YNA'S POV
"HAHAHA sige pa!" Natatawang sigaw ko habang pinapanuod sila April at Victor na nag ba-basketball dito sa world of fun.
Sumali na rin ako dahil malapit ng matapos ang oras. Tuwang tuwa ako ng nakapag pa- shoot din ako ng mga ilan habang panay kami tawa na tatlo. Natapos ang oras at meron kaming 43 scores na talaga namang nakapag patuwa saamin.
Marami pa kaming ginawa at nag laro ng mga games. Kumain kami at nag enjoy kasama ang isa't isa. Sobrang saya kapag kasama ko sila April at Victor, pakiramdam ko payapa ang lahat at walang ano man mangyayari. Iba pa rin talaga ang pakiramdam na may kaibigan ka.
"Oh, ayan ah nakapag bonding din tayo sa wakas" masayang sabi ni Victor habang iniinom ang milk tea nito.
"Oo nga eh" natatawang sabi ni April.
"Mabuti nga at hindi na sumama yung lima, tsk." Sabi ko naman kaya binigyan nila ako ng nang aasar na tingin. "Oh, bakit?"
"Miss mo lang sila eh" nang aasar na sabi ni April kaya mabilis akong umiling.
"Nako hindi ah!"
"Gusto lang nila sumama kase babantayan ka, nakaka inggit ka talaga gurl anong gayuma mo?" Mataray na sabi naman ni Victor.
Napakamot ulo na lamang ako sa inubos ang milk tea ko. Pag katapos namin mag ikot- ikot muli sa mall ay napag pasyahan na naming umuwi. Gabi na rin kase at malamang hinahanap na daw kami, syempre ihahatid namin si Victor ng sa ganon ay hindi siya mapagalitan na umuwing late.
Habang nag lalakad kami sa village nila at malapit na rin ang bahay nito. Mula sa 'di kalayuan ay nakita na namin ang Daddy ni Victor kaya nag mamadali siyang tumungo papunta doon.
Nang makarating na kami ay agad na bumaling ang paningin samin ng Daddy niya. Seryoso ang mukha nito at para bang may mali saamin kung makatitig siya.
"Bakit late ka na naman umuwi?" Seryosong tanong nito kay Victor.
Habang si Victor naman ay nakayuko at bahagyang nanginginig sa takot kaya naman nag lakas loob akong lumapit dito at hinawakan ang braso niya upang pakalmahin siya. Tinignan ko ang Daddy niya at nag salita.
"May group projects po kaming ginawa kaya natagalan, malapit lang po ang bahay namin sa bahay niyo kaya naisip naming ihatid na si Victor." Sabi ko rito ng sa ganon ay hindi na humaba ang usapan pero sadya yatang mautak ang Daddy niya.
"Group projects na may kasamang shopping bags? 'Yan ba ang projects niyo? Ang mag mall ha?!" Galit na sigaw niya saamin kaya natakot ako dito.
Nag katinginan kami ni April. Akmang mag sasalita ako at aamin ng si April ang nag sabi ng dahilan.
"Kailangan po kasi namin ito para mag perform sa Wednesday. Heto nga po oh.." nilabas ni April ang mga pang make ups at mga dress na dapat talaga saamin iyon pero ginawa niyang palusot. "Para po ito sa dula- dulaan namin at kailangan namin mag make up ng sa ganon ay manalo kami. Maniwala po kayo, Tito." Aniya.
Pinag masdan naman kami ng Daddy ni Victor kung totoo ba ang sinasabi namin saka humagalpak ng tawa at bumaling sa anak. Nagulat kami ni April ng hawakan ng Daddy niya ang baba ni Victor ng sobrang lakas at sinuntok sa tyan.
"H-hala bakit po?!" Gulat na tanong ko at inalalayan si Victor pero tinulak ako ng Daddy niya.
"Wag kang makialam!" Sigaw nito sakin kaya't napaupo ako sa sahig, agad namang binitiwan ni April ang paper bags at nilapitan ako.
"Ayus kalang?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Wag mong idamay sila sa away natin, Dad! Mabubuti silang kaibigan!" Galit na sigaw ni Victor habang umiiyak pero sadyang galit talaga ang Daddy niya.
"Hindi ba't sinabi ko sayong umuwi ka sa tamang oras! Tingin niyo isa akong t@nga?! Para hindi malaman na nag sisinungaling kayo?!" Singhal niya saamin sabay tingin muli sa anak niya. "At WALA AKONG ANAK NA BAKLA!" sigaw nito sa sobrang galit, ng dahil doon ay tuluyan ng napahagulhol si Victor sa iyak.
"Dad!" Sigaw nito habang umiiyak. "Bakit ba kayo nag kakaganyan?!" Tanong ni Victor sa ama saka napaupo sa sahig habang walang tigil ang pag agos ng luha nito.
