YNA'S POV
Napapikit ako ng mariin sabay hawak sa ulo ko ng kumirot iyon at mahilo ako pag upo ko mula sa pag kakahiga.
Ano ba kasi yung pinag gagagawa ko kagabi? Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi at kung ano-ano na ang ginawa namin doon- omg! What if may ginawa silang masama sakin?!
Charot. Baka hinatid nila ako, pinipigilan pa nga nila ako uminom kagabi eh. Pero kahit na wala akong maalala eh, gan'to ba talaga kapag nakainom? Nakakalimutan yung ginagawa kapag lasing? Hay ewan..
Agad akong nag ayos ng sarili ko bago bumaba. Nakita ko si Mawiee at Pawiee na nag hahanda ng kumain. Bigla akong nag taka kung bakit hindi man lang nila ako ginising para mag almusal eh samantalang ganitong oras dapat nakabihis na ako.
"Maw? Paw?" Pag tawag ko sakanila.
Agad naman nila akong nilingon at nginitian.
"Oh, anak ang aga mo naman nagising?" Tanong ni Pawiee sakin at sinalubong ako ng yakap.
Naguguluhan ko naman silang tinignan. Hinalikan ako ni Mawiee sa pisngi saka pinaupo ako.
"Kamusta pakiramdam mo baby piwiee?" Tanong ni Mawiee.
"Uhh.. okay lang naman po, medyo nahihilo ako at masakit ng kaunti yung ulo ko.." sabi ko sa mga ito. "Bakit nga pala hindi niyo ako ginising?" Tanong ko sakanila.
"Pftt hahaha, may hang over kapa talaga ata anak. Wala kang pasok ngayon saturday kaya" natatawang sabi ni Mawiee na ikinagulat ko.
Napakamot ulo ako. "Oo nga pala hehe"
"Hahaha, makakalimutin na ang baby namin. Siguro masyado kang nag e-enjoy sa school niyo" masayang sabi naman ni Pawiee.
Ngumiti na lamang ako at nag simulang sumandok ng kanin. Kumuha ako ng tatlong hotdog at isang itlog, oo ganito ako kalakas kumain.
"Uhm.." tumigil ako saglit at tinignan sila. "H-hindi po ba kayo galit?" Takang tanong ko dito.
"Bakit naman kami magagalit baby piwiee?" Tanong naman ni Mawiee.
"Eh.. kasi po umuwi ako kahapon gabing gabi na.. tapos lasing pa ako" napayuko ako pero narinig kong tumawa si Mawiee kaya napaangat ako ng tingin.
"No.. Kwenento saamin ni Zion ang lahat na nag lalaro lang kayo. Uminom ka daw para kumuha ng lakas ng loob para sabihin sakanila ang problems mo, naiintindihan namin 'yon baby.. Alam namin kung gaano kasakit ang ma- bully. Besides, alam ko naman na hindi na mauulit iyon hindi ba?" Nakangiting tanong ni Mawiee sakin kaya tumango ako.
"T-teka.. si Zion? Hinatid ba niya ako dito?"
"Yes, baby. Naku, ang bait bait ng mga batang 'yon. Alam mo ba sabi ni Zion siya lang ang hindi uminom kahapon kase inaalala ka niya na ihahatid ka niya pauwi dito, ang swerte mo at nakahanap ka ng ganyang klase ng mga kaibigan anak.. masayang masaya kami para sayo" nakangiting sabi ni Mawiee.
"Oo baby, kaya lagi kang mag papakabait ah? See, yung sinabi ko dati sayo na kahit ano pa man ang ginagawa ng iba sayo huwag mo rin gawin sakanila kase may tao rin na darating na para sayo, na magiging kaibigan mo.." sabi naman ni Pawiee.
Napangiti ako. They always know how to comfort me. And I'm very lucky to have them both into my life.
"Opo, Mawiee, Pawiee."
Pag katapos ko kumain ng almusal ay nag paalam ako kay Mawiee na aalis muna saglit. Dinala ko yung bike ko at nag bike sa village namin. Simula ng pag lipat namin ay hindi kupa masyadong kabisado dito at malay mo may iba pa akong makilala na pwede kong maging kaibigan.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...