ZION'S POV
"Huy! Mga siraulo, iuwi na natin si Yna" sabi ko sa mga ito at nag aalalang tinignan si Yna na ngayon ay lasing na lasing na.
"K-kayaaa ko paaa" mahabang sabi nito habang nakapikit at pinipilit labanan ang antok.
"Tsk." Inis akong napakamot ulo at lumapit kay Yna. Hinawakan ko ang mag kabilang braso nito upang patayuin siya. "Yna! Tsk. Bilis na, tayo na diyan" tinulak ako nito palayo ngunit mahina lang dahil wala itong lakas.
"Uhmm! Ano ba?!"
"Lagot ka kila Tita pag uwi mo, lalo kami.. tara na iuuwi na kita sainyo" mahinahong sabi ko rito.
"Hayaan mo lang si Yna.." sabi naman ni Harvey na ngayon ay nakayuko at nanahimik na dahil lasing na lasing na rin ito.
Pag lingon ko naman sa likuran ay nakita ko yung tatlo na mag kakatabi sa sofa at tulog na. Inis akong napakamot ulo at binuhat si Yna na ngayon ay nakatulog na, mabuti nalang at nasalo ko agad ito.
Nag lakad ako palabas ng bahay bitbit si Yna at ang bag nito. Agad akong tumungo sa kotse ko at maingat siyang pinaupo sa passenger seat saka ako tumungo sa drivers seat at nag drive paalis ng mansyon.
Napabuntong hininga ako. Expected ko ng mangyayari ang bagay na ito kaya hindi ako uminom dahil iniingatan ko si Yna na baka malasing din ito. Kapag nalasing kaming lahat walang mag hahatid sakanya at malalagot kami sa parents niya.
Ilang segundo pa lang akong nag di- drive ay narinig kong umingos si Yna. Tinignan ko ito at nagising siya.
"Hey.. are you okay?" Tanong ko sakanya pero nanlaki ang mata ko ng mag wala siya na parang bata, pinag papadyak niya ang mga paa at umiiyak kahit wala namang luha. "H-hey? Bakit?! Yna??" Nag aalalang tanong ko.
"GUSTO KO NG ICE CREAM!!" sigaw niya kaya agad na pinihit ko ang sasakyan patungo sa isang mini store.
"Y-yeah yeah, okay.. I'll buy some ice cream—"
"ICE CREAM!! HUHUHU!" parang bata na nag hahangad ng paboritong pag kain nito.
Napangiti ako at napailing iling. She's so cute in that case. Honestly I like it when she's being so childish, It makes me simp.
Napalingon ako ng maramdaman ko ang kamay ni Yna sa braso ko. Tinignan ko siya at masaya siyang nakangiti sakin kahit napapapikit ito dahil sa kaantokan niya.
"Pftt, stop it Yna. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.." bulong kong sabi dito na sana ay hindi niya narinig.
"Ice cream?" Malambing na tanong niya sakin, nag papaawa na parang bata.
"Yeah, I'll bought you some Ice cream and then I'll get you home okay?"
"Okay.."
Napangiti ako. Maya't maya pa ay narating namin ang mini store kaya lumabas muna ako. Bumili ako ng chocolate ice cream saka bumalik sa loob ng kotse.
"Oh, 'eto na ang ice cream mo" sabi ko rito kaya kaagad itong napalingon sakin saka binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Yeheyyyy!!!" Masayang sigaw nito pero akmang iaabot kuna ang ice cream sakanya ay sinunggaban ako nito ng yakap kaya natigilan ako at hindi nakagalaw sa kinauupuan ko. "Thank you, Thank you, Thank you!!" Masayang sabi nito at biglang nanlaki lalo ang mata ko ng hinalikan niya ako sa pisngi ng mga tatlong beses.
"Y-yna.. Yna bitaw na" mahinang sabi ko rito habang ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Hmm?"
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...