"Bakit?! Bakit ako nag kakaganito?! BAKIT AKO NAG KAKAGANITO?! DAHIL BAKLA ANG KAISA- ISA KONG ANAK!" Sigaw nito sa sobrang galit sabay suntok sa gate nila. "Wala akong anak na bakla!"
"DADD!! TAMA NAAA!" Sigaw ni Victor sa sobrang galit rin nito. "TAMA NA PLEASE!" Tumayo siya at pinunasan ang mga luha sa mata saka muling hinarap ang Daddy niya. "Hindi ba kayo nahihiya?! Dad! Kailan man hindi ako naging pasaway sainyo! Kailan man ay hindi ako nag loko gaya ng ibang anak na lalaki diyan na barumbado! Ni minsan hindi kayo pinatawag ng teacher ko dahil may nasuntok akong kaklase ko! Dad, pinapatawag lang kayo kapag matataas ang grades ko! Ni minsan hindi ko naman kayo binigyan ng sakit sa ulo, ah?! Mahal ko kayo, Dad! Wala na si Mommy kaya ikaw nalang ang meron ako! Ikaw ang inaasahan ko na dadamayan ako pero hindi! Pinag tatabuyan mo rin ako.." humahagulhol na sigaw nito sa Daddy niya at napasabunot na rin sa buhok sa sobrang inis. "Sila!!" Sabay turo saamin ni April. "Hindi ko sila ka ano-ano pero tanggap nila, Dad! Tanggap nila ako! Kaibigan ko sila, mabuti silang tao pero ikaw?! Ikaw na Tatay ko na dapat umintindi sakin pero mas lalo mo akong pinalalayo sayo!"
"Wala kang utang na loob.. pinakain kita, inalagaan kita, simula ng mamatay ang nanay mo ako ang nag alaga sayo, minahal kita at ang tanging pangarap ko lang sayo ay ang makapag tapos ka at mag sundalo! Isa kang lalake Victor! Lalake ka! Ayokong.. ayokong may masabi ang mga tao tungkol saatin! Ayokong husgahan ka nila!" Sigaw ng Daddy niya sakanya.
"Oo Dad! Ayaw mo! Ayaw mo akong maapi ngunit ikaw mismo sinasaktan ako! Ikaw mismo pinapaalis ako! Pinaparamdam sakin na kalait lait ako dahil bakla akooo! Dad, ang hiling ko lang naman matanggap mo ako, mahalin mo ako tulad ng dati. Wala akong pakialam kung anong sabihin nila, hindi ko naman sila kaano-ano ah?! Ang gusto ko lang ikaw, Dad.. dahil ikaw nalang ang meron ako.." humahagulhol na sabi ni Victor.
Natahimik na ang Daddy niya at seryoso ang mukha nito tumalikod. Bago ito pumasok ng gate ay bahagya siyang lumingon sa anak niya.
"Gabi na. Pumasok kana. Pauwiin mo na rin sila." Cold na sabi nito sabay alis.
Malungkot ang mukhang tinignan namin si Victor habang nakaupo sa kalsada at todo ang pag iyak na animo'y parang batang iniwan ng magulang sa kalsada o kaya hindi binilhan ng candy.
Nilapitan namin siya at pinipilit na patahanin. Habang hinahagod ni April ang likuran niya ay napatingin ako sa gate na bukas, agad akong tumayo at walang sabi- sabing pumasok sa loob ng bahay nila.
Pag kapasok ko ng pinto ay naabutan ko ang Daddy ni Victor na naka tayo sa sala at parang malalim ang iniisip.
"D-dapat ninyong patawarin ang anak niyo. Kailangan kayo ni Victor.. mabuti siyang anak, mabuti siyang kaibigan at kahit ganon siya ay tanggap namin siya. Daddy niya kayo kaya kailangan niyo rin siyang tanggapin kung ano siya, kung anong nararamdaman niya-"
"Anong alam mo tungkol sa pagiging magulang, ha?!" Bigla itong humarap sakin at galit ang ekspresyon sa mukha nito. "Ginagawa ko ang lahat upang protektahan siya, pag aralin siya ngunit ano ito?! Isa siyang bakla?!"
"Opo. Isa siyang bakla.. bakla po si Victor. Pero narinig niyo na ba ang tungkol sa mga lalaking estudyante na nang bu-bully? Mga lalaking walang respeto at mapang api? Si Victor ho kahit bakla siya pinag tatanggol niya ang mga nabubully sa school namin. Si Victor po kahit bakla siya magalang siya sa mga teacher at matulungin. Kahit bakla siya ay may respeto siya sa kapwa, hindi tulad ng mga totoong lalaki na ang alam lamang ay mag pagwapo sa mga dalaga. Minsan po.. mas pipiliin ko rin ang bakla kesa sa lalaki, mas masarap silang kasama at kahit ganon sila? Minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla. Kaya sana.. huwag mo silang basta bastang huhusgahan."
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...