YNA'S POV
"Jusko naman kase! Ano ba kasing pinag gagagawa mo?!" Inis na tanong ko kay Victor habang puno ng pag aalala.
"Kasalanan kuna teh?! Eh, hinarang ako ng mga bubwit na 'yon sa daan tapos ayon tuloy huhuness!"
"Bakit kase ba-bakla bakla ka eh alam mo namang maraming siraulo ngayon" sabi naman ni April pero nginusuan na lamang siya ni Victor.
"Cute kase ng chupapi na kasama nila teh! Akala ko nag ba-badboy thingy lang siya, kalerki totoo palang badboy talaga yun huhu. Malay ko ba kung mala- wattpad pala galawan 'non, galawang tipaklong pala ang loko !" Maarteng sabi ni Victor.
Agad naman siyang pinitik sa noo ni April sa kajeje-han niya about sa lalaking 'yan.
"Yan napapala mo! Minsan naman ikalma mo 'yang p*day mo! J*njun ang meron ka, okay?!"
"Iw! Kadiri ka teh!" Maarteng reklamo nito kay April, natampal na lamang niya ang noo.
"Alam mo ba yung ginawa mo, ha?! Hindi ka pumasok dahil nabugbog ka ng mga lalaking siga na 'yon! Babakla- bakla ka diyan nakakainis ka! Paano kapag natuluyan kana, ha?! Sino ba kaseng may sabi na dumaan ka sa eskinita na 'yon?!" Galit na tanong ni April habang hindi niya na namalayan na tumulo na ang mga luha niya. "Nakakainis ka.." aniya saka pinunasan ang sariling luha.
"Hala siya.. kalma teh 'di pa ako mamamatay!" Sabi ni Victor sabay irap kay April.
Narinig naman naming bumakas ang pinto at pumasok ang doktor. Ngumiti siya saamin at saka nag paliwanag ng kalagayan ni Victor.
"Pwede na siyang ma- discharged. Pero 'wag masyadong malikot at kung maaari ay mag pahinga nalang muna." Nakangiting sabi ng doktor kaya nakahinga naman kaming maluwag.
"Ah, sige salamat po" nakangiting sabi ko rito.
Nang umalis na ang doktor ay pumasok si Lhester dala- dala nito si Chester. Oo nga pala nakalimutan namin ni Dave na dalhin rin ito, kung sabagay nilagay ko naman siya sa kulungan niya kaya ayos lang siya doon sa back seat.
"Why did you left him in the car?" Tanong nito sakin kaya napakamot ulo na lamang ako at saka ngumiti.
"Eh, hehe. Nag mamadali kami eh tsaka nilagay ko naman siya sa kulungan niya 'diba." Sabi ko rito.
"Ay wow! Naks naman, ang ganda ng pusa mo teh! Pangarap ko rin mabigyan ng mingming ng isang chupapi ehe!" Kinikilig na sabi ni Victor.
Napangiwi na lamang ako. May sugat man o wala, maospital man o hindi lalaki pa rin iniisip niya. Hindi niya ba alam na mas attractive siya sa limang 'to? Kung matuto lang siyang mag ayos at hindi bakla nako mas lamang siya sa lima.
"Tara na, Yna. Baka hinahanap kana sainyo.." sabi ni Lhester sakin kaya naman tumingin ako kila April at Victor.
"Kailangan kuna umalis ah?"
"Oo na sige na!" Sabi ni Victor at iningusan ako pero alam kong biro lang ang tampo niya. "Ingat ka, ah?"
"Oo naman" nakangiting sabi ko sakanila.
"Ano hindi kapa aalis?!" Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Dave na salubong ang kilay.
"B-bakit ka ba nag mamadali, ha?!"
Umirap ito sakin na bahagyang ikinataas ng kilay ko. "Ang bagal mo kasi may pupuntahan pa ako, ih" inis na sabi niya.
Iniripan ko rin siya at sumunod na lamang. Ibinigay na sakin ni Lhester si Chester at ipinag paalam ko na ito sakanya na uuwi na kami. Muntikan ko pang mahulog ito dahil sa bigat niya.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...