Chapter 63

95 7 0
                                    

A/N: Follow niyoko tiktok hihi, miss_kitty113

Edi don't, HAHAHA charot



YNA'S POV

Nakanganga ako habang nakatitig sa helicopter na nasa harap ko. Nandito kami sa roof top ng isang building. Dinala ako dito ni Lhester, sinabi niyang ang pinsan niya ang mag hahatid saamin sa Pampanga.

Hinawakan ni Lhester ang kamay ko saka taka akong tinignan. "Why?"

Bago pa man ako makasagot ay inalis ko na ang kamay niya sakin saka tumakbo sa isang tabi ng biglang bumaliktad ang sikmura ko saka nag susu-suka.

Ano ba 'yan.. hindi pa nga ako nakakasakay nine- nerbyos na ako.

"Ayos lang ba si Yna, insan? Baka hindi pa siya nakakasakay dito.." narinig kong sabi ni Michael na siyang pinsan ni Lhester.

Nanginginig akong nag punas ng bibig ko saka lumapit sakanila. Puno ng pag aalala ang mukha ni Lhester saka hinapit ako sa bewang.

"Are you okay?"

"Y-yeah.. t-tara na" naiilang na sabi ko rito.

Tingin ko naman ay kaya ko na dahil nakasuka na ako. Kadalasan ganoon talaga ako, mag susuka muna bago makasakay. Sana lang ay hindi ako mahilo at manerbyos pag sakay ko. Jusko, nakakatakot sa taas baka biglang mag plane crashed. Kung ano-ano ang naiisip ko.

"Sure ka ba, Yna?" Tanong ni Michael kaya tumango ako.

Kahit nag aalangan sila ay pumayag na rin. Inalalayan ako ni Lhester at pag upo palang naming dalawa ay agad na akong yumakap dito kahit hindi pa nakapag seat belt. Narinig kong tumawa si Michael dahil sa ginawa ko.

"Matakot ka lang Yna dahil gustong-gusto niyan na niyayakap mo siya" natatawang pang aasar ni Michael.

"Mag seatbelt ka muna.." mahinang sabi ni Lhester.

Siya na ang nag ayos niyon dahil akupado ang utak ko sa helicopter. Sakto ng tapos na namin ayusin ang sarili ay nag start na ang helicopter kaya naman agad akong napayakap kay Lhester. Inakbayan niya naman ako ng sa ganon ay maramdaman kong safe ako.

"Are you scared?" Nag aalalang tanong niya.

Tumango ako rito saka isiniksik ang ulo sa dibdib niya. Hinayaan niya na lamang ako at maya't maya pa ay naramdaman ko ng unti-unting tumataas ang sasakyan namin. Ang puso ko ay ang lakas ng pintig.

"Shh.. 'wag ka matakot. Matulog kana lang muna.." sabi nito na ikinaangat ko ng tingin.

Ngumiti siya sakin saka hinawi ang buhok kong nasa mukha ko na. Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa noo na ikinatawa niya.

"You're so cute" nakangiti niyang sabi sakin kaya naman nakaramdam ako ng pamumula at pag init ng pisngi ko.

Umiwas ako ng tingin saka napag pasyahan na matulog na nga lang para sa ganon ay mabawasan ang takot na nararamdaman ko. Ilang minuto lang ang lumipas naging tahimik kami at nakaramdam na rin ako ng antok.

Nakatulog akong niyayakap ko si Lhester at naka akbay ito sakin. Mabuti nalang at may kumot na dala lagi yung pinsan niya dahil ayaw ng girlfriend nito na walang kumot kaya pinahiram muna saamin.

Kalahating oras lang naman ang lumipas bago kami nakarating sa Pampanga. Nag landing ang helicopter sa isang malawak na lupain. May mga kotse sa kabilang side namin at ang isa doon ay kinuha ni Lhester para gamitin namin papunta daw sa bahay ng Lola nila.

Habang nasa byahe papunta doon ay hindi ko mapigilan ang mag tanong sakanya.

"Close ba kayo ni Michael?" Tanong ko sakanya.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon