YNA'S POV
Nag lalakad ako sa hallway ng sinalubong ako nila April at Victor na may ngiti sa labi. Napangiti rin ako saka tumakbo papalapit sakanila at niyakap ang mga ito.
"Hello! Hahaha, Good morning" masayang bati ko.
"Ay good mood na good mood day, ha? Anong meron, jusko dalawang araw lang tayo 'di nag kita Yna, ah.." maarteng sabi ni Victor kaya natawa ako.
"Wala, nag sawa lang ako sa mukha ng lima at namiss ko kayo" sabi ko rito na ikinagulat ni Victor.
"Omg teh! Nag kikita pa rin kayo tuwing Saturday and Sunday?!" Kinikilig na tanong nito.
"Ahm.. oo? Dinala kase nila ako sa mansyon nilang lima kuno—"
"WAAAAAHHHH! OMG!" sigaw nilang dalawa dahilan upang maagaw ang atensyon ng ibang estudyante.
"Shh! Ano ba kayo!" Sita ko sa dalawa pero binigyan nila ako ng mapang asar na ngiti.
"Yna.. haba naman ng hair niyan, ayieeeehhh" pang aasar ni April.
"Teh! Anong gayuma ang meron ka, anong ganda ang meron ka, ha?! Bakit parang sayo lang bumabait yung lima, ano ba teh!" Kinikilig na sabi ni Victor kaya napakamot ulo na lamang ako.
"Nako, tumigil nga kayong dalawa! Tara na nga, may pasok pa tayo" sabi ko sakanila.
"Hmp, iniiba mo lang yung topic eh!" birong muli ni April.
"Hay nako! Bahala kayo diyan" birong sabi ko sakanila at naunang nag lakad.
Pero habang sumasabay sakin ay hindi pa rin sila tumitigil sa pang aasar sakin. Nang makapasok na kami ng classroom ay isang malakas na sampal ang sumalubong sakin na ikinasinghap nila Victor at April.
"Trina!" Gulat na sigaw ni April.
Hindi ako gumalaw habang humahangos na nakikiramdam sa paligid ko. Dahan- dahan kong nilingon ang babaeng sumampal sakin na halatang galing ibang section dahil hindi naman siya kaklase ko.
"Ang kapal naman ng mukha mong agawin si Harvey sakin?! Akala mo hindi kakalat sa school na nag halikan kayo sa mall?!" Galit na galit ito sakin.
"Trina, hindi ko naman hinalikan si Harvey eh.." sabi ko sakanya at inayos ang buhok ko na nagulo dahil sa pag sampal nito.
"So what do you call by this?!" Tanong nito saka iniharap sakin ang cellphone niya.
Sa video na nakikita namin ay yun 'yong hinahalikan ako ni Harvey. Nagulat sila April at Victor na nasa likod ko dahil sa nalaman at nakita.
"Omg teh! Nag kiss kayo?!" Gulat na tanong ni Victor.
"Yes! They kissed! At sa harap pa talaga ng maraming tao?! How dare you to stole my Harvey!" Galit talaga siya at handang makipag away dahil sa nalaman.
"Trina sa tingin ko ay hindi nila sinasadya sabi daw aksidente ang nangyari.." singit ni Sofia na hindi ko inaasahang kakampi siya sakin.
Inis siyang nilingon ni Trina. "Shut the fvck up! I know you also like my Harvey!" Galit na sigaw nito saka muling bumaling sakin ngunit akmang mag sasalita siya ulit ay naramdaman kong may umakbay sakin.
Nilingon ko iyon at nakita ko si Harvey kasama ang apat.
"H-harvey? Honey.. inaaway niya ako, kinaladkad ako ni Yna papunta dito kasama 'yang mga kaibigan niya!" Um-acting na umiiyak yung Trina at lumapit kay Harvey. Inalis niya ang kamay ni Harvey sakin at yumakap dito.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...