YNA'S POV
"Ba't nakasimangot ka diyan?" Tanong ni Vince dahil nilapitan ako nito habang nakaupo akong mag isa sa isang bench.
Bored ko itong tinignan na ipinag taka niya naman pero ngumiti rin siya ulit sakin.
"Can you stay out of my privacy?" Tanong ko rito, ayan napa english na.
"Woah.." natatawang sabi niya sabay taas ng dalawang kamay sa ere. "As I remember, this is my spot of my privacy but it looks like there someone else wanted to be in here. Excused me but this is my privacy." Aniya at binigyan ako ng nang aasar na ngiti.
"Psh."
Tumayo na lamang ako at nag lakad palayo. Naupo ako sa kabilang bench habang malalim ang iniisip.
Kung iiwasan ko sila malamang maninibago ang mga iyon. Tsaka nasanay na rin akong kasama sila. Kaso hindi ko naman maiiwasan ang hindi mailang dahil sa mga sinabi nila. Lalo na minsan may nang yayaring pag aaway ng dahil sakanila.
"Well, well, well.." napalingon ako sa nag salita sa likuran ko. Si Aica ito kasama si Rhianne. "The Personal Maid is lonely. Bakit? Nasaan ba mga knight and shinning armour mo?" Nang aasar na tanong niya.
"Kailan mo ba ako titigilan, ha?!" Inis na tanong ko.
"Ay, 'wag kang high blood sis." Kunyari nabiglang sabi ni Rhianne at sabay sila tumawa ni Aica.
Umupo si Aica sa tabi ko at seryoso akong tinignan.
"Alam mo ba.. isa kang salot sa limang mag kakaibigan?!"
"How dare you?" Galit na sabi ko rito pero tumawa lang siya.
"You know.. balang araw, lahat sila mag kakawatak- watak ng dahil sayo. Mag aaway sila ng dahil sayo. Pag aagawan ka nila.. ang 4 years nilang pag kakaibigan ay mawawala ng dahil SAYO." Sabi ni Aica na ikinakunot ng noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Iwasan mo sila. Mag pakalayo ka. Habang maaga pa at hindi pa sila masyadong nag kakagulo.." aniya.
Napaisip ako. Kanina lang ay pumasok sa isip ko ang bagay na iyon. Mahalaga ng walang away at mas lalong ayoko sirain ang pag kakaibigan nilang lima. Malulungkot ako... Kapag nakitang hindi sila nag iimikan o ano.
"Ano? Gagawin mo ba?" Tanong ni Aica habang nakangisi.
"Hindi." Sabi ko rito sabay tayo at agad na nag lakad papalayo.
Ang totoo.. gagawin ko. Para na rin sa kapakanan naming lahat. Mukha ngang delikado ang sitwasyon at hindi mag kakasundo ang lima. Ayos lang kahit masaktan ako basta maging okay sila. Susubukan ko silang iwasan.
But speaking of... Nandiyan si Zion. Habang nag lalakad ako sa hallway at habang malayo pa siya ay agad na akong tumalikod at nag tago sa isang kwarto. Wala akong pakialam kung pinag tinginan ako ng ibang section. Nang makalagpas na siya ay nakahinga akong maluwag saka nag peace sign sa mga estudyante saka lumabas ng room.
Napabuntong hininga ako. "Hays.. hanggang kailan ko ba 'to gagawin?.." tanong ko sa sarili.
"Gagawin ang ano?" Napaigtad ako ng biglang mag salita sa likuran ko si April.
"Ano ka ba! Nakakagulat ka!" Inis na sabi ko rito na ikinatawa niya.
"Kanina kapa namin hinahanap teh!" Sabi naman ni Victor.
"Tara na nga, matatapos na ang lunch oh. Kung saan-saan ka pumupuntang babae ka." Mataray na sabi ni April saka inakbayan ako para hilahin.
Napayuko na lamang ako at saka sumunod sakanila. Buong lunch ay tahimik lamang ako at malalim ang iniisip. At ng matapos naman kami ay biglang may lumapit sakin na babae, mukha siyang nerd dito sa school.
"Yna, pinapatawag ka ni Lhester" sabi nito sakin kaya napabuntong hininga ako.
"Ay taray.. sige na teh, mauuna na kami" sabi ni Victor pero pinigilan ko silang umalis.
Hinarap ko yung babae at tipid na nginitian. "Pakisabi sakanya.. busy ako ngayon kaya hindi ko magawang makapunta." Sabi ko rito kaya tumango naman ito at walang imik na umalis.
Weird.
"Uy, bakit sinabi mong busy ka? May nangyari ba sainyo?" Takang tanong ni April patukoy sa lima.
"Hala, baka nag away-away tapos nag tatampo ang Yna naten. Sige teh, sabihin mo anong nangyari?" Mataray na tanong ni Victor na tila ba'y parang kinakawawa ako at inaway ako ng lima.
Natawa na lamang ako at umiling. "Saka kuna sasabihin sainyo. Basta ayaw ko munang mag pakita sakanila." Sabi ko sa mga ito at nginitian sila dahil puno pa rin ng pag tataka ang mukha nila. "Tara na."
Pag sapit ng hapon. Uwian na at ganon nalang ang pag iwas ko tuwing maririnig kong may nag uusapan at nag titilian sa hallway dahil panigurado isa sa lima ang nandoon or silang lahat.
Dumaan ako sa isang hagdanan kung saan hindi madalas daanan ng mga estudyante. Agad akong nakapunta sa gate at napangiti ako ng sobra at natawa sa sarili kong kalokohan.
Sa huli ay payapa akong nakauwi. Nag taxi na lamang ako. Sino yung t@ngang iiwas daw pero mag papahatid. Pag karating ko sa bahay ay wala si Mawiee, malamang nasa trabaho na naman siya.
Pabagsak akong humiga sa kama at sakto tumalon si Chester sa tabi ko kaya napangiti ako. Panay ang lambing neto sakin at maingay rin siya. Panigurado gutom na ito dahil minsan umaalis si Mawiee ng 2 P.M. at baka nakalimutan niyang mag iwan ng pag kain.
"Gutom kana ba? Sorry ah. Ang tagal ko makauwi.." sabi ko rito saka tumayo at tumungo sa kusina sa baba.
Nakasunod lamang siya sakin at agad ko siyang binigyan ng pag kain. Grabe ang bilis niyang kumain, ang takaw niya talaga. Napatawa na lamang ako saka tumayo at umakyat muli para mag bihis.
Bago pa man ako makapag bihis ay narinig ko ang sunod-sunod na pag ring ng cellphone ko. Nang tinignan ko iyon ay iba't ibang messages galing sa lima.
From: Lhester
Where are you?!
We've been looking for you.
Bakit hindi ka pumunta kanina?
From: Zion
My loves. Miss na kita.
Bakit ata hindi ka namin nakita kanina?
From: Ice
Iniiwasan mo ba kami?
It's okay. Find your space.
From: Harvey
Nag aalala kami, Yna.
Umuwi kana ba?
From: Dave
Get home safely.
Kung may nangyari man, mag sabi ka samin.
Napapikit na lamang ako ng mariin ng makita ang mga messages nila. Mahirap man aminin pero namimiss ko rin ang mga ito. Malamang dahil halos ilang weeks na rin kami nag sasama.
Sa ngayon ay magiging ganito muna ang set up ko. Pero hindi ko sigurado. Malamang ay mag tataka sila at hahanap ng paraan para makausap ako. Sana lang ay hindi nila mahalata na iniiwasan ko talaga sila.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...