YNA'S POV
"I like you, Yna.. At kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo sa sarili mo. Gusto kita. Gusto kita, Yna.. uulitin kupa ba? Gusto kita. Hindi ko alam kung paano nangyari at kung paano mo nagawang maakit ang atensyon ko. Hindi ko alam kung saan at kung kailan nangyaring nahuhulog nako sayo. I'm unconditionally inlove with you Yna. I'm not joking, keep that in mind.."
Nakailang beses ko ng binabatukan ang sarili ko pero paulit ulit pa rin sa utak ko ang mga salitang iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko nababaliw na talaga yata ako, paano ko haharapin si Zion? Ayaw ko siyang masaktan at ayaw ko siyang umasa pero pakiramdam ko kapag mag sasalita palang ako sa harap niya ay hindi na ako makakagalaw. Kakaiba ang pakiramdam, kakaiba ang kaba. Ganito ba talaga?
"Hoy Yna!" Pag tawag sakin ni April sabay tapik sa balikat ko.
"B-bakit?" Tanong ko rito.
"Pinapatawag ka ng lima tapos dalahan mo na rin daw si Zion ng macaroni." Aniya at nag patuloy sa pag kain.
Nasa cafeteria kami ngayon at lunch break na. Sobrang boring at ayon nga paulit ulit kong naaalala ang mga sinasabi ni Zion sa'kin kanina. Paano ko sasabihin sakanila? Tingin ko pag tatawanan nila ako o mag iingay sila sa kilig o kaya naman mabibigla at ayaw na akong maging kaibigan—haystt ano bang iniisip mo Maria Yna!
"Teh! Ano na? Kilos na? Jusko, may problema ka ba? Kanina ka pa tulala diyan, oo. Ang sabi naman ng doktor madali ka namang makakarecover sa nangyari eh. Kalerki ka ah, ano bang iniisip mong babae ka?!" Tanong ni Victor habang nakasimangot ito.
"W-wala.. mauna na ako.." sabi ko sa dalawa at tumayo na.
Dumeretso ako sa counter at nag order. Hindi ko alam kung si Zion lang o silang lima pero ang sabi naman ni April ay si Zion. Tsk. Okay na nga 'yan si April nalang sisihin nila dahil 'don.
Nang makarating ako sa field ay napansin kong lumilimlim ang paligid at para bang uulan kaya't binilisan ko na ang pag lalakad ko. Paakyat na ako ng building na pinag tatambayan nilang lima, mabuti nalang at nasa third floor lang sila, nakakapagod kaya umakyat.
"Oh, Yna nandito kana pala" sabi ni Ice at humila ng upuan para sakin.
Naupo naman ako habang wala pa ring ekspresyon sa mukha ko. Nang tinignan ko si Zion ay bored kong iniabot sakanya ang pinapabili niya.
"Ano 'yan?" Takang tanong niya sakin kaya iniripan ko siya.
"Pinapabili mo 'yan sakin, psh."
Gulat niya akong tinignan habang natatawa. "Hala, wala akong pinapabili Yna. Ikaw ah hahaha" natatawang sabi nito.
Sa inis ko ay sinipa ko ang paa ng upuan niya dahilan para mapaatras ng kaunti ang upuan nito na ikinagulat niya.
"Bwisit ka! Ang sabi ni April pinapapunta niyo ako dito tapos dalahan kita niyan!" Matalim na tingin ang ipinukol ko dito.
Sa curious naman ni Harvey ay binuksan niya ang plastic at inilabas iyon saka mahinang natawa.
"Favorite ni Zion 'to ah" aniya.
Umiwas nalang ako ng tingin at napalingon kay Lhester. Nakatitig lang siya sakin kaya nag taka ako.
"Bakit?"
"Wala, cute mo magalit" sabi ni Lhester saka mahinang natawa.
Aba pinag ti-tripan ba ako ng mga lokong 'to? Tss.
"Pinapunta niyo lang ata ako dito para asarin eh! Aalis na ako.." sabi ko sa mga ito at tumayo pero lumapit sakin si Ice at pinigilan ako.
"Mamaya na.." tumingin siya sa labas. "Umuulan oh"
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...