Chapter 43

105 10 0
                                    

A/N: super busy ako now mga babies ko! Madami akong ginagawa huhu pasensya ngayon lang ang mami niyo nag update hahaha. Mwuah! Enjoy!🥰




YNA'S POV

Sa wakas natapos rin ang klase. Halos duguin ang utak ko sa math subject namin. Tapos nag pa- surprised quiz pa, hayss!

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Zion na malungkot ang mukha nito. Hindi niya ako napansin dahil nakayuko siya kaya naman nag taka ako agad at hinabol ito.

"Zion!" Pag tawag ko sakanya saka ito tumigil saka lumingon sakin.

"Oh, Yna.. bakit?" Tanong niya sakin at mukhang matamlay ito.

Puno ng pag tataka na tinignan ko si Zion at saka tuluyang lumapit dito. Siniko ko siya at mahinang natawa kahit peke ito.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Parang wala ka ata sa mood, ah?"

Napakamot ulo ito at napangiwi. "A-ahm.. wala, may tina- try lang ako hehe" aniya saka umiwas ng tingin na parang nahihiya ito.

"Ano? Nababaliw na 'to, hahaha. Kung ano-anong ginagawa mo" natatawang sabi ko rito kaya naman ay natawa rin siya.

Hindi ko alam pero parang pasimple itong ngumisi saka muling sumeryoso ng mukha. Tumikhim siya saka hinawakan ang kamay ko.

"Tara na nga, nakalimutan kuna yung kukunin ko. Hinahanap kana pala ni Lhester sa baba may ibibigay daw.." aniya saka hinila na ako pababa ng hagdan.

Hindi na lamang ako kumibo at sumunod na dito. Hinila niya ako hanggang sa field papunta sa basketball court area. Hindi ko alam kung bakit dito pero bago pa man ako maka tanong sakanya ay agad na, na agaw ang atensyon ko ni Lhester habang ito ay pawisan, naka jersey, umiinom ng tubig habang ang isang kamay ay hawak ang bola.

Napalunok ako ng napatitig ako sa adams apple niyang napaka gwapo kung tumaas baba. Ibinaba niya ang bote at saka ginulo ang buhok, napalunok akong muli ng tumingin siya sa gawi ko at nag tama ang mga mata namin.

"Yna. Uy, Yna?"

Narealize ko na lamang na niyuyugyog na pala ako ni Zion at tulala lang ako. Napatikhim ako at umiwas ng tingin kay Lhester.

Ano ba yun?.. natulala ako sakanya? Ako? Mapapanganga sakanya? 'Di ah.

"O-oh, bakit dito mo ako dinala? Nag lalaro pa naman si Lhester eh.." sabi ko kay Zion kaya naman napakamot ulo siya.

"Eh sabi niya tawagin daw kita" sabi nito saka ngumuso kaya inismiran ko na lamang ito. "Manuod nalang muna tayo"

Agad naman akong nag react dahil doon.

"Ayoko 'no. Ang sabi mo may ibibigay siya sakin so asan na? Alam kong may ibibigay siya pero hinihintay na ako ni Dave, siya naka schedule ngayon. Madami pa akong gagawin na assignments.." reklamo ko dito na medyo napalakas kaya naagaw ko ang atensyon ng iba.

Saktong nag break time ang lahat sa pag pa- practice. Medyo nakaka irita din yung mga babaeng nag sisigawan, alam mo na.. Lumapit sakin ang isang basketball player na medyo chinito at matangkad sobra.

Tinaasan ko siya ng kilay ng nakangiti siya sakin at mukhang may pakay ito. Hindi naman sa pagiging mataray pero kailangan para hindi tayo matablahan ng mala poisonous na gayuma ng mga lalaki, you know. Kaya NBSB ako.

"Ahm.." napakamot ulo ito bago nag salita. "I'm Vince and if I'm not mistaken you're the new bie here?" Tanong niya kaya naman alanganin akong tumango.

"Ah, oo—"

"Hindi na siya new bie, ilang weeks na siya dito." Inakbayan ako ni Zion na ngayon ay madilim ang awra habang nakatingin sa lalaking nasa harap namin na Vince daw ang pangalan.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon