Chapter 8

157 14 16
                                    


YNA'S POV

Dahan- dahan akong tumayo at kinuha ang bag ko saka humalik kay Mawiee upang mag paalam na umalis na.

"Baby Piwiee.. sure ka bang kaya mo? You look so pale, huwag ka nalang kaya pumasok? Ano ba kasing nangyari kahapon alam mo namang takot na takot ka sa dilim kaya nga habang maaga pa ay pinapauwi na kita eh" nag aalalang sabi nito sakin.

"I'm okay, Maw. Sinabi ko naman po sayo— *cough. N-na kaya ko, tsaka nag ka yayaan lang ng friends na mag usap- usap kaya nagabihan ako.." sabi ko sakanya at muling naubo.

"Tsk. Baby, you're sure huh? Take care of yourself, umuwi ka kapag hindi mo kaya" sabi nito at hinalikan ako sa noo.

"Opo.." sabi ko sakanya at lumabas ng bahay.

Pag kalabas ko naman ng gate ay nakita ko ang kotse ni Dave. Siya siguro ang mag hahatid sundo sakin ngayon. Sumakay ako sa likuran para hindi ko siya mahawaan at baka magalit ito bigla pag umubo ako sa tabi niya.

"Ba't diyan ka?" Tanong niya sakin.

"H-ha? *Cough. May ubo at sipon ako eh, baka mahawaan kita— *hatsing!" 

"Yeah great, diyan ka nalang." Cold na sabi nito at nag simulang mag drive.

"Pabor lang ako ngayong ihatid sundo dahil may sinat ako, pero kaya ko ang sarili ko" sabi ko sakanya.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, kami na nga ang nag offer sayo na gawin 'to tumatanggi ka pa. And by the way, pag dating natin doon try to approach Zion. He's mad at you so try to calm him down about what happened." Sabi nito kaya napanguso na lamang ako.

Hindi na ako sumagot at pumikit habang yakap ang bag ko dahil nahihilo ako sa tuwing umaandar at hihinto ang kotse dahil sa traffic.

Narinig kong tumikhim muna si Dave bago mag salita. "Are you sure you're okay? Kapag mataas ang lagnat mo huwag kanang pumasok."

"Concerned ka ba?" Taas kilay kong tanong sakanya.

Hindi ito sumagot.. "I-im not of course. Napaka assuming mo naman pala, tss. Tinatanong ko lang dahil baka mamaya utos- utusan ka namin bigla ka nalang mahimatay, sagot pa namin pag papagamot sayo." Masungit na sabi nito pero tinawanan ko siya.

Bakit kaya may mga taong mahilig mag panggap na walang pakialam kahit ang totoo ay meron naman. Kung tutuosin, mabait naman sila ah. Mabait sila, pero hindi ko alam kung bakit nagiging  mga masungit nalang bigla at mayayabang.

Well, hindi ko naman alam kung anong dahilan kaya hindi nalang ako iimik pero ngayon sigurado na ako na ang limang ito ay mabait. For me. Maybe there's some reasons kung bakit nila nagagawa iyon pero kagabi ewan ko kung anong pumasok sa kokote ko at sinabi ko sa sarili kong ipaparamdam ko sakanila na hindi sa lahat ng oras pwede maging bossy, suplado, at badboy.

Gaya na rin ng ginawa ko sakanila kahapon. Pinag bitbit ko sila ng mga sako, sinunod naman nila ako hindi ba. So it means may chance pa na mag bago sila sa ugali nila. Siguro for now magiging mabait nalang muna ako sakanila, susundin ang mga gusto nila, kukunin ang loob kumbaga. Gusto ko rin sila maging kaibigan kung may chance, kase mukhang masaya naman silang kasama.

Nang makarating na kami sa eskwelahan ay pag labas ko ng kotse pinuntahan agad ako ni Dave at hinawakan sa braso.

"Bakit?"

"Anong bakit? Obvious naman na nahihilo ka, bakit ba ang tigas ng ulo mo." Inis na sabi nito.

"Okay po.." sabi ko sakanya, nagiging mabait.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon