Chapter 42

96 8 0
                                    


YNA'S POV

Habang kumakain ng almusal kasama si Mawiee ay tahimik lamang ako. Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi tungkol kay Victor, nag aalala ako sa kalagayan niya at sa relasyon nilang dalawa ng Daddy niya. Gusto ko silang mag ka ayos ngunit mukhang masama ang loob ni Victor sa ama.

Napabuntong hininga na lamang ako saka hindi namalayang pinag lalaruan kuna pala ang hotdogs sa plato ko na agad namang napansin ni Mawiee.

"Aren't you like the breakfast?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa plato ko na kaunti palang ang nagagalaw ko. "Baby Piwiee, masama ba pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong nito kaya naman umiling ako.

"Wala po, Mawiee. Nag aalala lang po ako kay Victor.." sabi ko rito at napayuko saka muling pinag patuloy ang pag kain.

"Victor? What about him? May nangyari ba, anak?" Takang tanong niya muli.

Umangat ako ng tingin kay Mawiee at malungkot ang mga matang nag kwento tungkol kay Victor simula ng araw na hindi siya kumikibo at malalim ang iniisip hanggang sa nangyari kagabi. Hindi ko kasi ito nakwento sakanya kagabi dahil mga madaling araw na siya nakauwi galing trabaho habang si Daddy naman ay nag papahinga na 'non sa kwarto nila. Walang choce kundi hintayin na mag umaga at sabihin kay Mawiee, alam ko namang may maitutulong siya at may maisasagot sa mga tanong ko.

"Baby piwiee.. to be honest hindi ka dapat nakikisali sa problema nila. But i know you baby, kung sa tingin mong tama ang ginagawa mo, ginagawa mo talaga. Kapag gusto mo, go. Pero Yna.. hayaan muna silang mag ama na maintindihan ang isa't isa at mag kapatawaran.." seryosong sabi ni Mawiee sakin kaya napanguso na lamang ako.

"Pero walang sino man ang mag tatagpo sa dalawang ilog kung walang bangka o tulay. Mawiee, paano sila mag kakaayos kung iniiwasan nila ang isa't isa? Hindi ba dapat tulungan natin ito?" Pag pupumilit ko pero bumuntong hininga lamang si Mawiee at hindi na ako pinansin.

"Hays.." tumingin siya sakin at ngumiti. "Malaki kana nga talaga, marami ka ng bagay na nalalaman. Marami ng bagay na natututonan.. kung sa tingin mo iyon ang tama anak.. sige lang, basta ingatan mo ang sarili mong huwag makasakit ng damdamin ng isang tao.." sabi ni Mawiee sakin sabay ngiti, kaya naman agad din akong napangiti ng dahil doon.

Nang makatapos na kaming kumain ay agad na akong kumilos upang pumasok. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko ngayon basta excited ako dahil mukhang mauuna ako sa susundo sakin, kung sino man ang naka schedule.

Maaga kase akong nagising dahil maaga rin si Mawiee na aalis. Ang sabi ko rito kagabi ay gisingin niya ako ng maaga nag taka pa nga ito kung bakit pero mabuti at naniwala siyang may mahalaga akong gagawin bukas sa school.

Nakangiti akong lumabas ng bahay habang hawak- hawak ko ang bike ko. Nang tuluyan na akong nakalagpas sa gate namin ay sumangkay na ako dito upang mag simula ng mag maneho pero sa sobrang malas nga naman ng buhay ko at may buraot na dumating.

"Hey Yna! Bakit ka mag ba-bike?!"

Napapikit na lamang ako ng mariin saka bored na tinignan si Dave. Puno ng pag tataka ang mukha niya habang nakatingin sakin. Inis akong napakamot ulo at umalis sa pag kakasangkay sa bike ko saka padabog siyang hinarap.

"Nakakainis ka naman!" Kunot noong sabi ko rito.

"B-bakit?" Gulat na tanong niya na walang pag ka- alam alam sa nangyayari.

"Bakit ba kase maaga kang pumunta dito, ha?!" Naiiyak na tanong ko sakanya habang siya ay nakapamulagat sakin at gulat na gulat sa reaksyon ko.

"A-ahm.. maaga akong pumunta para sunduin ka? Bakit ka ba galit?" Takang tanong niya saka napakamot ulo.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon