A/N: what if wala sa lima ang end game ni Yna?
Ge overthink na kayo HAHAHAH
✌️
YNA'S POV
Nakaupo ako ngayon sa bench kasama sila April at Victor. Pag katapos ng gabing iyon kasama si Harvey ay iniiwasan ko muna silang dalawang pareho ni Zion. Oo, pumayag ako pero hindi ko mapigilan na hindi mailang sa tuwing naiisip ko na nanliligaw sila sakin.
Akala ko ba kase kaibigan lang?
Parang gusto kong maiyak habang iniisip ang mga sinabi nilang handa silang maging kaibigan ko, mag babago sila at welcome na ako sa circle of friends nila. Wala naman silang sinabing may more than friends doon, ah.
Pero bago 'yan. Nag aalala rin ano dito sa kasama namin ni April. Hanggang ngayon ay hindi kumikibo si Victor at minsan nahuhuli pa naming bigla nalang tumutulo ang mga luha nito habang tulala. At simula din ng araw na 'yon ay palagi siyang naka jacket kahit mainit ang panahon.
Hindi ako tanga para hindi isipin na sinasaktan siya dahil halata naman sa lips niya na may pasa ito tanda ng suntok. Kaya sure akong kaya naka jacket ito dahil may mga sugat siya. Gusto namin siyang i- comfort kaya naman mamayang uwian ay napag pasyahan namin ni April na samahan namin siyang mag mall at bilhan ng bagong make up's galing sa paborito niyang brands.
At naisip rin namin na ihatid siya sa bahay nila. Kung ayaw niyang mag pasama ay susundan namin siya. Gusto namin ni April makita kung anong kalagayan niya sa bahay nila. Kung anong ginagawa ng Daddy ni Victor sakanya.
"Basta sumama ka samin mamaya, ah?" Pag yaya ni April dito.
Ayaw kasing pumayag dahil nga bawal daw. Sinabi naming mabilis lang pero ayaw niya talagang mapilit, hanggang sa nag simula na naman siyang umiyak.
Naaawa na talaga ako sakanya. Ang pinakaayaw ko sa lahat makitang umiiyak ang mga taong malalapit sakin. Lalo na't kaibigan ko siya.
"Hoy April!" Sigaw ng isang babae mula sa di kalayuan. Nakadamit ito ng blue t-shirt na may tatak na music club. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakapamewang. "Ano na? May practice pa tayo, g@ga" sabi nito kay April kaya tinignan ko naman siya.
Napangiwi ito sakin at sumenyas na aalis na siya. "Sorry, kasali nga pala ako sa music club. Nakalimutan kong malapit na ang intrams. Mauuna na muna ako ah?" Paalam niya sakin sabay nguso kay Victor. "Bantayan mo.." pabulong na sabi nito kaya ngumiti ako at tumango.
Umayos ako ng upo at lumapit kay Victor na ngayon ay nakatingin sa kawalan. Kung ano man ata ang pinag daanan ko noon mas malala ata sakanya. Hindi naman ako naging ganito ka-depressed noon.
"Alam mo.. kapag malungkot ako gumagawa ako ng mga bagay na gusto ko, na mag papasaya sakin hehe. Kagaya ng pag kain ng ice cream, pag ba-bike, pag punta sa beach kapag palubog na ang araw—"
"Paano ako magiging masaya, Yna? P-paano gawin ang masayang b-bagay kung may hadlang.. kung ayaw nila? K-kung mali sa paningin nila?" Tanong niya sakin sabay tingin habang malungkot ang mga mata nito na alam kong nangungusap at humihingi ng tulong.
Alam kong hindi niya na kaya ang matagal niya ng dinadamdam diyan sa puso niya. Alam kong matagal na siyang nasasaktan ng sobra dahil diyan sa kasarian niya.
"Alam kong mahirap.." mahinang sabi ko rito saka lumapit at inakbayan siya. Hinagod ko ang likuran niya upang patahanin siya. "Wala na akong masabi, sorry ah? 'Eto lang ang kaya kong gawin pang comfort sayo.."
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...