Chapter 10

163 13 2
                                    


YNA'S POV

Sabi ng doctor ay mataas lang talaga ang lagnat ko. Yung nangyaring nahimatay ko ay nashut down lang kanina ang katawan ko sa sobrang init at pagod, napagod ako at kasabay na niyon ay sobrang taas na ng lagnat ko. Hindi kinaya ng katawan kaya nahimatay, dahil na rin iyon sa nasampal ako ng malakas ni Aica.

Sa ngayon ay mag pahinga daw muna ako dito at babantayan ang kalagayan ko. Sinabi ko sa lima na huwag sabihin kay Mawiee ang nangyari kung sakaling baka may mag sabi.

"Hindi ba kayo aalis? Pumunta na kayo sa school" sabi ko sa mga ito na ikinalingon nila.

Tumigil naman si Zion sa pag alis ng balat ng orange at tumingin din sakin.

"Bakit? Kaya mo ba?" Nang hahamon na tanong ni Dave.

Napanguso na lamang ako. Takot din ako sa ospital. Pansin niyong lagi nalang ako takot 'no? Takot ako sa dilim, sa ospital, sa elavator, sa cinehan, sa train. Ewan ko ba laging tumitibok ng malakas ang puso ko tuwing nandoon ako sa lugar na 'yon.

"Oh, kainin mo" sabi ni Zion at ibinigay sakin ang orange na binalatan niya.

"Thank you.." sabi ko rito at sinimulang kainin iyon.

Pinag masdan ko si Zion. Akala ko ba galit siya sakin? Bakit ngayon binigyan niya pa ako ng prutas.

"Kumusta pakiramdam mo, nahihilo ka pa rin ba?" Tanong ni Harvey na siyang nasa tabi ko na nakaupo.

"Medyo okay na.."

Nakaupo sa sofa sila Dave, Lhester at Ice. Si Harvey ay nakaupo sa upuan malapit sa hospital bed ko at si Zion naman sa kabilang side.

Pinag masdan ko silang nag kekwentuhan hanggang sa hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Bakit kayo tinatawag na badboys?" Tanong ko sakanila na ikinatigil ng mga ito. "I mean, mabait naman kayo" sabi ko rito.

"Hindi kami mabait." Agad na pag tanggi ni Lhester kaya mahina akong natawa.

"Well, para sakin mabait kayo. Hindi niyo lang pinapakita o pinapahalata pero minsan sa isang bagay may pakialam din kayo, mabait kayo 'no nahihiya lang kayong ipakita. Bakit nga ba? Sabagay nagawa niyo naman na ipakita sakin, hinatid niyo ako agad sa ospital, Thank you." Nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

Kung tutuosin dapat nga bumalik na sila sa school at iwan nalang ako, ginawa ba nila? Hindi naman 'diba. Instead binantayan pa nila ako. Pakiramdam ko sa mga oras na 'to naging special pa ako lalo, para ko na rin silang mga kuya kung titignan.

"Mag pahinga ka na, aalis lang muna kami ni Dave." Sabi ni Lhester at tumayo.

"Saan kayo pupunta?" Tanong naman ni Ice.

"We need to clear up on something.. bantayan niyo si Yna.." sabi ni Lhester bago lumabas ng kwarto kasama si Dave.

"Hindi naman nila paparusahan sila Aica 'diba?" Kinakabahang tanong ko.

Nag kibit balikat lang si Zion at hindi na nila ako pinansin. Naningkit ang mata ko dahil sa pag balewala ng mga ito sa tanong ko.

Ipinag patuloy ko na lamang ang pag kain ko sa orange na ibinigay ni Zion at napag pasyahang manuod ng movie sa cellphone ko.

"Uy! Bakit?" Inis na tanong ko kay Ice ng kinuha niya ito mula sakin.

"You need to rest, huwag ka muna mag cp. Matulog kana lang diyan, mag pahinga ka" sabi nito at nilagay sa bulsa ang cellphone ko.

"Ibalik mo 'yan sakin, Ice.." seryosong sabi ko.

"Ibabalik ko rin naman, basta kapag magaling kana. I'm not a thief" sabi nito at naupo sa sofa.

Si Harvey naman ay nakaupo sa tabi ko at nakayungko at ulo sa kama. Bakit parang mas pagod siya kaysa sakin? Mas inaantok siya kesa sakin na may sakit, samantalang ako gusto ko manuod ng movie pero kinuha ng isang unggoy.

Tss.



