Chapter 27

121 10 0
                                    




ICE'S POV

"Are you sure that's Sofia?" Tanong ni Harvey sakin.

"Yes! Kitang kita ng dalawa kong mata, sobrang lakas ng pag kakadinig ko na plinano ni Sofia iyon lahat." Sabi ko sa mga ito at uminom ng tubig sobrang pag kauhaw dahil sa mainit ang panahon.

Nasa 3rd floor kami ng building na pinag tatambayan namin, kapag masyadong mainit hindi rin naman na kami pumupunta doon. Ano? Mag papainit? Tss, tapos mababawasan kapogian ko.

"So your saying, talagang hindi totoo na nakikipag kaibigan si Sofia sakanila?" Tanong naman ni Lhester.

"Exactly! Remember this past few days? Lagi siyang kasama nila Yna tapos hindi naman 'yan nakikihalubilo 'diba? Kahit sino atang sumubok walang nakakapilit kay Sofia, ngayon hindi ba kayo mag tataka kung bakit kasama na niya sila Yna?" Sabi ko sa mga ito na pilit kinukumbinsi na totoo ang sinasabi ko.

Kahit naman ako kung tatanungin hindi ako maniniwala dahil sadyang mabait 'yan si Sofia.

Pero, mabait nga ba?

Imposible naman na all these years na nag kikita- kita kami sa highschool, sa hallway or kahit saang store hindi naman namin nakitang parang may kakaiba sakanya. She's always alone, ni wala nga siyang kinakausap kaya napaka imposible talaga.

"I don't believe you.." umiiling na sabi ni Harvey.

"Of course you don't! Pero si Yna ang kawawa dito kapag hinayaan pa natin sila Trina na gumawa ng panibagong plano" inis na sabi ko sa mga ito.

"What if subaybayan muna natin sila? Pag masdan muna natin ang kilos nila bago tayo gumawa din ng plano upang malaman kung totoo nga ba na si Sofia may kagagawan ng lahat ng 'to" sabi ni Zion.

I love this man. Laging maasahan kapag sa ganitong sitwasyon, he won't judge but he listen. Pag bibigyan niya kahit hindi sigurado. Si Zion kahit maloko minsan pero siya rin ang pinapakinggan namin sa mga plano.

"Then kapag nalaman na natin... Anong gagawin?" Tanong ni Dave.

"We'll see.."






YNA'S POV

"Grabe teh ang init jusko!" Maarteng sabi ni Victor habang pumapaypay gamit ang panyo niya.

Si April naman ay kanina gustong itaas ang damit niya na akala mo'y lalaki ito mabuti nalang napigilan namin. Ang init naman kasi ngayon kahit ako ay pawis na pawis na at kanina pa nag pupunas ng pawis.

"Arrghhhh! Bili pa tayo ng malamig na tubig." Inis na sabi ni April bago tumayo at tumungo sa counter upang bumili ulit ng tubig.

Hindi niya iyon binili para inomin kundi ipang huhugas sa panyo niya saka ipupunas sa mga braso nito at binti upang maalis ang init ng katawan. Ginawa namin iyon kanina pero useless dahil ang init talaga minsan lang din humangin tapos ang konti pa.

"Guys, balik na tayo sa classroom ang init dito eh.." mahinang sabi ni Sofia na nahihirapan na sa pag punas sa katawan niya.

"Naku, mabuti pa! May aircon doon!" Sabi ni Victor.

Nag si-tango naman kami at nag lakad. Ngunit maging ang pag lakad namin ay binabagalan namin upang hindi makaramdam ng sobrang init. Bumalik si Victor sa loob upang bumili pa ng bottle.

Pag kaakyat namin ng hagdanan ay marami kaming naka salubong na mga estudyante na mukhang bagot na bagot at pinag papawisan rin sa sobrang init.

"Mga teh! Bakit ganyan itsura niyo air conditioned naman yung kwarto ah?" Tanong ni Victor sa tatlong babae.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon