Chapter 25

130 10 0
                                    


YNA'S POV

"Grabe, tinulungan mo pa 'yon?!" Gulat na tanong ni April na hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Teh.. alam mo kasheidbeidbxieb" ni wala akong naintindihan sa sinabi ni Victor dahil sa kanin na nasa bibig niya.

"Oo, naintindihan ko.." sarkastikong sabi ko rito saka umirap, nag peace sign naman siya.

"Ang bait mo naman kase Yna.." mahinang sabi naman ni Sofia.

Lunch na kase kaya kasama ko sila. Sabi ko sa lima ay kapag lunch or snack time sasama ako kila April at Victor. Tawagin na lang nila ako pag may kailangan sila pero sasabay akong kakain kila April, pumayag naman sila.

"So, you mean teh. Talagang pinapatawad mo na yung babaitang 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Victor.

"Oo, mukhang sincere naman siya sa sinasabi niya kanina. Umiiyak nga siya sa harap ko at humihingi ng sorry, wasn't that enough? Tapos may punishment pa siya.." sabi ko sa mga ito at napalingon ako kay April ng napatampal siya sa kanyang noo.

"Yna, hindi mupa kilala si Trina. Simula first year naging kaklase ko 'yan, mabuti nga ngayon hindi na eh. Alam ko ang galawan niyan, mag papaawa muna siya tapos mag papalipas ng ilang days tapos saka ka niya aatakehin dahil mag pa-plano 'yan with her back up, at guess what.. pare- pareho silang tatlo nila Rhianne at Aica." Sabi ni April na ikinagulat ko.

So, iyong pag so- sorry niya sa harap ko ay peke lang 'yon?

"Oo teh. Ganon si Trina, kaya mag iingat ka. May balita nga na pag pasok palang ng nakaaway ni Trina sa gate ay binuhusan na agad nila ng pintura, eh yung estudyante na 'yon ay mahirap lang at scholar tapos iyon lang ang damit niya, ayon umiyak ng todo sa gate" sabi naman ni Victor.

Napahilamos na lamang ako sa mukha at pinapakalma ang sarili. Iniisip ko nalang na totoo yung mga sinabi ni Trina kanina at hindi na siya gumanti sakin, ni hindi ko nga siya ginantihan kanina at hindi sununod ang utos ni Dave.

Bakit ba kase basta nalang siya sumugod doon eh wala naman palang sila ni Harvey? Kung ano niyon ay mananahimik lang ako kahit halikan ako ng lalaki, kase kung may gusto sakin 'yan hahabol-habolin ako niyan, eh hindi naman pala sinasadya ni Harvey 'yon eh. At tsaka bakit ba ako naiinis? Sanay naman akong bugbogin noon ng mga bullies sa dati kong school, ngayon lang ako lumalaban at dahil na rin kay Kuya.

Pag katapos namin mag lunch ay napag pasyahan naming manuod sa field ng mga nag pa-practice. Malapit na kase daw ang event para sa mga sports.

Maya't maya pa sa panunuod namin ay nakita ko sa may 'di kalayuan si Lhester at Zion, mukhang papunta sila sakin. Hindi ko muna sila pinansin at hinayaan na makapunta dito, hindi nga ako nag kamali.

"Bakit?" Tanong ko sakanila.

"Samahan mo daw si Harvey" sabi ni Zion na ipinag taka ko.

"Saan?"

"Hala ka teh! Anong gagawin niyo?!" Gulat at medyo kinikilig na tanong ni Victor sakin.

Dahil doon agad ko siyang nilingon at umiling. "Hoy kung ano-ano iniisip mo wala 'no!"

"Wala nga ba, Yna?" Pang aasar din ni April.

Si Sofia naman ay wala lang na imik at nakangiti lang saamin na mukhang nasisiyahan din sa mga biruan.

"Tss. Wala nga! Kulit niyo naman, may iu-utos lang 'yon" inis na sabi ko sakanila pero tumawa lang sila sakin.

Muli kong hinarap yung dalawa na ngayon ay seryosong nakatingin sakin pero ngumiti rin si Zion.

"Bilhan mo daw muna siya ng lunch tapos puntahan mo siya sa practice niya.." sabi ni Lhester at iniabot sakin ang pera na pambili.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon