YNA'S POV
Kanina pa ako naririndi dito sa may bench dahil sa bulung-bulungan ng mga estudyante sa paligid ko, lalo na sa mga nakasaksi kanina sa eksena.
At mas lalo din akong naiinis sa dalawang 'to.
"Uy, Yna. Paano mo nga ginawa 'yon? Ang tapang mo kanina ah, HAHAHA. Hindi nga kinilig pucha wala nakong extra baon pwede bang bukas nalang? Punta tayo sa mall na pinupuntahan namin ni Victor—ria, Victoria." Sabi ni April at nginitian ako.
"Kalerki ka sis! Naku nako, ganyan ang nababasa ko sa wattpad eh. Ibubully ng guy yung new girl transferee kase siga yung girl, tapos ayon mag aaway sila lagi sa school hanggang sa pakk! Nainlove sila sa isa't isa mga teh, tapos yung mga maldita girls sa school aawayin si bidang girl kase nga naiinggit sila sakanya kase nainlove sakanya yung campus crush. Tapos syempre ililigtas siya ng kanyang prince charming! Oh 'diba ang bongga!" Nakangiting kwento ni Victor at pumalakpak pa sa tuwa.
Binigyan siya ni April ng pokerface at iniripan. "Kakawattpad mo yan beh" aniya kaya napanguso si Victor.
Napailing na lamang ako at ininom ang coke na hawak ko ng biglang may umagaw niyon at inubos niya ang coke ko na nasa bote!
"Hoy coke ko 'yon! G@gi ka ba?!" Inis na singhal ko kay Harvey na siyang uminom ng coke ko.
"Owshiee! Nag indirect kiss sila teh!" Kinikilig na sabi ni Victor.
"Sorry, bumili ka na lang. Nauuhaw na ako eh. Besides.. your our personal maid from now on.." nakangising sabi nito at tumabi sakin.
Nang mapansin siya ng mga babae ay akmang lalapit sila at nag si tilian na naman ng may ginawa siyang sign sa kamay na nag pa atras sa mga ito at bumalik sa kanya kanyang ginagawa.
Agad akong napakunot noo at hindi mapigilang mag tanong.
"Nu yon?"
"Hand sign." Tipid na sagot nito.
Pag lingon ko sa kabila kong side ay napasingkit ako ng mata sa inis ng makita kong tumatakbo na ang dalawa paalis at iniwan ako kasama itong isang timawa na 'to dito.
"Tss. Mga lokong 'yon iwanan daw ba ako dito.." bulong ko at napairap sa hangin.
Akmang tatayo ako upang umalis ng may humila sa balikat ko paupo at tumabi sakin.
Si Zion ito kasama sina Lhester, Dave at Ice. Lalong naningkit ang mata ko sa inis at tinignan silang lahat.
"Ano bang ginagawa niyo dito, ha?! Kung gusto niyo akong pag tripan 'wag na please! Lumipat ako ng school para mag aral ng mabuti, okay?" Inis na sabi ko sakanila.
Ice chuckled. "You shouldn't have think about that first before shouting at us in front of many people.."
"Paanong hindi? Eh mali yung ginagawa ninyo!"
"Listen Miss Yna.." inakbayan ako ni Zion at bumulong. "When we say that you're our personal maid, wala ka ng magagawa doon. Unless ipatawag ko kay Dad na siyang may ari sa school, at i-report ka namin kay Dean na siyang Tito ko na nag loloko ka sa school? Hmm? Or sabihin nalang namin sa parents mo—"
"No!" Agad na sabi ko ng marinig ang salitang iyon. Dahil din sa sinabi ko ay napangisi sila."A-ano ba ang gagawin?"
"Susundin mo lahat ng utos namin.." sabi ni Harvey.
"At bawal kang mag reklamo." Singit naman ni Dave at mukhang naiinis pa rin sa ginawa ko kaninang pag papahiya sakanya.
"Kasama na dun yung pag paparusa din namin sayo dahil sa ginawa mo.." nakangising sabi naman ni Zion at inalis ang pag kakaakbay niya sakin.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...