LHESTER'S POV

Usually, yeah, we cut class for this stupid shool mates in front of me.

"Explain." Seryosong sabi ko kina Rhianne at Aica na ngayon ay nakaluhod sa harap ko.

"L-lhes.. a-ano kase eh, si Yna kasi.." nag aalangan na sabi ni Rhianne.

"Okay, it was Yna's fault! Pinipikon niya kami sa library, nasigawan ko siya dahil sa inis dahil nga ginugulo niya kami! K-kaya tama lang yung nangyari sakanya k-kanina!" Sabi naman ni Aica.

"What is the reason of that? Bakit pikon na pikon ka kay Yna, huh?" Tanong ni Dave na para bang may gusto siyang sabihin dito.

"It was because!— b-because she's a trash! Hindi siya bagay sa school natin! Newcomer na weird at cheap?! No way!" Maarteng singhal ni Aica.

Napaiwas ako ng tingin sa sobrang inis at pag pipigil ng galit. Pasalamat siya dahil babae siya, kung hindi bugbog na 'to ngayon.

"At sa tingin mo bagay ka rito sa school na 'to?" Tanong ko sakanya naikinatigil niya

"What do you mean?!"

"Sa ugali mong 'yan, tingin ko mas bagay si Yna sa eskwelahang 'to kesa sayo" sabi ko sakanya at binigyan ito ng nang iinsultong ngisi.

"How dare you?! Compare to you naman sa records mo dito sa school!"

"Oh, shut up. We both know na pinapakiusapan lang ng Mommy mo si Ninong para hindi ka i- expelled. Mabuti nalang mabait yung Tito ni Zion 'no? Kung hindi, makakapag model ka kaya?" Nakangising sabi ko rito at naupo sa isang upuan at pinakatitigan siya. "Yung pambubully mo sa school, panunulak sa isang estudyante, pag daya sa modelling, sa tests, sa arts contest ano pa ba ang pwede kong i- reveal sa social media para sa punishment mo dahil sa pag labag sa batas ko? Didn't you forget my rule not to hurt our personal maid, hmm?"

Kita ko ang takot sa mukha ni Aica. Umiiyak na ito sa harap ko at ngayon ay nag mamakaawa na.

"N-no please.. huwag mong gawin 'yan, Lhes. What do you want? I'll give everything to you! Please, I'll do whatever you want.." nag mamakaawang sabi niya at tumayo, hinawakan nito ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya na ikinagulat ko. "Even myself I can give to you just don't do that please?" Nang aakit na pakiusap nito.

"Aica!" Pag sita sakanya ni Rhianne.

Agad kong inalis ang kamay ko at tinulak siya. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan mula ulo hanggang paa.

"A woman like you don't deserve to respect, but luckily you that I still respect some womans. Don't just give yourself to someone, you might blame yourself at the end." Seryosong sabi ko sakanya at hinarap si Dave. "Tell them what they need to do tomorrow." Tumango si Dave at iniwan ko sila sa roof top.

Pag baba ko ay nakita ko sila Jake at ang mga kasamahan niya. Seryoso ko siyang tinignan at akmang aalis na ng pinigilan ako nito.

"H-hindi ko alam na.. siya ang bago niyong Personal Maid.. pasensya na, inutusan lang ako ni Aica na tulungan siya" mahinang sabi nito sakin..

Tinignan ko siya. "Tutal hindi mo naman alam ang tungkol dito ay palalagpasin ko 'to, alam muna ang mangyayari kapag may nagawa kang mabigat na pag kakamali." Sabi ko rito bago tuluyang nag lakad papalayo.

Si Jake ay may utang na loob sa pamilya namin. Nung panahong nasa probinsya sila ay pumunta kami doon nila Daddy, bata pa lamang ako 'non ng tinulungan ni Dad ang tatay niya na makapag trabaho sa manila. At dito na nga sila nanirahan ng kanilang pamilya, binigyan din ni Dad si Jake ng tulong para sa pag aaral niya.

Kaya naman malaki ang takot sakin ni Jake kahit pa myembro siya ng isang gang. Alam niya kasing maaaring mawala nalang bigla ang tyansa na makapag tapos siya kapag binangga niya ako.

Hindi na kami pumasok pa ni Dave at bumalik sa ospital para kay Yna. Bago 'yon ay bumili kami ng prutas para sakanya. Sa hindi malamang dahilan ng may makita akong teddy bear ay binili ko iyon para sakanya.

I hope she'll like it..




Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon