Chapter 7

157 15 4
                                    

YNA'S POV

"Nasaan na ba kasi 'yon!" Inis na singhal ko habang umiiyak at hinahanap sa bawat sulok dito sa roof top.

Ginamit ko na ang cellphone ko pang ilaw dahil dumidilim na rin pero wala talaga. Lagot ako nito kay Zion.

FLASHBACK-

"Fvck Yna! This is not a good prank!" Singhal niya sakin at napasabunot sa ulo.

"A-ano.. mayaman naman kayo 'd-diba! Bumili ka na lang ng bago.." sinubukan kong mag tapang tapangan pero talagang mukhang mahalaga sakanya ang kotseng iyon.

Malamang Yna, mahal ang kotse. B*bo mo naman

"Yes we do! I can buy whatever car I wanted! But that car is my favorite one, regalo 'yon sakin ni Mommy Yna.. kaya kung gumaganti ka samin please ibalik mo na iba nalang ano bang gusto mo?" Nag mamakaawang sabi nito sa harap ko.

Ibang Zion ngayon ang nakikita ko. Hindi astig at heart throb sa school. Kundi isang desperado na nag mamakaawang ibalik sakanya ang pinaka mamahal niyang regalo mula sa nanay niya.

Sinong hindi mag mamakaawang ibalik sakanya ang regalo na galing sa magulang

"O-oo ibabalik k-ko 'yon.. please 'wag ka magalit, okay? Ibabalik ko, h-hahanapin ko.." sabi ko sakanya habang nakahawak sa braso nito bago kumaripas ng takbo palabas ng building.

Napasabunot ako sa buhok ng hindi alam kung saan mag sisimula.. saan ko ba 'yon nawala? Sa field? Sa roof top? Baka naka sabay sa nga basura? Sa clinic? O sa cafeteria?!

Please! Sana mahanap ko kaagad!

Inuna kong puntahan ang roof top habang may liwanag pa. Nakakatakot kasi doon pumunta kapag inuna ko ang mga madaling puntahan.

END OF FLASHBACK-


Sinipa ko ang upuan sa inis at napaupo sa isang upuan na katabi nito. Kung wala talaga dito doon muna ako pupunta sa clinic. Posibleng nandoon din 'yon nahulog.

Hindi na ako nag aksaya ng oras agad kong pinuntahan ang clinic. Ngunit pag punta ko doon ay nag linis na daw ang nurse kanina na nag assist saamin, wala talagang car key na nakita doon kaya pinuntahan ko naman ang cafeteria.

Tanging janitor ang nandoon kaya agad ko siyang tinanong.

"M-manong may nakita ho ba kayong susi ng kotse? Sige na manong kung meron man pakibigay na saakin please.." nag mamakaawang sabi ko rito.

"Pasensya na hija, tapos na akong mag linis pero wala akong nakitang susi ng kotse. Kapag may nakikita naman kaming gamit ay agad naming pinupunta sa secretary ng eskwelahang ito upang mahanap ang may ari.." paliwanag nito kaya tumango na lamang ako at bigong lumabas doon.

Nakasalubong ko si Harvey kaya tinignan ko siya at hindi pinansin saka nag patuloy sa pag lakad pero ng malalagpasan kuna sana siya ay pinigilan niya ako.

"You're sweating.. pagod kana ata, eto mag punas ka.." sabi nito sakin at iniabot ang towel.

Nag aalangan pa akong kunin iyon pero dahil malagkit na nga ako kakatakbo ko ay tinanggap kuna. Nang mapansin niyang tapos na ako ay ibinigay niya naman ang bote ng tubig. Hindi na ako nag reklamo at uminom nalang dahil uhaw na ako.

Pansin ko sa mag kakaibigan na 'to medyo mabait naman itong si Harvey.

"Akin na 'yan" sabi nito sakin at pilit kinukuha ang towel.

"H-ha? Nako 'wag na, salamat nalang dito. May pawis kuna 'to, 'kahiya naman sayo na ikaw pa mag dala." Sabi ko rito.

"That's my towel and bottle"

Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon