A/N: Nangangamoy Ending naaaa!!!!
YNA'S POV
Nag lalakad ako sa tabing dagat habang pinag mamasdan ang magandang sunset. Bawat hampas ng alon at dampi ng hangin sa mga balat ko ay napapangiti ako at nakaka relax.
This is what i need!
Mag te-three days na ako dito sa Batangas at namimiss kuna sila Mawiee at Pawiee, sila April at Victor at.. syempre.. yung lima rin. Kahit papano ay lagi ko pa rin silang naaalala. Haystt.. kailangan ko lang muna ng pahinga ngayon.
"Yna!" Narinig kong sigaw ni Tita Marie ang panganay na kapatid ni Pawiee. "Tara na, malapit ng mag gabi!" Sigaw nito kaya napangiti ako.
"Opo, papunta na diyan!" Sigaw ko pabalik saka nag lakad patungo doon.
"Hay nako, hindi ka ba nag sasawa kakatitig diyan sa dagat ah? Hahaha ikaw talagang bata ka mag pahinga kana doon sa taas" natutuwang sabi ni sakin kaya naman ay nakangiti akong tumango.
Pag tungo ko naman sa kwarto ay naabutan ko si Tita Rosalinda. Nag tutupi ito ng mga damit sa kabilang kama kaya naman humiga ako sa kama ko at hinarap siya saka nag tanong.
"Tita.. pano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?" Takang tanong ko na ikinatigil niya.
Pilyo itong ngumiti sakin na ikinanguso ko naman. "Bakit? Sino ba ang nagugustuhan mo, ha? Ikaw ahh.." pang aasar nito sakin.
"Wala 'no! Kaya nga tinatanong kita incase baka hindi ko alam na gusto kuna pala yung taong 'yon.." nakangusong sabi ko dito.
"Hayy, ikaw talagang bata ka. Wala kang kaalam alam sa mundo. Ikaw lang makakasagot niyan sa sarili mo, kung sino ang tinitibok ng puso mo. Kung kumportable ka sakanya, kung iba ang saya kapag kasama mo siya, kapag kinikilig ka sakanya, gusto mo ang mga bagay na meron sakanya, maging mga simpleng pag galaw niya napapangiti ka at tingin mo nakakamangha ang bagay na 'yon para sayo. Alam mo kasi, ganon ako mainlove eh." Nakangiting sabi nito habang yakap- yakap ang unan at nag iimagine.
"Pero.. bakit wala pa kayong boyfriend?—"
"Heh! Basta ganon ang magaganda.. syempre nahihirapan ako pumili ng kasintahan ko 'no!" Mataray na sabi nito na ikinatawa ko.
"Pero tita.. paano mo nga malalaman kung marami pala sila?" Tanong kong muli na ikinatigil niya at kinamangha.
"Aba.. aba marami palang taga hanga ang aking pamangkin ah? Nako pamangkin, mga gwapo ba?!" Kinikilig na tanong nito.
Ako naman ay tumango na lamang at saka natawa ng tumili siya sa sobrang kilig.
"Aba'y malaki nga ang problema ng aking pamangkin. Kagwapa mo ba naman oy, sinong hindi mag kakagusto saiyo" natutuwang sabi nito. "Pero gaya ng sinabi ko saiyo kanina eh.. ikaw lamang ang makakasagot niyan. Kung sino sakanila ang iyong napupusuan, juskong bata 'to. Akala ko naman kung ano ng problema mo, aba talaga nag pakalayo kapa sa maynila para mag isip?" Natatawang tanong niya na ikinakamot ulo ko na lamang.
