Chapter 2

202 13 0
                                    

YNA'S POV

Nasa cafeteria ako kasama si Victor at April. Sabay sabay kaming nag pila at nag order.
Habang nasa pila ay hindi maiwasan na mapasubsob ako sa likuran ni Victor, tinignan ko ang mga nasa likod ay panay itong tulakan at biruan. Hindi ko na lamang pinansin iyon dahilan alam ko namang normal din sa estudyante ang ganyang kakulitan.

Ngunit sa kalagitnaan ng pag pila namin ay biglang umingay ang paligid at nag kagulo. Tumili ang mga babae at nag si takbuhan papunta sa main door ng cafeteria. Halos mabingi kami sa sigaw ng mga ito.

"Acckk! Dave!"

"Omg Lhester, baby!"

"Waaaahhhh! Tumingin sakin si Ice!"

"Zion! I love you!"

"Harvey! Marry me!"

Iyan ang ilan sa mga naririnig ko sa paligid. Panigurado ay iyon ang sinasabi nilang limang lalaki na pinakagwapo dito sa school.

At dahil din doon ay umikli ang pila at tanging mga lalaki na lang ang natira kaya mabilis kaming naka order at nakahanap ng pwesto.

Patuloy pa rin ang pag titilian ng mga babae at halos marindi na ako sa mga naririnig ko sa paligid. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang sobrang ingay, feeling ko ay may kalaban sa paligid ko.

"Oy Yna!" Pag pukaw ni April sa atensyon ko. "Hindi ba ang sabi mo kapag hindi ka kinilig sa limang 'yon ay ililibre kita? Pero kapag kinilig ka ay ikaw ang manlilibre" sabi nito at tumango naman ako.

"Ay bet ko yan mga teh, isama niyo nalang ako kapag sino manlilibre sainyong dalawa" singit ni Victor kaya natawa naman kami.

"Ikaw talagang bakla ka, kahit kailan ka. Kumain kana nga lang diyan.." natatawang sabi ni April at nag patuloy sa pag kain niya.

"Pero alam mo teh.." bumaling sakin si Victor. "Imposible namang hindi ka kiligin sa limang 'yon 'no! Yung limang chupapi na 'yon?! Juskoo! Kung naging babae lang ako gagawin ko ang lahat maakit lang sila saken" kinilig na sabi nito at uminom ng tubig bago ipinag patuloy ang pag kain. "At tsaka alam mo, ang ganda ganda mo! Tingin ko naman magugustuhan ka ng isa sa limang iyon 'no. Type din nila yung mga bago, syempre maganda sa paningin nila kase ngayon ngayon lang nakita 'diba?" Aniya at nag patuloy sa pag kain.

"Hindi naman ako maganda.." maya maya'y sabi ko na nag patigil sakanilang dalawa.

"Jusko kang babae ka! Batukan kita diyan eh, maganda ka teh!" Mataray na sabi ni Victor.

"Maganda ka, Yna. Kung tatanungin nga sa ranking rito baka maging top 5 ka agad." Sabi ni April at mahinang natawa. "Ang weird kaya ng eskwelahang ito, may ranking sa school ang mga gwapo at magagandang babae."

"Ayy oo teh! Syempre yung sa boys yung limang chupapi na nandiyan sa harap natin pinag kakaguluhan!" Singit namang muli si Victor.

"Ladies! Stop this now, enough.." narinig naming sigaw ng isa sa limang campus crush kuno daw.

Nang mag si-alisan na ang mga babae ay medyo nakikita kuna ang lima. Matatangkad itong lalaki, tatlong mapuputi at dalawang may katamtaman lang ang kulay.

Naagaw ang atensyon namin sa isang babaeng nasa harap pa rin ng lima at hindi umaalis.

Tuluyan ko ng nakita ang mukha nila isa isa. Hindi nga maipag kakaila na gwapo ang mga ito, kung titignan mo ay pwede ng mag artista ang mga ito.

"Oh, nakita muna?" Kinikilig na sabi ni April. "Iyon si Dave, yung lalaking brown ang buhok at makapal ang kilay, may kissable lips at perfect body. Iyon namang katabi niya ay si Mark Lhester kulay black ang buhok, katamtaman ang puti katulad ni Dave at meron din itong kissable lips with brown eyes. Si Mark Ice naman iyong pinakamaputi sakanila at kulay pula ang buhok, taray 'diba bagay yung pangalan niya sakanya. Ice ang pangalan niyan pero sobrang kulit niyan. Gwapo 'diba? Tignan mo naman yung red lips niya beh, with brown eyes din." Kinikilig na sabi nito at sumingit na si Victor at siya ang nag patuloy sa pag describe sa lima.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon