Chapter 13

138 13 0
                                    


YNA'S POV

Nakayuko ako at hindi kumikibo habang nasa byahe kami ni Zion papuntang school. Siya kase ang sumundo saakin ngayon at nahihiya ako dahil hindi kupa nahahanap yung susi ng paborito niyang kotse.

"Bakit ang tahimik mo?" Takang tanong niya mukha din naiilang siya sa pagiging tahimik ko.

"Eh, kase nahihiya ako. Hindi kupa nababalik yung susi mo tapos heto hinahatid mupa ako.." mahinang sabi ko dito, tumawa siya.

"Nah, it's okay. Alam ko namang hindi mo 'yon sinasadya eh, nag panic lang ako nung araw na 'yon at napagalitan kita pero hindi naman ako galit sayo, nadala lang ako. Don't worry, okay? Tsaka try kong kumuha ng duplicate niyon sa binilhan ko.." sabi nito at lumingon sakin upang ngitian ako.

"Wag na, hahanapin ko nalang 'yon.. kasalanan ko hindi ko iningatan eh" sabi ko rito at umiwas ng tingin.

Narinig ko siyang napabuntong hininga saka hindi na kami muling nag usap hanggang sa makarating kami sa school.

Pag kababa ko ng kotse ay pinauna niya na ako. Napansin ko ang ilang mga estudyante na nag bubulong- bulongan sa paligid. Napabuntong hininga ako at naalala yung tungkol kagabi, siguro nakita na nila yung picture ko. Nakakainis naman kase yung caption doon Malandi natagpuang namumulot ng basura sinong hindi masasaktan doon.

Pag katapos ko 'yon mabasa kagabi hindi ko mapigilang hindi umiyak. Mabuti nalang kumatok si Mawiee kagabi sa kwarto ko kaya natigil ang pag iyak ko. Ayokong makita niya ang larawan kaya kinalma ko ang sarili ko bago ko siya pinag buksan ng pinto.

"Aray!" Singhal ko at natumba sa sahig ng may mag sitakbuhan na mga estudyante.

Naulit na naman ba?! Tss. Bakit ba ang hilig nilang mang bunggo.

"Hoy!" Sigaw ko sa nakabunggo sakin, mabuti't narinig niya at lumingon ito. "Ang lawak ng daan tapos nasagi mupa ako?! Wow ah, hindi man lang nag sorry" sabi ko rito ngunit iniripan pa ako nito. "Aba talaga namang—"

"Kalma lang.." natatawang sabi ng kung sino sa likuran ko.

Hinarap ko iyon at nakita ko si Dave habang hawak nito ang bag niya patalikod at isinasandal sa kaliwa niyang balikat.

"Nakakainis kase hindi man lang tumitingin sa dinadaanan.." sabi ko dito habang nakakunot pa rin ang noo.

Nakita ko siyang napailing at bigla nalang ginulo ang buhok ko kaya napatingala ako sakanya. Ngumiti siya sakin at nagulat ako ng inakbayan niya ako at wala akong nagawa kundi sabayan siya sa pag lalakad.

"Teka.." sandali akong tumigil sa pag lalakad kaya tinignan niya ako. "Bakit tayo diyan dadaan? Ang daming tao oh" tanong ko rito.

"You'll see.." nakangising sabi nito bago sumigaw, bahagya pa akong napaigtad. "TABE!"

Agad na nag si- kilos at umiwas ang mga estudyante upang bigyan kaming daan. Nagulat ako ng makita sila Aica at Rhianne sa gitna ng field na nakaluhod ng kumlaro na ang daan.

"B-bakit?.." tinignan ko si Dave

"They are under punishment." Sabi nito at inalis ang pag kaka- akbay sakin.

Hinila niya ako papunta sa dalawa at nakita ko doon si Lhester, Ice at Harvey. Maya maya pa ay sumulpot na si Zion sa kung saan.

"T-teka.. Lhester? Ano 'to?" Tanong ko sakanya.

"Couldn't you see? They are under punishment because of what they did to you." Seryosong sabi nito at tinuro si Aica. "You.. where's the key?" Seryosong tanong niya rito.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon