Chapter 39

97 12 0
                                    




YNA'S POV

"Salamat Yna ah?" Sabi ni Victor kaya nakangiti naman akong tumango.

"Ano ka ba? Hahaha mag kaibigan tayo 'no"

Ngunit sa kabila ng pag ngiti niya ay ngumiwi ito.

"Pero patawarin mo ako Yna kung babalik tayo sa cafeteria.." nang dahil sa sinabi niya napatawa na lamang ako. Akala ko kung ano. "Nagugutom na akech teh, hindi ako kumain ng maayos kanina. Jusko dzaii" maarteng sabi nito na ikinatuwa ko.

Sa wakas ay bumalik din siya sa dati niyang sigla. Hindi man katulad ng dati na talagang masiyahin pero mabuti na ito na paunti- unti ay nakikita kong ngumingiti na ulit siya.

Agad kaming nag tungo sa cafeteria. Mabuti nalang at maaga pa, may time pa kaming tumambay sa cafeteria. Nang makarating kami doon ay sakto na walang masyadong nakapila kaya mabilis kaming tumungo doon.

Akmang aalis na ako dahil si Victor lang naman ang bibili ng pag kain ng may dumating na dalawang lalaki na naka shades pa ang mga ito. Napakunot ang noo ko sa porma nila dahil mukhang hindi kupa sila nakikita.

Sa una ay hindi kuna lang sila pinansin dahil halatang bibili rin sila ng pag kain ngunit nagulat kami ng biglang tinulak niya ang lalaking nasa unahan ng pila at kinuha ang order nitong pag kain. Pangiti-ngiti pa ito ng biglang sinuntok siya ng lalaking nasa pila kanina na tinulak niya.

Nagulat siya sa ginawa ng lalaki kaya naman agad silang kumilos na dalawa. Yung isang lalaking kasama niya na kulay dilaw ang buhok ay hinawakan ang lalaking nasa pila kanina. At ito namang nanguha ng pag kain ng lalaki ay sinimulan na nitong tinadtad ng suntok.

"Hala! Jusko po!"

"Teka bumalik na sila?!"

"Hala nasaan na ba yung lima?!"

"Sila Tristan at Albert ba yon?!"

Nanlaki ang mata ko at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko ng makitang tumalsik ang dugo ng lalaking estudyante. Nang dahil dun ay nagawa kong ikuyom ang kamao ko at tinitigan ng masama itong lalaking naka asul ang buhok na nansusuntok. Hinanda ko ang sarili ko at humarap saka humingang malalim.

"Hoy!" Sigaw ko sa galit dahilan para lahat ng atensyon ay nakabaling sakin.

"Patay kayo kay Yna"

"Ayan na naman siya"

"Pabida na naman yan"

"Hoy bakit kayo ba matapang gaya kay Yna, ha?!"

Tumigil ang blue haired guy sa ginagawa at tatawa tawang lumapit sakin.

"Y-yna.. sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Bulong ni Victor sakin pero hindi ko siya pinansin.

Nang tuluyan ng nakalapit sakin itong blue haired guy ay tinignan niya ng masama si Victor dahilan para lumayo ito at naiwan kaming dalawa sa gitna habang napapalibutan kami ng mga estudyante.

"Ganda mo naman.. ang tapang mo." Nakangising sabi nito sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. "Pwede na.." aniya sabay lingon sa kasama niyang kulay dilaw ang buhok.

Dahil doon mas lalong nang galaiti ako sa galit at walang alanganin na sinampal siya ng pag kalakas lakas.

"Bastos!" Sigaw ko dito pero tinawanan nila akong dalawa.

"Matapang pare.." natatawang sabi ng naka dilaw na buhok.

"Tapang mo ah, ang yabang mo. Hindi ka naman maganda." Sabi ng blue haired guy dahilan para mapamaang ako.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon