Chapter 4

172 13 16
                                    


YNA'S POV

"Sure ka anak kaya mo na?" Tanong sakin ni Mawiee.

Tumango naman ako sakanya. Nasa tapat ako ng gate at nakasakay na sa bike ko, napabuntong hininga na lamang siya at nakangiting tumango.

"Osya sige, hindi na kita mapipigilan basta mag iingat ka sa daan, ha? Ayokong umuwi ka ng may galos umalis ka sa bahay ng maayos ka at malinis, uuwi ka rin ng malinis at walang galos okay?" Sabi nito.

"Haha, opo mawiee. Sige na po, babye na." Nakangiti kong sabi dito bago humalik sa pisngi at sinimulang mag bike.

Si Pawiee kase ayon nabago ang schedule niya sa trabaho kaya hindi niya na ako magawang ihatid. Ayus lang naman sakin kase kaya ko naman na, tsaka mas nag e-enjoy akong mag bike papuntang school at pauwi kesa mag pamasahe kapa sayang ng pera pang bili kupa yun ng stick-o tsaka gummies eh.

Ilang metro palang ang layo ko sa bahay namin ng biglang may humarang na kotse sa harapan ko. Agad na kumunot ang noo ko at akmang sisigawan yung may ari ng kotse ng lumabas doon si Ice at nag lakad papalapit sakin.

Problema neto? Eh 'diba nga galit siya sakin kahapon

"Oh?" Tanong ko sakanya.

Nang makalapit na siya ay pilit niya akong pinapababa sa bike ko. Dahil malakas siya ay napilitan akong bumaba doon.

"Teka nga bakit ba?!" Inis na tanong ko dito.

Binitbit nito ang bike ko papunta sa backseat ng kotse niya kaya nataranta ako at pinigilan siya.

"Ice ano bang ginagawa mo?!"

Inis siyang tumigil at hinarap ako.

"Ihahatid nga kita, ayaw mo?" Nakataas kilay niyang tanong at saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nang matapos niya iyon ay hinila niya ako papunta sa drivers seat pero bago ako makapasok sa kotse ay may tumigil na isa pang kotse sa harap namin.

Lumabas doon si Lhester at kumunot ang noo sa nakikita.

"Why are you here?" Tanong ni Ice sakanya.

"I'm the one you should asked you. Why. Are. You. Here.? Didn't we talk about this yesterday? It's not your schedule, Ice." Inis na sabi ni Lhester.

Teka nag tatalo ba sila sa pag hatid sundo sakin?

Umiwas ng tingin si Ice. "S-sorry nakalimutan ko, namali lang ata pandinig ko"

"Malayo ang Lhester sa Ice. Or you just like Ms. Reyes that's why inuunahan mo ako?" Nakataas kilay na tanong ni Lhester sakanya.

Nakikita kong nagiging mainit ang nasa pagitan nilang dalawa kaya hanggang maaga pa ay pinigilan kuna iyon.

"Huy, tama na yan! Okay?" Pag aawat ko at hinarap si Lhester. "Since si Ice naman ang nauna dito, tapos nasa kotse niya na rin yung bike ko siya na muna mag hahatid sakin. Tapos sa schedule niya ikaw naman, pwede ba yun? Wag na kayo mag away ang lalaki niyo na, tsaka bakit ba? Kaya ko ang sarili ko!" Inis na sabi ko sakanila at pumasok sa kotse ni Ice.

Maya maya pa ay pumasok na rin siya at nag simula ng mag drive. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilan mag tanong.

"Bakit mo nga ba ako sinundo? Akala ko ba galit ka sakin kahapon, kwenelyuhan mo pa nga ako eh. Tapos ngayon ihahatid muko sa school? Hindi naman pala ikaw naka schedule eh" sabi ko sakanya at natawa.

Halatang nainis ito at umiwas ng tingin. Maya maya rin ay nag salita siya.

"Because I'll punished you." Sabi nito at nginisian ako. "Just wait 'till we reach the school, malalaman mo kung ano talaga kami sa school na 'yon at kung bakit kami kinatatakutan." Sabi nito at nag patuloy sa pag mamaneho.

Hindi nalang ako umimik at pinabayaan siya. Akala naman niya matatatakot ako sakanya. Hindi naman sila mukhang nakakatakot ah? Hinahatid pa nga ako oh, kaso nga lang kahapon mukhang napikon ko lang siya kaya nagawa niya 'yon.

Hindi ko alam na may mga ganito palang tao 'no? Pero buti nga't pinakawalan na nila si Isabella. Baka nag tatapang tapangan lang siya para hindi siya mapahiya, minsan ganun din naman ako pero deep inside mahina ako. Ayaw ko naman talaga ng away kaso hindi ko lang kayang makita na nahihirapan ang kapwa ko babae lalo na kagagawan 'yon ng isang lalaki, iba ang lakas ng lalaki sa babae. At tsaka wala silang respeto saming mga babae, paano nila nagagawang tratuhin ng ganoon si Isabella?

Pansin ko ngang maganda siya eh, makinis ang balat at sexy. Pero wala naman dun yung basehan para irespeto ang babae. Lahat ng babae deserve irespeto para irespeto din namin ang mga lalaki.

Hay ewan ko ba sa limang mag kakaibigan na 'to kung anong pumapasok sa isip nila't bakit nila 'to ginagawa.

Nang makarating kami sa eskwelahan ay nauna na akong bumaba kay Ice at kinuha ang bag ko, pinadala niya pa sakin yung bag niya ang kapal talaga ng mukha. At kita mo, yung bag niya nakuha na pala nila pinapahanap pa ako kahapon? Mga pisti talaga eh 'no.

"Uy, Yna!" Pag tawag sakin ni April sa 'di kalayuan. "Ayy halaa! Personal Maid ka na nga ng Five Campus Crush dito"

"Five little monkey kamo! Bwisit na 'yan kalalaking tao pinag bibitbit yung babae ng bag nila, kapal ng mukha" inis na sabi ko.

"Ay teh! Akech na niyan dadala dali, sayang naman maaamoy ko si fafa Ice" kinikilig na sabi ni Victor.

Napangiwi naman ako. "Yung yelo na 'yon? Gusto mong amoy amoyin, oh ayan ikaw na bumitbit" sabi ko sakanya at inihagis ang bag ni Ice papunta sakanya, agad naman iyong sinalo at inamoy amoy.

"Pero seryoso, Yna. Hindi madaling kalabanin ang limang 'yan. Kung hindi mupa nakikita at nararamdaman kung paano sila mag parusa pwes 'wag kanang pumatol at sumunod ka na lang. Ikaw lang din ang mahihirapan." Sabi ni April at uminom ng chuckie niya.

Maya maya pa pag daan namin papunta field ay nakasalubong namin si Zion at Harvey.

"Oh, Maid! Hey, keep my car key" sabi ni Zion at binigay sakin ang susi ng kotse niya.

"At bakit ako? Kotse ko ba 'to, ha?"

"Tss. 'Wag kanang mag reklamo." Aniya at nag lakad na papaalis kasama si Harvey.

Nag kibit balikat na lamang ako at inilagay iyon sa bulsa. Dumaan kami sa field habang nakatingin sa mga estudyanteng nag lalaro ng volleyball, soccer at iba pa.

"Hi Yna.." sabi ng isang pamilyar na boses at nabunggo ako sa balikat nito.

"Ay sorry!"

"Argh, such a clumsy bitch!" Inis na sabi ni Aica na siya palang tumawag sakin. Lumapit siya sakin at bumulong. "Tignan nalang natin kung after this magiging mabait pa sayo ang Five Campus Crush." Nakangising sabi nito at bigla akong tinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Opps! Hahaha" natatawang sabi ng kasama niya.

"Let's go, Rhianne. I don't want to see a trash here.." mataray na sabi nito. "Mister Janitor! Pakilinis naman po ng kalat dito!" Maarteng pag tawag nito sa isang janitress.

Nang dahil doon ay pinag tawanan ako ng mga estudyante sa field. Sila April at Victor naman ay hindi makapagsalita. Halatang hindi nila kayang patulan si Aica.

Ano bang problema nila sa mga sikat dito? Bakit ba takot na takot sila?!

Umalis na ang dalawa at iniwan kami. Agad naman akong tinulungan ni April sa pag tayo.
Hinawakan ko ang braso ko ng may makitang sugat doon. Hindi ko na lang pinansin at tinignan ang dalawang papaalis.

Mga maganda nga kung turingin pero mas mabaho pa sa isda ang ugali. Tss.




Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon