YNA'S POV
"Uy ano na teh?! It's Saturday wala ka bang balak gawin?" Inip na tanong ni Victor.
Nasa kwarto ko silang dalawa ni April dahil umagang- umaga ay ang mga walang'ya pumunta dito para mambulabog. Ang sarap ng tulog ko tapos mang iisturbo sila, hmph.
"Ano baaa.. gusto ko pang matulog" inis na sabi ko sa mga ito saka inabot ang kumot at nag takip niyon.
Inalis naman ito agad ng dalawa saka tinawanan ako ng makita ang nakasimangot kong mukha.
"Bilis na, Yna. Tutulungan ka naming malaman kung sino ang the one mo!" Nakangiting sabi ni April na agad kong ikinalingon.
"R-really? P-paano?" Curious na tanong ko sa dalawa at nag tinginan sila bago tumawa ng malakas.
"A date!" Sabay nilang sigaw na ikinakunot ng noo ko.
"A date, Yna! Sa isang date malalaman mo kung kanino ka mas masaya, mas tumibok ang puso mo at mas kumportable kang kasama mo siya. Yna, i-date mo si Lhester tapos sunod naman si Ice! Dun mo malalaman kung sino talagaa" kinikilig na sabi ni April.
Kwenento ko sakanila kung bakit at anong mangyari sa sinabi ni Zion kahapon. Akala nila ay kami na pero sinabi kong busted ito mula sakin kaya medyo na- disappointed din sila. Pero sakabila non 'eto na naman at may naisip silang plano.
Actually mukhang maganda naman ito kaya medyo nauto nila ako saka pumayag. Tuwang tuwa ang mga g@ga at agad na tinawagan 'yong dalawa. Sila na bahala sa date. Ang una daw ay si Lhester, si Lhester daw lahat gagastos at siya ang bahala kung saan kami pupunta.
"Sandali lang ha? Sakto nandito si Tita at Tito! Sasabihin naminnn!" Agad na nanlaki ang mata ko ng sinabi iyon ni April.
"W-wagg!!" Kinakabahang sigaw ko.
Pero bago pa man mangyaring mapigilan ko siya ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Mawiee habang kunot ang noo.
"Ano yung sasabihin mo, April?" Tanong nito.
Umiling ako kay April pero kunyari hindi niya iyon nakita at hinarap na ng tuluyan si Mawiee. Mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng nasa likuran ni Mawiee si Pawiee.
Paktay na.
"Tita! Alam niyo po nanliligaw sakanya si Lhester at Ice! Kaya naman naisip ko naaa, i- date niya ang dalawa para malaman niya kung sino talaga ang para sakanya. Nag wo- work daw iyon sabi nila kaya payagan niyo na po si Yna. Tita, Tito" nakangiting pag kekwento ni April.
"Yna? You already have a suitors?! Bakit hindi mo sinabi saamin baby?!" Naiiyak na tanong ni Mawiee, mag aalala na sana ako pero... "KYAAAAHH! ANG GANDA- GANDA NAMAN NG BABY PIWIEE NAMIN!" Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako. "Naku naman! Hindi na pala ito baby. May manliligaw na ang anak naten, Mario oh!" Kinikilig na sabi ni Mawiee kay Pawiee.
Huh?
"Yliza, she's just highschool. Kapag college niya na.." mahinang sabi ni Pawiee pero iniripan ni Mawiee ito.
"Hmp! Basta akong bahala. Kung sino ang magustuhan mo, baby. Support ako sayo!" Nakangiting sabi ni Mawiee.
Bumuntong hininga si Pawiee saka tumango-tango. "Whatever. Basta ayokong malaman na paiiyakin ka ng mga lalaking 'yan dahil ospital ang abot nila sakin" seryosong sabi ni Pawiee na ikinatawa namin ni Maw.
"Ano ka ba?! Sila Lhester at Ice daw ang may gusto sakanya! Mababait silang bata" sabi ni Mawiee at tinanguan na lamang siya ni Pawiee.
Wala talagang ubra si Pawiee sakanya. At iyon ang nacu-cutetan ko sakanilang dalawa. Ang sweet nila kapag ganoon.
"Yiieee! Yun naman pala, Tita mamsh!" Kinikilig na singit ni Victor.
"Yesss!" Natutuwang sigaw naman ni April.
Natampal ko na lamang ang noo ko. Pag katapos niyon ay agad nila akong pinag bihis. Dinala ako ng dalawa sa isang salon. Pinaayos ang buhok ko, nag pabeauty spa at nag skin care etc. Ewan ko kung bakit at para saan pa 'yon pero hinayaan ko na lamang. Nakakaramdam din ako ng excited at iniisip kung anong magiging reaksyon ng dalawa kapag nakita akong naka suot as totally girly this time.
Bihira ako mag dress. Kailangan pa akong pilitin ng ilang beses bago ako pumayag at mag make up. I hate make ups, ang lagkit niya sa mukha. Ayoko lang ng girly stuffs, I want simple.
"Oh, ayan na teh ah. Yung mga damit diyan pumili kana lang kung anong susuotin mo sa date ninyo" kinikilig na sabi ni Victor.
Nagabihan na kami sa aming gala at pag papaganda ng dalawa sakin. Nag lalakad kami ngayon at hinahatid si Victor sa bahay nila. Sa isip ko ay sana sa pag salubong ng tatay niya sakanya ay hindi na tulad ng dati na galit na galit ito.
Nararamdaman ko rin na may takot na nararamdaman si Victor habang papalapit kami sa bahay nila. Hindi lang siya umiimik pero sigurado akong hindi pa sila nag kakaayos ng Daddy niya.
Nasa tapat na kami ngayon ng bahay nila. Bumuntong hininga si Victor saka tumawa.
"Babye na mga teh! Jusko Yna suotin mo talaga 'yan ha? Mag selfie ka habang suot 'yan. Kami pumili niyan ghurl!" Masayang sabi ni Victor pero bago pa man kami makasagot ay bumukas ang gate nila at iniluwa doon ang Daddy niya.
"A-anak.."
Nakita ko kung paano natigilan si Victor at unti- unting hinarap ang Daddy niya. Tinignan kami ng Daddy ni Victor saka ngumiti.
"Salamat.. nag kamali ako. Ako yung ama ni Victor pero kayo ang unang tinatakbuhan niya kapag may problema siya.. kayo ang nag mamahal sakanya at nag mamalasakit." May luha sa mga mata nito habang nakangiti saamin. Hinarap niya ang anak niya at hinawakan sa mag kabilang balikat saka tinignan mula ulo hanggang paa saka mahinang natawa. "T-tanggap kita anak.. mahal ka ni Daddy.. ayaw lang kitang maapi ng iba" umiiyak na sambit nito saka niyakap ng mahigpit si Victor.
Narinig naman namin ang pag tawa sa pagitan ng pag iyak ni Victor. Alam namin na masayang masaya siya."D-daddy.."
Napangiti na lamang kami ni April. 'Eto ang pinaka hinihintay namin, ang mag kaayos sila ng kanyang tatay. Alam namin mahirap tanggapin pero wala namang masama sa pagiging bakla. Masaya kami na nagawa niyang tanggapin mula sa puso niya na ganyan ang kalagayan ni Victor.
Kumalas ng yakap ang mag ama. Hinarap kami ng Daddy niya saka ngumiti.
"Maaari ko bang lubos na makilala ang mga kaibigan ng anak ko?" Nakangiting tanong niya.
Nag katinginan naman kami ni April saka tumango sakanya. Pero bago pa man kami makapag salita ay lumapit sakin ang Daddy ni Victor.
"Maraming salamat, Yna. Nang dahil sa mga sinabi mo natauhan ako.. kung hindi dahil sainyo hindi ko magagawang patawarin at tanggapin ang anak ko.. mahal ko si Victor.. at.. kahit ano pa man siya, anak ko siya" nakangiting sabi nito sabay akbay sa anak niya.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...