Chapter 5

167 15 15
                                    


YNA'S POV

"A-aray! Dahan-dahan naman.." sabi ko kay April habang ginagamot ako nito sa clinic.

Pinilit pa nila akong pumunta dito at mag pagamot. 'Eto namang si Victor ay kanina pa salita ng salita.

"Nako teh! Sinasabi ko sayo isumbong muna yung dalawa sa Five Campus Crush 'no!" Inis na sabi ni Victor, hindi ko na lamang siya pinansin dahil nahihilo ako kakatingin sakanya, kanina pa siya pabalik balik ng lakad.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng clinic at isang estudyanteng babae ang lumapit saamin.

"Yna, pinapatawag ka ni Ice at Harvey sa roof top." Sabi nito at walang sabi sabing umalis.

"Aba bastos 'yon ah, tatanungin pa nga" bulong ni April kaya natawa ako.

"Hayaan muna.. sige na tama na 'yan papasok na tayo" sabi ko sakanya at inilayo ang kamay niya sa braso ko.

"Hindi mo pupuntahan si fafa Ice at fafa Harvey? Naku, chance mo na 'yon teh! Malay mo naman simple lang ipapagawa sayo!" Nakangiting sabi ni Victor.

Napasimangot ako. Bakit ba nila ako pinipilit, ayoko nga maging personal maid nila. Hindi ako utusan, hindi ako pumayag kaya hindi ko sila susundin.

"Sige na, Yna." Sabi ni April. "Kapag pumunta ka doon mamaya mag ma-mall tayo! Dali na!" Excited na sabi nito.

"Ayy gusto ko yarn mga teh!" Natutuwang sabi naman ni Victor at pumalakpak pa.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumango. "Sige na nga.." sabi ko sa mga ito.

So ayun nga nauna na ako sakanila umalis. Sa ibang building daw 'yon sabi ni Victor kase alam niya kung saan yung building na pinag tatambayan ng lima. Malayo 'yon sa building namin kaya medyo nag aalala ako sa time ko, baka mamaya matagalan ako at malate sa class.

Nang makaakyat na ako halos mahimatay ako sa pagod dahil 5th floor iyon. Inilibot ko ang paningin at nakita ko ang mga basura sa paligid. Dumeretso ako at tinanaw ang buong field ng school.

"So you're here"

Agad akong humarap at nakita ko si Ice kasama si Harvey.

"Bakit mo ba ako pinatawag?" Tanong ko rito.

He smirked and drop a cleaning materials in front of me.

"Mag lilinis ka.." sabi niya.

Nag taka ako at inilibot ang paningin sa roof top. Puro basura! Inis ko silang dalawang hinarap.

"You mean lahat ng 'yan?!"

"Oo, ilagay mo dito.." sabi ni Harvey at umiwas ng tingin saka iniabot sakin ang limang sako.

Sa inis ko gusto ko silang dalawa bulyawan at kutusan.

"Hoy, sabi ng kaibigan ko dito daw kayo madalas tumambay na lima. So technically sainyo itong mga kalat! So kayo ang mag linis! Haysstt mga tamad kamo kayo! Aanhin ko 'tong limang sako? Eh kung kayo kaya isako ko, ha?!" Inis na singhal ko sakanilang dalawa.

Humagalpak ng tawa si Ice at dahan dahang lumapit sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"You're brave, huh. Matapang na bata"

"B-bata.. a-anong bata?!"

"You look like a little kid, look at you hanggang balikat lang kita. Pfftt.." sabi ni Ice at tumawa.

Pinaningkitan ko siya ng mata at inis na hinampas sa braso.

Napansin nito ang sugat ko sa braso kaya hinawakan niya iyon, napadaing ako.

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon