Chapter 14

148 15 3
                                    


YNA'S POV

Natapos ang unang klase at heto ako ngayon sa isang bench na nakaupo habang nag mumuni- muni. Break time namin at nag paalam ako kila April at Victor na gusto ko munang mapag isa, pumayag naman ang dalawa kaya heto ako ngayon tulalang nakaupo dito.

Maya maya'y naramdaman kong may papalapit sa tabi ko kaya nilingon ko iyon. Nakita ko si Lhester na naka pamulsa at seryosong nakatingin sakin. Hindi ko siya pinansin dahil mukhang hindi naman siya mag tatagal.

Ngunit maya maya pa ay tumabi ito sakin at walang sabi sabing humiga at ginawang unan ang hita ko.

"H-hoy!" Singhal ko pero hindi niya ako pinansin at ipinikit na ang mga mata.

Hindi nalang ako gumalaw at nag reklamo. Wala din namang masyadong tao dito dahil nasa cafeteria sila for sure. Hinayaan ko lang siyang matulog hanggang sa naisipan kong titigan ang mukha niya.

Ang tangos ng ilong ah, yung lips niya paheart tapos mahaba ang pilik mata.

Ang gwapo... Kaso masungit at suplado

"Stop staring."

Nagulat ako ng bigla siyang nag salita at nag mulat ng mata. Hindi na ako naka iwas ng tingin pa at nanatiling nakatitig kami sa isa't isa.



ICE'S POV

Inubos ko ang coke na iniinom ko saka sumenyas kila Harvey at Zion na aalis muna ako. Bago ako lumabas ng cafeteria ay lumapit ako sa table nila April.

"Ay hello fafa Ice! What can I do for you?" Maarteng tanong ni Victor.

"Nasaan si Yna?"

Victor drop a one clap and laugh. "Haha, sabi na nga ba si Yna eh"

"Nasa bench siya dun malapit sa field.." sagot ni April at muling pinag patuloy ang pag kain nito.

Mag sasalita pa sana si Victor ng tumalikod na ako at nag lakad papalayo. Tinawag pa ako nito pero dumeretso na akong lumabas at sinimulang hanapin si Yna.

Mga ilang hakbang ko palang ng pag lalakad ay nakita kuna siyang nakaupo sa may di kalayuan. Akmang mag lalakad ako papalapit sakanya ng nakita ko si Lhester na nakahiga sa tabi niya at ginagawang unan ang hita nito.

Hindi ko alam kung bakit pero kusang tumalikod ako at nag lakad papalayo. Lutang akong bumalik sa classroom namin at hindi pinapansin ang mga babae kong kaklase na panay ang papansin sakin.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman. Parang may kumikirot sa puso ng makita silang ganoon. Ano naman 'diba? She's our personal maid, Lhester has a rights to be with her alone. At wala din naman akong pakialam kung mag kagusto sila sa isa't isa... Kaya dapat hindi ko 'to nararamdaman.




YNA'S POV

Hindi rin naman ako nag tagal doon. Nang marinig ko na ang bell ng school ay umalis na ako at nag paalam habang si Lhester naman ay sumunod din sakin papasok ng building.

Habang nag no- notes kami ay pansin ko ang pagiging tahimik ni Sofia. Pftt, talaga namang tahimik siya 'no. Pero feeling ko lang may iba sakanya ngayon, well pinag tanggol niya ako kanina. Nag Thank you naman na ako. Siguro may nakaaway lang ito or may kinaiinisan. Baka hindi pa rin siya maka move on sa nangyari kanina.

Hayaan na nga lang siya.

Nag patuloy na lamang ako sa pag take down notes. Hanggang sa iyon na nga hindi kuna namalayan ang oras lunch time na.

"Sofia.." pag tawag ko sakanya na ikinalingon nito. "Sama ka samin mag lunch? Sige na, mag ta- thank you lang ako sayo tsaka ililibre kita" nakangiting sabi ko rito.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon