LHESTER'S POV
Kung totoo man ang sinasabi ni Ice ay paniguradong ang bigat ng punishment na maibibigay namin kay Sofia. But before that we need to figured out if it was real, hindi naman sa wala kaming tiwala kay Ice pero malay niyo lang naman 'diba mag kamali.
Mahirap kasing paniwalaan. Si Sofia? Gagawa ng ganong bagay? I don't think so. Lokohin muna ang lasing 'wag lang ako dahil mabait si Sofia I swear.
Sa gitna ng pag lalakad ko sa hallway ay nanlaki ang mata ko ng makitang may paang nakahiga na hinihila papasok patungo sa isang pasilyo which means patungo sa taas. Malayo ako doon pero kitang- kita ko.
Nag loading ang utak ko at hindi makapaniwala sa nakita ko. Buti nalang ay naisipan ko ng humakbang patungo doon upang tignan kung ano iyon. Tumakbo na ako pero pag tapat ko sa hagdan ay paakyat na sa pang tatlong palapag ang taong iyon.
Agad akong tumakbo pataas at ng makarating akong third floor ay walang katao-tao sa hallway. Inisa- isa ko ang mga room ngunit wala akong nakitang kakaiba kaya naisipan kong umakyat patungo sa roof top pero bago ako makarating doon ay may tumawag sakin sa baba na teacher.
"Mr. Fuentabella what is going on? Why in a hurry?" Tanong nito sakin kaya hinihingal akong humarap dito.
"May hinahanap lang po ako sa taas.." sagot ko sakanya.
Bahagya siyang tumingin sa pintong nakasara saka umiling.
"You know there's no one allowed to go there kapag may klase pa" mataray na aniya. "Go back to your room mag s-start na ang next subject."
Tumango na lamang ako at bumaba na ng hagdan. Pero bago niyon ay pinag masdan ko ang hallway kaliwa't kanan.
Paniguradong nandito lang 'yon..
APRIL'S POV
Pabalik na kami ni Victor sa puno na pinag tatambayan namin kanina. Nang makarating kami doon ay nag taka kami pareho ng wala na ang dalawa sa kinauupuan nila.
"Ay sure ako teh bumalik na 'yon sa room! Sabi ko naman sayo malapit na mag start ulit ang class kaya dumeretso na tayo doon!" Mataray na sabi ni Victor.
Tumango na lamang ako saka tumungo sa building. Maingat lamang ang aming pag lakad dahil kapag nag madali kami pag papawisan lamang kami ng todo. Paniguradong bumalik na nga yung dalawa dahil mainit nga naman doon.
Nang makarating kami sa room ay saktong nandoon na ang teacher namin. Nakapag tataka dahil wala pa 'yong dalawa sa pwesto nila. Nag katinginan kaming dalawa ni Victor at agad na nag react. Akmang tatayo ako upang hanapin sila ng mag salita ang teacher namin.
"Ms. De Vera, may problema ba?" Tanong nito habang naka taas ang kilay.
Patay, si Mrs. Agustin pa..
"Y-yong dalawa po kasi naming classmate wala pa po, kasama lang namin sila kanina.. b-baka po kase nasa baba pa.."
Mas lalong tumaas ang kilay niya at bahagyang humakbang paatras patungo sa board saka sakin umiling.
"Mag sa-start na ang klase. As a student dapat alam niyo ang responsibilities niyo, pumasok kayo sa tamang oras. Ms. De Vera hindi na natin problema kung hindi na sila umabot sa subject ko kung saan man sila nag punta kasalanan nila 'yan. Take down to your seats and I will now start my discussion.." mataray na sabi nito saka tumalikod upang mag simulang mag sulat sa board ng topic namin.
Napaupo na lamang ako at bumuntong hininga. Habang nag kaklase ay hindi maalis sa isip ko ang dalawa dahil matatapos na ang class ni Mrs. Agustin ngunit wala pa rin sila. Wala akong maisip na ibang dahilan kung saan sila nag punta at kung bakit sila nawala.
Natapos nga ang klase hindi pa rin bumabalik ang dalawa. Hapon na at mag sisi-uwian na pero wala pa rin sila Sofia at Yna. Nag aalala na kaming masyado ni Victor at naisipan mag libot sa school.
"Nako, saan naman kaya pupunta ang dalawang 'yon? Tsk." Naiinis na sabi ko.
"Hala baka nag cutting class sila teh!" Sabi ni Victor kaya hinampas ko ito sa braso.
"Bakit, tingin mo ba gawain nila Yna at Sofia 'yon ah?" Inis na sabi ko rito at pinamewangan niya pa ako.
"Wala 'yan sa itsura at bait na pinapakita nila teh, malay mo nag kasundo sila o 'diba nag shopping- shopping sa mall" mataray na sabi nito at umirap pa sakin.
Napailing iling na lamang ako at dumeretso sa pag lalakad. Napansin ko ang grupo ng mga estudyanteng nag u-usap- usap. Wala sa sariling lumapit ako doon ng kaunti at pinakinggan kung ano man ang pinag uusapan nila.
"Hala, talaga? May bigla na namang nawawalanh student dito?! Grabe naman 'yon!" Gulat na sabi ng isa.
"Oo at ang sabi pa, walang pinipiling oras itong salarin na 'to! At mostly mga babae ang kinukuha!" Sabi ng babaeng nag ke-kwento.
Bigla akong kinabahan ng todo at nag katinginan kami ni Victor na halatang sumeryoso na rin siya.
"T-teh.. paano kung totoo yung mga sinasabi nila? P-paano kung nakuha sila Sofia at Yna?!" Naiiyak na tanong ni Victor habang palakad lakad sa harap ko.
"S-shh! Huwag ka nga mag panic.. mag hanap lang tayo, baka nandiyan lang sila.." sita ko rito kahit kinakabahan pa rin at ganoon din ang naiisip.
"Sinong hindi mag pa-panic sa narinig ko teh?! Teh may nangunguha daw sa mga estudyante teh! Baka nakuha na sila Yna at Sofia! Sinong hindi mag papanic doon?!" Singhal ni Victor pero ng sinamaan ko siya ng tingin ay agad din siyang nanahimik.
"Ayaw ko ng maingay 'diba?" Matalim na titig ang binigaynko rito.
Napalunok siya at tumango.
"Oo na, 'eto na oh tatahimik na nga eh.." aniya at naunang mag lakad. Napailing iling na lamang ako at sumunod sakanya.
Nag lakad kami pabalik. Dumaan kami ng ilang hallway at panay tingin sa paligid kung may Sofia ba o Yna pero wala pa kami ni isang nakikita.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Pag lingon ko ay si Lhester iyon.
"Bakit?" Agad na tanong ko rito.
"Si Yna nakita mo?" Tanong nito sakin na ikinabahala ko.
Kapag kasi sinabi kong nawawala si Yna kanina pa baka mag panicked din sila. Kilala ko si Lhester sa pagiging maingat rin sa personal maid nila, ayaw nitong may ibang humahawak sa maid nila o nananakit man lang dito.
"A-ah.. a-ano.. ano kase eh" nag aalangan talaga ako.
"April, may iu-utos ako sakanya. Ano? Nakita mo ba? Kasama niyo siya kanina lang na lunch 'diba?" Inis na tanong niya sakin kaya natakot ako.
"Eh kase naman fafa Lhes! Si Yna at Sofia ay biglang nawala kanina! Iniwan lang namin yung dalawa doon sa ilalim ng malaking puno sa field tapos biglang nawala silang dalawa! Hanggang ngayon hinahanap namin dahil paniguradong hindi naman sila nag cutting class, jusko nakakalerki yung dalawang 'yon!" Dere- deretsong sabi ni Victor kaya kinabahan ako.
Hinintay ko ang reaksyon ni Lhester pag katapos marinig iyon. Akala ko hindi na siya mag aalala at wala lang yung narinig pero napaigtad kami ni Victor ng ibinagsak niya ang bag niya sa sahig.
Tinuro niya si Victor. "Keep it. Hahanapin ko si Yna." Utos nito kay Victor na agad namang sinunod nitong bakla.
Nakakatakot talaga magalit ang isang Mark Lhester Fuentabella pero... Parang sobrang galit naman ata? May kakaiba sa inis niya, ah? O baka nag aalala siya para kay Yna? Omg baka nag sisimula ng maging okay sa pagitan nilang lima kay Yna.
I really hope maging okay na silang anim. Maganda kasi minsan tignan na nag kakasundo rin sila.. at lalo na ng nalaman kong binubully si Yna noon sa dati niyang school.
Kaya naman gusto kong iparamdam sakanya na nandito lang kami para sakanya at hindi siya iiwan...
Kung nasaan man silang dalawa ngayon ni Sofia sana ayus lang sila.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...