon.
"Ano ba, Kyla?!" Inis na tanong ko sakanya.
Tinaasan niya ako ng kilay at humarap saakin ng maayos.
"Alam mo Harveyz gwapo ka. Kung tutuosin mas gwapo ka kay Zion.." nakangiting sabi niya sakin na ikinatigil ko.
"What do you mean? I mean, what do you need?! Bakit mo 'to sinasabi sakin?!" Inis na tanong ko sakanya na ikinanguso nito.
"Heto naman, oh. Alam mo namang... Crushy ko si Zion hehe, babawiin ko na ang sinabi ko mas gwapo si Zion. Pero please! Alam kong gusto mo si Yna kaya naman.. mag tulungan tayo, hehe." Masayang sabi niya sakin na talaga namang ikinakunot ng noo ko. Mukhang nakita niyang hindi ko na gets ang sinasabi niya kaya sumeryoso ang mukha niya. "Pag seselosin natin sila—"
"What?!" Gulat na tanong ko habang salubong ang kilay dito.
"B-bakit? Nag wo-work yun sa mga movies 'no!"
"Have you gone completely insane?! No! Hindi ako papayag, at mas lalo namang hindi ako mapapansin ni Yna niyan. Psh, mga babae talaga oh! Baka sakin ka lang may gusto, pumaparaan ka lang para makalapit sakin.." napailing iling ako dito at tumayo saka humingang malalim. "Hayst, aalis na nga ako. Nakakabwisit ang araw na 'to."
YNA'S POV
Lunch break na pero nandito pa rin ako mag isa sa room namin. Pinauna kuna sila April at Victor, mabuti at napilit ko silang susunod na lang ako sa mga ito. Nakatitig lang ako sa bouquet na nasa harap ko habang hinahawakan ang petals ng pink tulips.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may nag bigay nito sakin. Ang malala pa doon ay si Zion iyon. Sabi ko nga dati kung may magiging crush man ako sa lima mas gugustuhin ko pang si Zion iyon. Ngunit iba na pala ang pakiramdam kung siya na mismo ang may gusto sakin.
Hindi talaga ako makapaniwala na may gusto sakin si Zion. Ni hindi maprocess sa utak ko na kahit isang katiting man lang na bagay sakin ang kaakit akit. Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa, posible nga bang may gusto siya sakin? Hindi ba talaga ako na nanaginip?
"Bakit mag isa ka dito?"
Narinig ko ang nag salita mula sa pinto kaya napalingon ako doon. Nakita kong nag lalakad papalapit sakin si Ice at naupo sa tabi ko which is upuan ni Sofia.
"Uy, bakit malungkot 'yang mukha mo. Pftt.." bahagya siyang natawa ng makita ang itsura ko.
Tinignan ko ang bulaklak at muling bumaling sakanya. Tinignan niya rin iyon at napakamot ulo ito.
"Bakit ka nga malungkot? Dapat masaya ka binigyan kang flowers ni Zion, may gusto siya sayo, nag effort siya, gusto ka niyang ligawan. 'Diba?" Aniya saka napabuntong hininga. Inakbayan niya ako at hinagod ang likuran ko, kinocomfort ako.
"Alam mo, naiintindihan ko naman kung hindi ka pa ready eh. Pero minsan normal lang 'yan na may mag kagusto sayo. Wala pa bang nanligaw sayo noon?" Takang tanong niya."Wala pa eh.." sagot ko rito.
"Pag pasensyahan mo na rin si Zion, ganon talaga 'yon. Mahilig mang gulat hahaha.. sus 'wag mo masyado isipin 'yon. Tsaka alam kong marami pang mag kakagusto sayo.. mabait ka kaya, sweet ka, maalaga, may malasakit sa kapwa tsaka maganda ka.." seryosong sabi nito na ikinangiti ko. Napangiti rin siya. "Oh, tignan mo. Ang cute mo kaya pag ngumingiti.." nakangiting sabi niya sakin saka biglang pinang gigilan ang pisngi ko.
"Hmmm! Ice naman!" Daing ko habang pinipisil nito ang pisngi ko.
Tumawa siya saka binitiwan ako. Hinawakan ko naman agad ang pisngi ko dahil sa sakit ng pag kakapisil nito. Inis ko siyang hinampas na ikinatawa niya lamang.
"Pero ano ba talaga ang iniisip mo kanina?" Tanong niya sakin.
"B-baka kase.. nag bibiro lang si Zion eh, sabi ni April may pag kaplayboy din daw 'yon.." nahihiyang sabi ko rito.
Humagalpak siya ng tawa saka umiling. "Hindi 'yon playboy 'no! Ganun talaga si Zion pero base sa mukha niya kanina ng pinayagan mo siya? Sobrang saya niya Yna. Ndi siya naging ganyan kasaya before sa mga gusto niyang ligawan, pag balik niya sa room namin alam mo ba na whole class active at nakangiti siya na parang timang? He's deeply in love, Yna.. in love to you." Seryosong sabi ni Ice na ikinayuko ko.
"Mababaliw na ata ako kakaisip sa mga nangyayari ngayon.." wala sa sariling sabi ko na ikinatawa niya.
Tumayo siya at inilahad ang kamay sa harap ko na akin namang ikinakunot ng noo.
"Bakit?— aray!" Napanguso ako ng bigla niyang pinitik ang noo ko kaya napahawak ako doon. Mangiyakngiyak ko siyang tinignan at sinamaan ng tingin. "Bakit ba, ha?! Nag tatanong lang eh! Huhuhu ang sakit Yelo! Ano kaba?!" Galit na sigaw ko sakanya.
"O-oh, sorry na po hindi ko sinasadya.. eh ikaw naman kasi! Hindi kapa daw kumakain sabi nila April, hinahanap kita sakanila kanina tapos 'eto ka pala nag mu-muni muni, tss." Aniya na ikinatawa ko.
Akmang tatayo na ako ng biglang tumunog ang tyan ko tanda ng gutom na ako. Narinig din iyon ni Ice at binigyan niya ako ng masamang tingin kaya napangiwi ako at nag peace sign.
"Ayan na nga oh kakain na po.." sabi ko rito saka ngumiti.
Natawa na lamang siya saka hinapit ako sa bewang at sabay kaming lumabas ng room. May ilang mga estudyante na nag lalakad sa hallway na talaga namang ikinaingay nila ng makita kaming dalawa ni Ice ng ganito ang posisyon.
"WAAAAHHH! ICENA!"
"Ayan naaaa! Ehe, gumalaw na din ang manok ko!"
"Tsk. Kainis naman! Nasaan ba si Harvey?! Yvey ako eh!"
"Pero tingin ko mas bagay sila ni Lhester, Lhesria ganern!"
"O kaya Dana, Dave at Yna! Ayieeehhhh!"
"Baduy naman 'non. Daria nalangg! Dave at Maria, 'diba Maria naman first name ni Yna?"
"Cheee! Team Zion pa rin kame!"
"WAAAAHHH yung kamay ni Ice nasa bewang niya, omg!"
"Ice.." pag tawag ko rito dahil bahagya akong nahihiya, baka isipin nilang malandi ako.
Nakangiti niya akong nilingon at hindi pa rin inaalis ang kamay sa bewang ko.
"Don't mind them.. bilisan na natin dahil siguradong gutom ka na, ayaw kong malipasan ka.." nakangiting sabi nito at mas hinila pa ako upang makaalis sa mga estudyanteng nag iingay ng dahil samin.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...