Chapter 31

132 10 0
                                    



LHESTER'S POV

I know it's stupid. Pero wala akong nakikitang ibang paraan kundi iwasan si Yna.. sa ngayon.
Kinakabahan talaga ako sa nararamdaman kong ito.. it's just like how I felt to be in love.

Arghh! Sinabi ng hindi ko gusto si Yna eh!

Naupo na lamang ako sa bench katabi ni Dave habang iniisip pa rin ang mga pwede kong gawin para pigilan iyon.

"Dave.." pag tawag ko rito.

"Hmm?"  Busy ito sa pag lalaro ng online games kaya naman siguro hindi niya masyadong mahahalata ang itatanong ko.

Tumikhim muna ako bago nag salita. "P-paano ba.. p-paano umiwas sa taong nagugustuhan muna?— ay mali, paano mo malalaman kung gusto mo siya?—u-uh, I mean.. aishh!" Bakit ba naba-blanko ang utak ko ngayon.

Natigilan si Dave matapos marinig iyon. Pinatay niya ang cellphone niya at puno ng pag tataka ang mukha na hinarap ako.

"Aray naman!" Inis na singhal ko ng bigla niya akong binatukan.

"Nababaliw kana ba ha, Lhester? Anong pinagsa- sasabi mo?!" Inis na tanong niya sakin na ikinainis ko rin.

"Masakit 'yon ah?! Tss. Nag tatanong yung tao babatukan mo?! Masama bang mag tanong ha?!" Inis na singhal ko at iniripan lamang ako nito.

"Psh. Ano yung tanong mo? Paano ka makakaiwas sa taong nagugustuhan muna?! Bakit? Sino ba ang nagugustuhan mo, ha?" Tanong nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Sabagay may kakaiba sayo these past fee days..—psh! Basta kung iiwasan mo siya, iwasan mo ang mga lugar na gusto niyang puntahan o pinupuntahan niya, 'wag mo siyang masyadong kausapin kung pwede umalis kana bago ka niya makausap!"

"Teka nga bakit ka ba naninigaw?!" Inis na tanong ko rito.

Pinukol niya ako ng masamang tingin. "Mark Lhester Fuentabella, inistorbo mo lang naman ako sa pag lalaro ko dahil diyan sa tanong mo kaya makinig ka!" Singhal nito kaya hindi nalang ako umimik. "At isa pa, kung sino man 'to sabihin muna! Dahil alam kong hindi mo rin naman 'yan mapipigilan. Kilala kita okay? Pag gusto mo yung babae didiskarte ka, aangkinin mo agad kahit 'di kapa pinapayagang manligaw. Ganon ka okay?! Kaya akong pinag sasabi mo diyan na gusto mo pigilan nararamdaman mo? Ul*l!" Sigaw niya at tumayo na bago umalis..

Hindi ko siya makapaniwalang tinignan habang nag lalakad ito pabalik ng building namin dahil malapit na mag start ang class. Napabuntong hininga na lamang ako at napatawa sa sarili kong kalokohan.

Tama si Dave.. kapag may gusto ako inaangkin ko agad. Ngunit ngayon bakit parang ayaw ko?

Maganda si Yna, sexy naman siya, makinis ang balat niya hindi lang halata pero pasok na pasok siya sa standards ko. Kung mag aayus lang siya ay mas lalo siyang gaganda.

Pero sabagay.. pansin kong kahit simple lang si Yna, walang halong make up.. mas maganda siya sa mga babae dito sa campus.

Aisshh! Ano ba Lhester?!





YNA'S POV

Pinupukpok ko ang ballpen sa ulo ko habang nag babasa ng mga notes ko. Tutal wala pa naman yung teacher ay mag re- review ako. Malay mo may surprise quiz kami ngayon, tulad nung isang araw hindi man lang ako nakapag handa.
Mag babasa sana ako ulit ng pumasok na ang teacher namin sa room.

"Students, walang lesson for today. May meeting kami ng mga teachers, and I'm expecting na magiging responsable kayo hindi na kayo mga bata para pag sabihan. Behave okay?" Sabi nito na ikinatango namin.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon