YNA'S POV
Hinahatid na ako pauwi ni Dave at heto nilalaro ko si Chester sa backseat. Tuwang- tuwa ako dahil gustong-gusto niya yung kinikiliti siya sa tyan at gusto niyang nag papakarga siya. Hindi rin siya nangangalmot at ang gentle niya sakin. Napaka cute niya!
"You like that cat?" Tanong ni Dave kaya tumingin ako sakanya at tumango habang nakangiti. "Ayan pala yung ibibigay sayo ni Lhester.."
"Oo.. hahaha ang cute nga eh"
"He hates cats.." sabi nito na ikinatigil ko.
"Ha? Eh bakit pa siya nag alaga nito bago ibigay sakin?"
"Because your special for him. He would do everything for his girl.."
"Pfftt, ano bang pinag sasabi mo? Niregalo niya lang ito sakin" natatawang sabi ko rito saka muling nilaro si Chester na ngayon ay naka kalong sakin.
"Ang manhid mo, Yna.." natatawang sabi niya na muli kong ipinag taka. Mukhang nahalata niya iyon kaya muli siyang nag salita. "Nevermind. Just forget what I said.." sabi nito kaya napatango na lamang ako.
Ilang sandali pa ay biglang nag ring ang phone ko. Nagulat si Chester na ngayon ay natutulog. Agad itong tumayo at tinignan ako, malamang nag tataka siya kung ano iyon.
Agad kong kinuha ang bag ko at kinuha ang phone ko doon. Nakita ko ang caller na si April pala kaya sinagot ko ito kaagad, sabagay hindi ako nakapag paalam sakanya kanina na umuwi na ako ng maaga baka nag alala lang.
"Hello April, bakit?"
[Y-yna.. Yna si Victor..] agad akong napaayos ng upo ng marinig itong umiiyak.
Si Chester naman ay nakatitig lang sakin pero umiwas din at nililinisan ang sarili habang si Dave ay busy sa pag mamaneho pero halatang nakikinig sakin.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Ayos kalang ba?" Sunod- sunod na tanong ko, nag aalala ako kung anong nangyari dito.
[S-si Victor kase.. hindi ba kaninang umaga parang hindi na naman siya okay?! Tapos hapon hindi siya pumasok nag aalala nga ako eh.. tapos 'eto tumawag sakin yung maliit niyang k-kapatid na.. n-naaksidente daw siya..]
"ANOO?!!" gulat na sigaw ko dahilan para mapapreno si Dave bigla at mapalingon sakin.
Si Chester naman ay nahulog sa upuan at nag simulang mag ingay.
"Why? What happened?!" Nag aalalang tanong ni Dave.
"N-nasaan ka ngayon April?!"
[N-nandito kami sa ospital.. i text ko sayo ang.. address..] aniya habang patuloy ang pag iyak sa kabilang linya.
Agad ko iyong pinutol at saktong tinext niya ang location nila. Agad namang iniliko ni Dave ang sasakyan pag katapos ko sinabi ang location nito. Si Chester naman ay tumalon papunta sakin at kumalong sa legs ko. Niyakap ko ito upang mawala ang kaba ko, sana maging maayos si Victor kung ano man ang nangyari sakanya.
Mabilis ang pag mamaneho ni Dave kaya naman medyo natatakot rin ako. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng mga bosena ng mga kotse at truck. Pag lingon ko sa side ko ay may isang kotse na paparating at wala ito sa control. Bago ko pa man masabihan si Dave ay may tumama na saamin, mabuti nalang at sa kaliwang parte at hindi sa parte ko.
"Yna!" Sigaw ni Dave mula sa pag kabigla. Agad siyang lumabas ng kotse at binuksan ang pinto sa side ko. "Ayus kalang?!" Nag aalalang tanong nito kaya tumango ako.
Tinignan niya ang kaguluhan sa labas. Si Chester naman ay yakap yakap ko at mukhang natatakot sa nangyayari. Hindi ito mapakali at may scratches na rin ako dahil sa likot niya.
Ano ba 'yan! Kung kailan malapit na kami sa ospital eh!
"Naku, may problema ata sa pag iisip yung babae!"
"Nag tangka siyang mag pakamatay"
"Nakaka awa naman siguro marami siyang problema"
"Ano ba 'yan! Isturbo naman mala-late na ako!"
Kanya- kanyang kumento mula sa mga tao ang narinig namin. Nakita ko si Dave na napa buntong hininga na lamang saka nag lakad at pumasok muli sa sasakyan.
Mabuti nalang at may mga pulis ng dumating at mga ambulansya. May mga nasugatan dahil sa banggaan at maswerte kami dahil hindi kami napuruhan. Nakita kong nag te- text si Dave at malamang ipinapaalam sa mga kaibigan niya ang nangyari.
Sa wakas ay muling kumlaro ang daan at tuluyan kaming nakaalis doon. Agad kaming nakarating sa ospital at ang unang sumalubong saakin sa hallway ay si Lhester na nag aalala ang mukha. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Are you okay?!" Nag aalalang tanong niya.
"Oy! Oy!" Agad na react ni Zion at tumatakbo papalapit saamin.
"Uy, bitaw na!" Sabi naman ni Harvey na nasa tabi kuna pala at pinapabitaw si Lhester saakin.
Nang bumitaw na si Lhester ay hinawakan naman ni Zion ang buong mukha ko at nag aalalang chineck ako.
"Nurse! May sugat siya!" Sigaw ni Harvey sa pag aalala ng makita ang sugat ko sa kamay pero dahil iyon kay Chester.
"Wag na, scratches lang 'yan ng pusa!" Sita ko rito dahil para siyang emergency kung tumawag sa nurse.
"Hindi Yna! Alam kong masakit yan!" Reklamo niya saka hinila ako pero pinigilan ko siya.
"Ano ba kayo?!"
"It's better to check that, Yna.. baka ma- infection kapa niyan" singit naman ni Ice.
"Is it because of Chester? Sorry, hindi naman niya ata sinasadya.." nakayukong sabi naman ni Lhester.
"Kung hindi mo sana binigyan si Yna ng pusa edi hindi siya masasaktan" seryoso namang sabi ni Dave na ikina inis ni Lhester.
"Oh, shut up."
"ANO BA?!" sigaw ko sa sobrang ingay nila. Halos mabaliw na ako kakakinig sakanila at mag aaway pa ang mga ito.. "Ayus lang ako, Okay?! Ang pinunta ko dito si Victor dahil siya yung naaksidente!" Inis na singhal ko sa mga ito at sabay- sabay naman silang napakamot ulo saka umiwas ng tingin. "At tsaka?! Bakit nandito kayong lahat?!" Kunot noong tanong ko, sabay- sabay naman silang lumingon kay Dave na halatang siya ang nag sabi.
Napatampal na lamang ako sa noo ko saka humingang malalim sa sobrang stress dito sa limang ito. Nakapa mewang ko silang tinignan habang pinanlilisikan sila ng mata.
"Walang mang gugulo, okay?! Walang mag aaway!" Singhal ko.. "Nasaan ang kwarto ni Victor?!" Tanong ko at sabay- sabay silang tumuro doon sa dulo kaya naman napataas ang kilay ko at saka nag lakad na paalis.
Napabuga na lamang ako ng hangin sa sobrang frustration dahil sa limang tukmol na iyon. Simpleng scratch lang nag kakagulo na sila?! Jusko.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...