"Baka naman masyado mong pine- pressure ang bata oy" singit ni Tita Marie na nakangiti sakin habang nakatayo ito sa pintuan. "Yna, ang pag mamahal ay hindi lamang base sa itsura, sa mga pinapakita niya sayo at hindi lamang porket mabait siya sayo ay siya na ang pipiliin mo. Mahirap ipaintindi ang nararamdaman kapag ikaw ay nag mamahal. Gaya ng sinabi ng Tita Rosalinda mo ikaw lang makakaalam ng bagay na iyan." Nakangiting sabi nito sakin saka nag lakad papalapit at naupo sa tabi ko. "Pamangkin.. pakinggan mo ito.." sabay turo sa puso ko. "Hindi mo lamang basta pakikinggan iyan kundi gamitin mo rin ito.." aniya sabay turo naman sa ulo ko, patukoy sa isip. "Maiintindihan mo rin iyan." Nakangiting sabi niya saka hinaplos ang buhok ko.
Tumango na lamang ako saka ngumiti sakanilang dalawa.
"Salamat po, Tita" sabi ko sa mga ito.
"Osya, diyan muna kayo dahil mag luluto na ako" nakangiting paalam ni Tita Marie kaya tumango naman kami ni Tita Rosalinda.
ICE'S POV
"Yes! Finally!" Sigaw ko sa sobrang tuwa ng matrace ko ang location ni Yna. "Teka.. nasa Batangas siya?" Takang tanong ko pero bago iyon ay napakibit balikat na lamang ako at dali-daling tinawagan si Dave.
Ilang sandali lang nag ring ang phone niya bago sagutin ang tawag ko.
[Yup?] Aniya sa kabilang linya.
"I.. finally found her!" Natutuwang sabi ko rito.
[Really?! Oh, Thank God. Where is she?!]
"I'll send her location."
[Alright, thanks bud!]
"No problem.." nakangiting sabi ko rito bago in- end ang call.
Tinignan ko ang larawan ni Yna sa cellphone ko. Ito yung time na kinuhaan ko siya ng stollen shots habang nakangiti siya. Napangiti ako.
"Hindi ako papayag na basta ka nalang mawala.. hindi pa ako nakakapag tapat sayo tapos lalayo kana" wala sa sariling sabi ko habang nakatitig sa pictures niya.
LHESTER'S POV
Biglang nag ring ang phone ko at ng makita ko kung sino ang caller ay si Dave iyon.
"What do you need?" Agad na pag sagot ko sa tawag niya.
[I need to talk to you]
"We're already talking" I smirked.
[Oh, c'mon! Stop being childish again Lhester! We need to talk now! Nandito ako sa labas ng bahay niyo, ngayon kung hindi ka lalabas kakalabugin ko ang pinto niyo at wala akong pakialam sa step- mom mong bida-bida kung magalit ito.] Sigaw nito sa kabilang linya habang ako ay nakatanaw sakanya ngayon mula dito sa bintana.
"Pftt. I'm coming." Natatawang sabi ko sakanya sabay patay ng cellphone.
Childish my a$s. Siya itong parang bata sa harap ng bahay namin na nag hihintay ng kalaro.
Nang makalabas na ako ng gate ay bumungad sakin ang seryosong mukha ni Dave. Tinaasan ko siya ng kilay saka akmang tutunggain ang alak na hawak ko ay pinigilan niya ako.
"Do you think this will solved everything? Yna is missing and here you are drinking some sh*ts and doing nothing!" Galit na sigaw niya sakin kaya naman natigilan ako at napatingin sa kamay ko na may hawak na bote ng alak. "Don't ruin yourself again because of a girl. If you do love her, find her! Do something! Don't let her lose you, you punk!"
Natawa na lamang ako sa sinabi niya sakin ngunit tama siya. Wala nga akong ginawa kundi ang mag kulong sa kwarto ko at uminom. Wala akong kwenta para kay Yna.. Wala akong kwenta para piliin niya.
"Tara na. Pupunta tayong mansyon at! Gusto kong mag kasundo tayong lahat! Okay?! No fights! Or else I'll kick all of you" aniya saka iniwan ako at sumakay na ng kotse niya.
Napairap na lamang ako. "Fine." I already know that we're having a meeting about this issue.
Natawa na lamang ako sa sarili ko. Ako itong dapat positive lamang ang pag iisip at nag pa-plano. Gumagawa ng paraan pero hindi eh pag dating sa babae doon ako mahina, babae talaga.
Yna really drives me crazy..
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...