YNA'S POV
Umiiyak akong nakaupo habang nakatingin sa ER dahil agad naming dinala si Sofia doon matapos niyang saksakin ang sarili. May mga nurse din na nag aasikaso sakin upang icheck ang kalagayan ko habang nasa tabi ko si Zion at Ice.
Nandito rin sina April at Victor na nag aalala rin sakin. Hindi pa sila umuwi dahil talagang gusto nila akong hanapin o sabihin na nating kami ni Sofia. Ngunit ng nalaman rin nila ang totoong dahilan ay nagalit sila.
Dinala ako ni Sofia sa isang abandunadong building malapit sa likod ng school namin. Hindi ko alam kung paano nangyaring nadala niya ako doon. Walang kahit anong ideyang pumapasok sa utak ko kundi tanungin siya kung sino ang mga kasama niyang umakyat saakin doon. Sigurado akong hindi niya kayang mag isang bitbitin ako papunta sa building na 'yon.
"Yna.." pag tawag sakin ni Zion kaya nilingon ko siya. "Tinawagan na ni Dave si Tita papunta na siya ngayon dito.." aniya at tango lamang ang tanging naisagot ko.
"Nako talaga teh! Kung wala lang si Sofia sa ER nakuuu naku naku! Baka nasabunutan kuna!" Gigil na sabi ni Victor na tipid kong ikinangiti.
"Tsk. Pag inggit kase, pikit. Hayst, binasted niya si Harvey dati tapos ngayon hahabol-habol siya? Tsk. Tsk." Sabi naman ni April habang nakapamulsa sa jacket nito at napapailing.
"Mabuti at natrack namin ang phone mo Yna girl! Kung hindi deads na you!" Muli sabi ni Victor na agad naman siyang siniko ni April.
"Anong deads ka diyan?! Sakalin kaya kita?!" Inis na sabi ni April dito. Napanguso si Victor at nanahimik nalang.
Kung ano-ano man ang ginagawa sakin ng nurse na 'to sa harap ko ay wala akong pakialam. Yung isip ko ay nasa pangyayari pa rin kanina.. Parang binabalik akong muli sa lugar na 'yon.
Yung ngisi ni Sofia, yung tingin niya, yung kamay niya habang hawak niya yung kutsilyo, nakatutok sakin iyon.. nakakatakot, ang mga mata niya nanlilisik iyon na parang nasisiyahan din dahil sa natatakot ako.. ayoko! Ayoko ng ganon! Hindi iyon si Sofia!
"Ayoko! 'Wag! A-ayokooo! Please!" Umiiyak na sambit ko habang nakahawak sa ulo ko habang takot na takot na nakatingin kay Sofia.
Nanlaki lalo ang mata ko ng ngumisi siya sakin at dahan-dahang lumalapit sakin.
"S-sofiaa! Ayoko please! 'Wag Sofia!-"
"YNA! PIWIEE GUMISING KA!"
Isang malakas na sampal ang natamo ko dahilan para matauhan ako at muling bumalik ang diwa ko. Hinihingal akong napatingin sa paligid ko.
Tama.. nasa ospital pala ako..
Yna, tama na.. wala kana doon, imagination lang 'yon Yna..
Agad akong niyakap ni Mawiee ng mahigpit at halatang nag aalala sakin. Kumalas siya ng yakap at chineck akong lahat kung may masakit ba sakin. Parang maiiyak na rin siya ng makita ang mga pasa ko sa kamay at paa dala ng pag kakatali sakin ng mahigpit. Muli niya akong niyakap.
"Yna.. Pasensya na.. naging busy si Mawiee, hindi ko kaagad nasagot ang tawag nila Dave kanina. Nandoon rin sana ako upang ligtasin ka..Baby, ano? May masakit na sayo?" Tanong nito sakin at tinignan ako.
Umiling ako habang tulala. Para kasing totoo ang nakita ko kanina, sa takot ko ay talagang napasigaw ako. Nandoon ako sa abandunadong building na 'yon kasama si Sofia. Diyos ko nakakatakot! Nata- trauma na ako! Huhuhu.
"Nako po, mukhang natrauma ata siya sa nangyari kaya nag kaganyan.." narinig kong sabi ng isang babae sa kabilang upuan habang katabi ang isang matanda na mukhang nanay nito, napayuko na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Personal Maid of the Five Badboys (COMPLETED)
Teen FictionYna was living her simple highschool life. Excited pa nga siya ng malamang lilipat siya ng school pero yun pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Sa first day niya sa school may mga nakilala agad siyang mababait na kaklase, at sa first day na i...